Vice's P.O.V
First day ng project namin ngayon. Gaya ng napag usapan kailangan lahat ng ikikilos namin ay ipapaalam namin sa mga magulang namin. Siguro for guidance na din.
For today's work. Kailangan naming puntahan lahat ng branches ng VCorp at dahil nga may kapartner kami need na din namin puntahan ang PCorp (Perez Corp).
Tinext na saakin ng secretary ni daddy ang lahat ng gagawin namin for today. Hindi naman ganoong kadami pero alam mong mapapagod ka lalo na't palipat lipat. Nakita ko puro VCorp ang pupuntahan namin kaya naman nagshort ang tshirt na lang ako. Sanay na naman sila saakin kaya ito na lang napili kong suotin.
Naalala ko hindi pa nga pala pinapagamit saakin ni dad ang kotse ko kaya tinawagan ko sya parang tanungin.
*Convo with Dad*
"Goodmoring dad!" Masayang bati ko. Baka kasi sa ganitong paraan ipagamit na sakin kotse ko. Miss ko na gamitin yun.
"Anong kailangan mo?" Matanong ko lang pag ba nag goodmorning kaakibat ba nun na may kailangan ka sa taong pinagsabihan mo nun? Pero tama naman si dad.
"Ah...dad binalik nyo na po ba yung kotse ko dito sa bahay? Wala pa po kasi akong magagamit na iba papunta sa kumpanya natin" magalang kong sabi. Yiieee daddy bibigay na yan.
"Hindi ko ibabalik yun hangga't hindi natatapos tong project mo" oh eh paano tayo nito ngayon?
"Pero dad mas mapapadali ako kung hindi nyo na ako ipapasundo" Sabi ko rito ng may halong pagkainis.
"Ay basta hindi ko muna ibabalik sayo yun" No choice tayo mga bakla. Sunod kay commander at baka mapalo.
"Sige po" tuluyan kong pagsuko.
"Darating na yung sunod mo maghintay ka lang dyan" Sabi nito bago ako binabaan ng tawag.
Gaya ng sabi ni daddy, ito ako ngayon at naghihintay ng sundo ko. Arte-arte naman nung matandang yun ipapasundo pa ako. Ano ako Elementary para sunduin?
*Beep Beep*
Huwag kayong ano dyan tunog yan nung busina ng kotse.Lumabas na ako ng bahay para makasiguro kung sundo ko na yun. Pagkakita ko sa kotse na nasa harapan ko ngayon biglang pumasok sa isip ko ang isang alala mula sa nakaraan (echos ka teh).
"Ano tutunganga ka lang dyan? Hindi ka na papasok?" Napabalik ako sa katinuaan ng biglang sumigaw si Ion.
"Huwag kang excited!" Tungon ko sa kanya. Ito naman apaka excited para laging naghahabol ng oras e!
Pumasok na nga ako ng tuluyan sa kotse nya. Infairness ang bango ng kotse nya. Mas maganda ito kesa dun sa ginamit namin kahapon.
Habang nasa byahe kami mapapansin mo ang pagiging tahimik daming dalwa. Naiinis parin ako kay daddy. Kayang kaya kong naman kasi magdrive. Hindi pa ako lumpo para hindi makapagdrive. Okay lang sana kung ipasundo ako e. Pero bakit kay Ion pa hindi na lang kay Manong.
Pinakelman ko ung dashboard ng kotse nya para makaconnect cellphone ko. Nakita ko namang masama syang nakatingin saakin. Pero binalewala ko na lang ito at nagpatuloy sa ginagawa ko. Ng maiconnect ko na ito. Ay syang patugtog ko agad. Nasakto at isa sa mga paborito kong kanta ang tumugtog.
Simpleng Tao by Gloc 9
Habang tumutunog ang gitara sa 'kin, makinig ka sana
Dumungaw ka sa bintana na parang isang harana
Sa awit na aking i-sinulat ko kagabi
'Wag sanang magmadali at 'wag kang mag-atubili dahil...
YOU ARE READING
Mrs. Perez
FanfictionA gay who has no clue what it feels like to be in love. And a Man who was born with an enormous need for affection and an enormous failure to ever give it. The question is, will they click or not? What's up mga ViceIon fans!!!🧡 Sana suportahan nyo...