"𝐚 𝐝𝐫𝐞𝐚𝐦 𝐢𝐧 𝐚 𝐝𝐫𝐞𝐚𝐦"

2 0 0
                                    

>>>•<<<

"Isang kotse, na-out of control umano sa pagdi-drive at nabangga sa isang poste. Isang sakay, critical!"

---

LANCE'S POV

---

I woke up nang mapansin kong matigas ang hinihigaan ko. The sun is so bright. Bumangon ako sa pagkakahiga and there i knew, nakahiga ako sa kalsada.

Nasaan ako?

The place is unfamiliar. Tumayo ako at nilibot ko ang aking paningin. Hindi ko alam kung paano ako napadpad dito. Wala akong maalala na kahit isang scenario na nagiging dahilan para ako'y maparito at kung bakit dito ako sa kalsada nakahiga.

"Hello?" malakas kong sabi.

There are cars na naka-parking pero walang tao.

Nasaan ba ang mga may-ari nito?

May nakita akong isang cafe kaya agad akong nagtungo roon. As i opened the door, i heard the ringing of the bells and to what I've been expecting, walang tao. I saw a chocolate cake sa may counter at nakaramdam ako ng gutom.

May tao ba rito?

"Hello? Anybody there?" tanging boses ko lang ang nag-echo sa buong silid.

Lumapit ako sa counter at dahan-dahang kinuha ang isa sa mga cakes na naka-display doon.

Agad kong isinubo ang piraso ng cake sa aking bibig. Balot na balot ang buong silid ng katahimikan at tanging pag-muya ko lang ang naririnig.

I forced my brain to not think about ghosts or something paranormal but it suddenly came out. Nakaramdam ako ng takot na baka may multong nakatitig sa 'kin habang kumakain ako.

Kaya agad kong inubos 'yong cake at lumabas na ng cafe.

No wonder, why is that cafe active? Eh wala namang tao. Are these people here pranking me? Lahat talaga sila? Parang imposible naman.

Naglakad-lakad ako sa lugar na hindi naman pamilyar sa 'kin. Habang sa paglalakad ko ay kasabay nito ang pagsisigaw ko ng kung ano-anong salita na baka ay may makarinig sa 'kin.

It's so weird! Lahat nang nandito, naka-on. The post lights, mga ilaw ng mga restaurants-- lahat! Lahat ng shops, it's all open. Nasaan ba talaga ang mga tao dito? Meeting? Lahat ng mga tao rito nagmeeting? Nagtago? Walang natira?

As i looked at myself sa isang mirror na nadatnan ko, I'm wearing just a simple gray t-shirt paired with a black shorts and a black shoes.

Habang sa paglalakad ay nakaramdam ako ng pagod dahil na rin sa lakas nang sikat ng araw. Kaya naghanap ako ng lugar na mapagpahingahan and i saw a bookstore. At sa mahilig din ako sa libro, pumasok ako and there i saw lots of books, sofa, and a vending machine.

Naghanap ako ng fantasy book, and i saw one 'The conspiration of the universe' it's from wattpad.

Humiga ako sa sofa habang basa-basa ko ang libro.

I suddenly woke up, hawak ko pa rin ang libro. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Tumingin ako sa bintana, it's sunset. Kung gayon, magdidilim na. Natagalan din pala ang pag-tulog ko.

Iniwan ko ang libro sa lamesa at lumabas na. Naghanap ako ng restaurant at no'ng may nakita ako ay agad akong nagtungo roon.

Pumasok ako at tumambad sa akin ang amoy ng iba't ibang ulam.

Who's cooking? May tao na ba dito? Sa wakas!

Pumasok ako sa kusina at wala akong ni-isang taong nakita.

A Dream in a DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon