Vice's P.O.V
Kasalukuyan akong nagbibihis kasi sasamahan ko si Buern sa kumpanya nila. Wala pa man din pero sobra ko na agad proud sa kanya. Kasi hindi naman madali na humarap sa magulang mo at maglakas loob na aminin ang tunay mong nararamdaman, diba? Alam na alam ko dahil naranasan ko na.
Nung umamin ako sa mga magulang ko ng totoo kong pagkatao hindi maipinta ang mga mukha nila. Para silang kinulam ng mga mangkukulam sa probinsya. Pero kalaunan naintindihan na din naman nila. Hindi ko nga inaasahan na matatanggap nila ako. Sobrang saya ko kasi sila mismo yung lumapit sakin para sabihin sakin na okay lang sa kanila. Well technically hindi naman talaga nila sinabi na okay lang sa kanila. Nagising na lang ako isang araw, ng may mga gamit na akong pangbababe sa kwarto ko. Ayun na din siguro yung huling beses na naging masaya ako sa desisyon na ginawa ng mga magulang ko.
Kaya sana sa gagawin ni Buern na pag amin ngayon, ay mas lalo pa syang tumatag kasi yun yung natutunan ko eh.
"Baks!!!!!" Rinig kong tawag sakin ni Buern.
Oh andyan na pala ang bruha.
"Wait lang!!!!" Pasigaw ko ring sabi habang inaayos ang buhok ko
Pinakatitigan ko muna ang sarili ko sa salamin tyaka nagpasya na bumaba.
"Arats na Baks!" Agad kong sabi pagkababa ko ng hagdan
"Arats!"
Sumakay na nga kami sa kotse nya. Hindi parin kasi binabalik sa bahay ni daddy yung kotse ko. Pati nagpresinta na din naman si Buern kasi magsho shopping na din naman daw kami after.
"Baks, parang mas maganda kung ako na lang ang magdrive. Baka kung ano pang mangyari satin sa sobra mong nerbyos" suggest ko naman sa kanya na sinang ayunan naman nya. Bumaba ulit kami at nagpalit ng pwesto.
"Baks?" Pagtawag nito sakin sa kalagitnaan ng pagdra drive ko.
"Whyiiieee?"
"Itatanong ko lang sana kung........kung anong naramdaman mo nung umamin ka kina tito?"
"Alam mo Buern, alam kong kinakabagan ka na sa mangyayari ngayon. Pero lagi mong isipin na nandiyan ni Lord para gabayan ka. Sabi nga nila walang hamon na binigay sayo si Lord kung alam naman nyang hindi mo kakayanin. Kaya for sure makakaya mo din yan. Basta magtiwala ka lang sa kanya"
"Naniniwala ako sa kanya" sabi niti ng may ngiti sa labi
Nakarating na kami sa kumpanya nina Buern. Maganda, malinis at malaki pero mas malaki parin ang kumpanya namin. Dumeretsyo na kami sa front desk para itanong kung may meeting ba or appointment ngayon ang mga magulang ni Buern.
"Wala naman po Sir Buern" magalang na sabi nito
"Pwede ba namin sila makita ngayon?"
"Nako sir lumabas po kasi sila. Para magtanghalian. Pero baka po pabalik na rin sila.
"Ah sige. Pakitawag na lang kami kung andyan na sila"
Nagtungo kami sa lobby ng building na ito na syang ikinataka ko dahil anak naman sya ng may ari bakit hindi na lang sya maghintay sa opisina ng magulang nya.
"Hmmm... Buern? Bakit hindi na lang tayo maghintay sa office ng parents mo?" Taka kong tanong
"Ah.....kabilin bilinan kasi sakin ng parents ko kahit nung bata pa lang ako na kahit anong mangyari. Dito muna ako sa lobby maghihintay"
"Grabe sobra mo naman pong masunurin na anak" pang aasar ko sa kanya kasi makikita mo sa mukha nya ang kaba.
Tumabi naman ako sa kanya ng makita kong hindi maalis sa kanya ang kaba at takot. Kaya pinagsiklop ko ang mga kamay namin at tumingin sa kanya ng masinsinan.
YOU ARE READING
Mrs. Perez
FanficA gay who has no clue what it feels like to be in love. And a Man who was born with an enormous need for affection and an enormous failure to ever give it. The question is, will they click or not? What's up mga ViceIon fans!!!🧡 Sana suportahan nyo...