Chapter 14

810 32 15
                                    

Vice's P.O.V

Makalipas ang ilang araw at naging maayos ang takbo ng project na ito. Nakahilata lang ako sa kama ko dahil pahinga namin ngayon. Akala ko nga hindi na kami bibigyan maka pagpahinga. Gusto na kasi nila matapos agad. Hindi ba nila alam na hindi naman madali ang ganung klaseng project? Lalo pa't ang kasama mo ay isang Ion Perez.

Hindi talaga kami magkasundo nun. Sinusubukan ko namang babaan ang pride ko. Pero wa epek tayo mga sis. Ayaw patalo lagi.

Siguro babae talaga yun. Nagpapalit lang kaya naging lalaki.

Tapos yung secretary ko pa nako nuknukan yun ng ka plastic-an. Sipsip pa sa lahat. Buti na lang hindi ako nadadala sa mga pagpapacute nya. Hindi nya ba alam na sa kakaganun nya nagmumukha sya kakatakyut.

Gusto ko na syang paltan kaso sabi ni Daddy magaling daw sya. Kaya hanggang ngayon sya parin nasa tabi ko. Ay mali nasa tabi ni Ion.

Tinawag na ako ni Manang para magtanghalian. Pero nagulat ako sa nakita ko.

"Baks?!" Gulat na tawag ko dito.

"Ito naman parang nakakita ng multo. Maputi ako pero hindi naman ako mukhang multo" sabi ni anne matapos kaming magbesuhan.

"Hindi ka man lang kasi nagtext"

"Oh edi asan dun ang surprise?" Pabalang nitong sabi.

"Sabi ko nga. Pero paano mo nalaman na nandito ako ngayon?"

"Tinawagan ko si Manang" sabi nito at tiningnan si Manang na ngayon ay busy sa pag aayos ng lamesa.

"Ah...kumain ka na ba? Sumabay ka na saamin"

"Sige. Pero konti lang kainin mo. Lalabas tayo. At treat mo yun kasi may trabaho ka na!" Masayang sabi nito.

"Aba naman! Ikaw tong bumisita tapos ako pa ngayon ang manlilibre? Pati FYI matagal na akong may trabaho, hindi nga lang ako pumapasok"

"Ah..basta lilibre mo ko ngayon" maotoridad nitong sabi.

Hayystt hindi naman ako makakatanggi kasi ganyan din naman ako sa kanila.

Gaya ng sabi ni Anning lalabas kami ngayon. Hindi ko alam kung saan kami pupunta kasi sya ang nagdri drive. Tahimik akong nagmamasid sa labas ng bigla nya akong tanungin.

"Chika naman dyan oh! Hindi ako sanay na tahimik ka. Kamusta naman ba ang work?" Tanong nito habang nagmamaneho parin

"Pagod lang siguro ako. Dire diretsyo kasi ang trabaho ko. Tapos ngayon lang ako nakapagpahinga pero naudlot din kasi niyaya mo akong lumabas"

"Ay sorry na po. Namiss kasi kita. Pati alam kong namiss mo rin gumala kaya niyaya na kita"

"Balita ko may partner ka dito? Lalaki diba? Gwapo ba sya? Ay ghorl jowain mo na kung gwapo. Matcho ba? Nako kung ganun asawahin mo na!" Dagdag pa nito.

"No thanks! Never mangyayari ang lahat ng yun! Never never never!" May lakas kong sabi.

"Ay galit si betle. Hindi ba gwapo? Hindi matcho?"

"Ewan ko sayo. Basta hindi mangyayari yun. Magsama sila ng secretary ko" Inis ko paring sabi.

"Ay feeling ko ang dami mo dapat ichika sakin. Buti na lang talaga at naisipan kong bisitahin ka" may ngiti nitong sabi.

Tumango na lang ako sa kanya. At binalik ang tingin sa labas. Tama naman sya, hindi ako tahimik na tao lalo kapag kasama ko mga kaibigan ko. Lagi akong may chikang bago. Mapa balita man or scandal. Kaya kakapagtaka talaga kapag tahimik ako.

Pero kanina ko pa kasi iniinda ang sakit ng ulo ko. Dala na din siguro ito ng kakulangan sa pagtulog. Kasi naman laging ang aga ng alis namin.
Palihim ko na lang hinilot ang ulo ko. Ayaw ko namang mag alala si Anne baka masira ko pa plano nya. Kaya hangga't maari titiisin ko ito.

Mrs. PerezWhere stories live. Discover now