Vice's P.O.V
"Good morning po. Ma'am Vice, pinapasabi po ng daddy nyo na pumunta daw po kayo dito sa opisina nya. May importante daw po syang sasabihin sa inyo" Pagbungad na sabi ng secretary ng daddy ko."Sabihin mo di ako pupunta" May irap kong sabi.
"Pero ma'am---"
"Wala ng pero pero! Sabihin mo may gagawin pa ako na MAS IMPORTANTE KESA SA SASABIHIN NYA" Padabog kong pinatay ang tawag.
Napa aga pa para makaramdam agad ako ng kabwisitan. Ni hindi pa nga ako nakakapagpapakilala sa inyo e.
Ito na para naman may alam na kayo sakin at sa mga nangyayari sakin. Ako nga pala si Jose Marie Borja Viceral. Vice for short. Anak ako ng tatay ko at syempre ng nanay ko. And yes bakla po ako, tanggap ako ng mga magulang ko kasi wala na din naman silang magagawa dun🤗.
Only child ako kaya hindi na nakakapagtaka kung balang araw saakin mapapapunta ang kumpanyang Viceral's Corp. Which is ang ayaw ko. Pinag aral nila ako about sa business kahit labag sa loob ko. Pero hindi ko naman kinakaila na proud din ako sa naging desisyon kong sumunod kasi nakagraduate ako. Plus naging Summa Cum Laude pa😉
"Daddy is calling"
Oh shookt!!!! Ito na nga ba ang sinasabi ko e! Hay nako kahit kelan talaga🙄
"JOSE MARIE BORJA VICERAL!!!! Ilang beses ko bang ipaalala sayo na kapag pinapupunta kita dito pupunta ka?!"
Pasigaw na sabi nya ng sagutin ko ang tawag nya."Eh daddy naman! Alam ko na naman kasi ang sasabihin mo e! Dad, pwede ba tigil tigilan nyo na ako?! Please? Lagi na lang ba ung desisyon nyo ung masusunod?"
"Pupunta ka o ipapasundo kita?"
Tangina kahit kailan talaga wala akong takas dito sa matandang to🙄
"Papunta na po" Huli kong sinabi bago ko pinatay ang tawag.
URRRRGGGHHH!!! NAKAKAINIS!!! Ito na naman po tayo. Ilang beses ko ng sinubukang tumakas kay daddy. Pero kahit isa hindi man lang ako nakalusot. Jusko! Kailan ba to titigil?
Nagtataka siguro kayo kung ano yung mga pinasasabi ko. Well ano pa nga ba itong mga magulang ko hindi ako tantanan sa mga anak ng kapartnership nila. Na puro naman CHAKANEZ! Parang sa 20 na nakadate ko na 3 lang ung masasabi mong okay e. Ayun ay sina Robert, Albert, at Bobert. Oh diba puro may bert sa pangalan.
Parang everyweek may date ako. Wala pa rin kasi akong jowa hanggang ngayon. #NBSB ang mamah nyo! Hindi pa kasi ako nakakahanap ng katapat ko e. Gusto ko kasi sa lalaki ung mapapatino ako. Pero since wala akong makita itong mga magulang ko ang gumagalaw para sakin. Sweet man sa inyong paningin pero tangina nakakasuka. Kung kayo ang nasa posisyon ko for sure matagal na kayong sumuko. May time nga na kinidnap ang sariling anak kasi sinubukang tumakas. Oh diba very powerful ng mga magulang ko. Kaya nilang ipakidnap sarili nilang anak para lang sa walang kwenta date🤷♀️
Tumayo na ako sa kama dumeretsyo ako sa banyo para magtooth brush. Hindi na muna ako naligo kasi for sure mabilis lang naman ung pag uusapan namin nina daddy. Kinuha ko na ang keys ng kotse ko at natungo na sa kumpanya.
"AT VICERAL'S CORP"
"Goodmorning po Ma'am Vice" Pagbati sakin ni kuya Josh ang isa sa mga guard dito sa kumpanya.Nginitian ko na lang sya. Pasensya na kuya wala talaga ako sa mood.
"Goodmorning po Ma'am Vice. Hinihintay na po kayo ni Sir sa office nya" Sabi ng secretary nya pagkapasok na pagkapasok ko pa lang.
Nagtungo na agad ako sa elevator at pinindot ang 50th floor kung nasaan ang office ni daddy. Kinakabahan man pero pinapagpatuloy ko parin ang paglalakad patungo sa office nya.
"VICERAL! ANO NA NAMAN YANG SUOT MO?!" Bungad na sigaw ni daddy pagkabukas ko ng pinto ng office nya.
"Goodmorning din po daddy😊" Nginitian ko sya para mas lalo syang masura sakin. Of course bawi bawi lang bwinisit agad ako kanina e.
"ANONG GOODMORNING KA DYAN! ANONG KLASENG SUOT YAN?!" Galit parin nyang tanong sakin.
"Daddy kumalma ka nga. Okay ito ang tinatawag na Tshirt sabay turo sa pang itaas kong kasuotan. Tapos ito naman pajama turo naman sa ibabang bahagi. At ang huli tinatawag na tsinelas. Daddy naman tanda tanda na di pa alam ang tawag sa mga ganito" Natatawa kong sagot sa kanya
"Hindi ako tanga kaya wag mo akong gawing tanga alam ko lahat ng yan. Ang ibig kong sabihin bakit nakaganyan kang pumunta dito?!?! Ilang ulit ko bang sasabihin sayo na maging elegante ka naman! Paano kung may nakasalubong kang bisita dito. Gusto mo bang masabihan ng kung ano ano na lang?" Mahaba nyang lintahin sakin
"Daddy wala kong pake kung may makakita sakin na bwisita nyo. Kasi unang una pananamit ko to. Kaya wala silang magagawa"
"Aba kahit na ala---" Napatigil sya sa pagsesermon sakin ng biglang dumating si mama.
"Magtigil nga kayong dalwa. Nakakahiya sa mga nakakarinig. Halos abutin na sa kabilang kumpanya ang bangayan nyo" Pagpapatigil nya samin
"Eh mommy si daddy kasi pati pananamit ko dinadamay!" Pagsusumbong ko sa kanya
"Eh bakit kasi ganyan ang sinuot mo alam mo namang anytime nagkakabisita tayo!" Ano ba to kala ko may kakampi na ako rito🙄
"Oh sya sya tama na yang bangayan na yan"
"Vice, makinig ka. May sinet up kaming date para sayo. Next week pa naman kaya mahaba haba pa ang pahinga mo. Siguro naman hindi mo kami ipapahiya dito" Pagsisigurado sakin ni daddy
"Yun lang naman ang gusto naming sabihin. O sya layas na maligo ka! Baho baho mo na!" Sabi sakin ni mommy pagkatapos nya akong yakapin.
Sus kala mo namam bango bango nila🙄
Natapos na nga ang napakaIMPORTANTEng meeting with my parents.Pinaharurot ko na ang aking kotse pauwi sa bahay. Itutulog ko na lang ulit ito.
Habang nagmamaneho ako bigla na lamang may nagovertake sakin kaya mabilis akong nagpreno at buti na lang talaga at nag red light (basta un na un😅) kaya bumaba ako para tanungin ang problema nya.
Pinababa ko sya sa sasakyan nya saka sya sinigawsigawan.
"HOI IKAW MUNTIK KA NG MAKAPATAY NG TAO DAHIL SA MGA PINAG- GAGAGAWA MO!" Galit kong sigaw sa kanya
"So ano namang pake ko?"
Aba't may gana pa syang sumagot nyang ganyan.
"HINDI MO BA ALAM NA PWEDE KITANG IPAKULONG DAHIL SA GINAWA MO?" Palaban kong sinabi sa kanya.
"Ang dami mong kuda" Mabilis nyang sabi sabay paikot nya sakin.
Nakasandal na ako ngayon sa kotse nya. Mabilis nya akong hinalikan sa labi.
Ay wait!!! PUTANGINA hinalikan nya ako sa lips!
SA LIPS!!!!!!
Mabilis ko syang tinulak at bumalik sa kotse ko. Pinaharurot ko ang kotse ko pabalik sa bahay.
Nakakainis! Tangina OA na kung OA pero first kiss ko un! Tangina naman oh. Ung isa sa mga pinapahalagahan ko nawala na lang ng parang bula
Tangina!!!!!
Sa sobra kong sura di ko na namalayan na lagpas na pala ako sa bahay.
YOU ARE READING
Mrs. Perez
FanfictionA gay who has no clue what it feels like to be in love. And a Man who was born with an enormous need for affection and an enormous failure to ever give it. The question is, will they click or not? What's up mga ViceIon fans!!!🧡 Sana suportahan nyo...