KABANATA 10 - Ang Pagwawakas

3 1 0
                                    

Third Person's POV

Nasa presinto na ang magkakaibigan kasama ang mga magkakapatid na Manansala.

Sumama silang lahat at sinundan si Propesor na nalaman nila na ang pangalan pala ay Draemon Delos Reyes.

Sumakay ang mga dalaga sa kotse ng mga pulis papunta doon, samantalang sa kotse naman ni Migz sumakay ang mga dalaga.

Nakasunod lamang sila at nasa harap lamang nila si Delos Reyes kaya kitang kita nila kung ano muna nangyari bago ito makapasok.

Tanaw pa lamang nila ang presinto ay alam na nilang magkakagulo.

Pa’no ba naman ay andaming media na nakaabang sa labas.

Si Delos Reyes pala ay isa sa mga kilalang businessman noon.

Kilala siya sa tagumpay na kanyang nakamit sa murang edad, kaya madami din ang nakakakilala sakanya.

Sa katunayan ay mas nauna niyang nakamit ang tagumpay kay Manansala, kaya napapaisip ang mga dalaga kung totoo ng aba ang kwento nito o gawa gawa niya lang.

Bigla nalang daw nawala itong si Manansala at nabalitaan na lang ng mga tao na nalugi ang kompanya nito.

Pagkatapos ay hindi na ito nakita kailanman at kung saan man.

Kaya ganon na lamang sila kasabik na makuhanan ito ng statement dahil panigurado ay maraming magiging tanong ang publiko.

Ngunit hindi ito pinayagan ng mga pulis.

Ilang minutong pagtataboy pa at nakapasok na din silang muli ng presinto.

Pagkapasok nila ay ilang minuto pa bago umalis ang mga media.

Pagkaalis ng mga ito ay tsaka pa lamang pumasok ang mga binata kasunod nito ang mga dalaga.

“Walanghiya ka talaga!” sigaw ni Delos Reyes

Ito ang bumungad sa kanilang pagpasok.

Nadatnan nila si Manansala sa loob na gustong sugurin ni Delos Reyes.

Kung hindi lang ito nakaposas at pinipigilan ng mga pulis ay baka kung ano nang magawa nito.

Makikita mong galit na galit ang itsura at awra ni Delos Reyes.

Kabaliktaran naman ang mukha ni Manansala habang nakatingin ito kay Delos Reyes.

Makikita moa ng lungkot at awa na napinta sa kaniyang mga mukha.

Nagmamasid at nagmamasid lamang ang mga dalaga, palinga linga kung saan.

Kaya hindi nakatakas sa paningin nila ang pagpunas nito ng luha sa kaniyang mga mata habang pinipilit ng mga pulis si Delos Reyes na maglakad palayo sa kanila.

Nalungkot din ang mga mukha ng mga anak nito nang makitang nasa ganong sitwasyon ang ama.

Ganon na din ang naramdaman ng magkakaibigan kahit na sila’y gulong gulo pa din sa mga nangyayari.

Tuluyan nang nawala si Delos Reyes sa paningin ng mga tao doon.

Tahimik lamang silang lahat at hindi alam kung ano ang sasabihin sa isa’t isa.

Ending ay ang punong-guro na lamang nila ang nagsalita at bumasag ng katahimikan.

“Mga iha, ayos lang ba kayo?” tanong nito ng may halong pag-aalala

“Opo sir.” Si Blake ang sumagot kaya biglang napatingin si Riley sakanya.

“Ayos lang po kami.” Si Callie naman ang nagsalita dahilan upang si Kiefer naman ang mapatingin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 12, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Teen Agents By AccidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon