March 5, 2020 Thursday
*Note: kung may nalilito man, ang mga kabanata 5,6 at 7 ay nangyayare pare parehas sa isang araw, ngunit iba iba lamang ang POV ditto. Ito ay mula sa tatlong karakter na sina Callie, Serena at Blake. Tig-iisang kabanata po sila.
Third Person’s POV
Naunang umaksyon ang dalawang kaibigan ni Blake kaya mas nauna din nilang nakuha ang mga ebidensya na kailangan nila.
Pero hindi ibig sabihin non na hindi na niya itutuloy ang pagkuha ng sarili niyang ebidensya.
Kahit pa mahuli ay sisiguraduhin nitong makukuha niya pa din iyon, kung hindi man ngayon ay meron pa naming mga susunod na araw.
Basta wala sa isip ni Blake na sumuko. Desidido ito sa kaniyang misyon.
Nakaplano na sa utak ni Blake ang mga gagawin niya. Pinapaulit ulit na lamang niya ito sa kanyang utak.
Ngayong napansin at nakuha na niya ang atensyon ng kanilang SSG President ay alam niyang umuusad na ang kanyang plano.
Sana lang ay maisagawa na niya ito sa lalong madaling panahon.
Blake’s POV
“San mo ba gusto, mister…?”
“Riley Manansala. Ri na lang ang itawag mo.” Sabi nito sakin nang seryoso ang mukha.
‘Para namang nakakakaba ito, ganto ba talaga to? Sabagay President e, hay nako Blake talagang ayan binangga mo ha?’ sabi nito sa isip niya.
“Uhm saan tayo? Gusto mo bang ibili muna kita ng shirt? Halatang basing basa yung unahan e.” alok ko sakanya.
“Hindi na kailangan at meron ako laging extra sa office ko pero wag muna tayo pumunta don.” Sabi nito sakin at luminga linga sa paligid.
Luminga linga na din ako sa paligid, sinundan kung saan siya tumingin.
Pagtapos na sundan ang mga tingin niya ay lumingon ako at tiningnan naman siya. Laking gulat ko nang nakatingin siya sa akin.
Nanlaki ang mata ko dahil dito at nagging dahilan ito upang tumawa siya ng mahina at mapangiti.
‘Marunong din naman pala ng iba pang facial expression bukod sa poker face. Okay mabuti naman.’
Tumawa din ako ng slight at ngitian siya pagkatapos ay tinanong ko siya.
“Saan na tayo ngayon? Alam kong sanay ka sa mayayamang pagkain, pero wag masyado muna sa ngayon ha? Baka di ko mareach”
Sunod sunod na sabi ko. Di ko talaga mapigilan ‘tong bibig ko sa pagdadaldal jusko.
Tumawa nanaman siya ng onti at nang mahina lamang bago sumagot.
‘Ano bang tingin sakin nito, clown?’
“Milktea na lang tayo don sa tapat ng school. Okay na sakin ‘yon.”
“Ayon naman pala e, kahit umorder ka pa ng pagkain! Oh siya tara na!” masiglang sabi ko sakanya.
Umiling iling ito habang tumatawa at tsaka tumalikod at naunang maglakad.
Mabuti na lang at nauna siya para makakuha ako ng litrato niya.
‘Para sa pruwebang kasama kita, mister Ri.’
“Uy saglit lang!” sigaw ko sakanya nang matapos ko na siyang kunan ng litrato.
Kunwaring nahuli e nagpahuli naman talaga ako hahaha mapagpanggap masyado.
Binagalan niya ng onti ang lakad niya at tsaka ako nakacatch up sakanya. Sabay na kaming naglakad ngayon palabas ng paaralan.
BINABASA MO ANG
Teen Agents By Accident
Teen FictionHindi inaasahan ng tatlong dalaga na magkakaibigan ang mapabilang sa isang secret agent task force. Madami silang makikilala na mga tao at mapagdadaanan na mga pagsubok. Hanggang saan kaya aabot ang kanilang pagiging teen agents?