KABANATA 3

7 0 0
                                    

Third Person's POV

"Pakawalan niyo na sa kanilang mga silya ang ating mga bagong spy agent." utos ni Propesor sa kanyang mga gwardya na nasa gilid niya.

Dali daling pumunta ang anim na lalaki sa tatlong magkakaibigan. Tigdadalawa sila na gwardya. May kung anong ginawa ang anim na siyang nagpatanggal bigla ng lock sa kanilang mga kamay at paa.

Pagkatapos nilang pakawalan ang tatlo ay bumalik sila sa gilid ng Propesor.

Ang tatlong magkakaibigan namin ay sabay sabay na tumayo at nagyakapan.

"Ayos lang ba kayo?" ani ni Blake sa dalawa. Tumango naman sina Serena at Callie bilang pagsang-ayon.

Pagkatapos nilang magyakapan at magkamustahan ay humarap sila kay Propesor at naghintay ng sasabihin nito.

"Halika at sumunod kayo sakin. Una sa lahat ay dapat kayong pumirma sa ating kontrata. May mga dapat at di dapat gawin kaya siguraduhin niyong susuriin ninyo itong mabuti bago pirmahan."

Tumango tango naman ang tatlo biglang pagsang-ayon

Naunang lumakad si Propesor at sumunod ang tatlo. Tigdadalawang gwardiya sila sa kanan at kaliwa nila habang lumalakad.

Pumasok sila sa pintong kulay brown at sa loob ay parang dirty white ang kulay ng mga pader. Sa kanan nito ay may isang table at upuan at doon umupo si Propesor. May nakahandang tatlong upuan sa harap niya.

Sumenyas si Propesor na maupo sila at ginawa naman nila. Pagkaupo nila ay nakita nila sa table ang isang folder na may nakalagay na 'spy agent contract' at sa tabi nito ay isang ballpen.

"Pupwede niyo nang buklatin ang folder. Nandyan ang kontrata. Basahin ninyong maigi at kung may tanong o ipapabago kayo ay sabihin niyo lang. Kung wala na ay pwede niyo na itong pirmahan." ani ni Propesor

Sumunod naman ang tatlo. Habang inuusisa nilang mabuti ang mga pahina ng kontrata ay inabutan sila ng tig iisang basong tubig ng mga gwardiya nila.

Nagkatinginan pa ang tatlo dahil iniisip nila na baka may kung ano nanaman ang nilagay ng mga ito dito. Napansin naman ito ng Propesor.

"Wag kayong mag-alala at malinis yan. Uminom na kayo." sabi nito.

Ngunit hindi sapat ang pagsasabi niya na yon para maniwala ang mga dalaga. Alam ito ng Propesor kaya ang susunod na ginawa niya ay kinagulat ng tatlo.

Kumuha ito ng tisyu at isa isang ininuman ang baso ng tubig at pagkatapos ay isa isa ding pinunasan ang baso pagkatapos.

"Wala iyang kung ano. Hindi ako mangmang para inumin yan sa harap niyo at pare parehas tayong mapahamak." sabi niya pagkatapos

"Sorry po." ani ni Serena at siyang naunang uminom ng tubig dahil uhaw na uhaw na ito

"Pasensya na."

"Paumanhin."

Sabi naman ito ng dalawa at siyang sumunod na uminom ng tubig. Naubos nilang lahat ito dahil sa uhaw. Tinanong sila ng Propesor kung gusto pa ba nila at tumanggi ang mga ito.

Nagpatuloy sila sa pagbabasang maigi ng kontrata at sa huli ay pinirmahan nila ito. Wala silang tanong o ipapabagong kung ano man. Sabay sabay nilang inabot ang folder kay Propesor.

"Mabuti naman at nagkasundo tayo mga binibini. Muli winewelcome ko kayo dito sa secret agent task force." pagtapos ay kinamayan niya ang mga dalaga isa isa at tinanggap naman nila ito.

'Para sa pamilya' ang nasa isip ng tatlo.

“Pwede pong magtanong?” ani ni Callie pagkatapos siyang makamayan ni Propesor

Teen Agents By AccidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon