Chapter 32

888 50 42
                                    

Vice's P.O.V

Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa mata ko. Pilit ko itong sinasawalang bahala pero masyado talaga itong masakit sa mata kaya tumagilid na lang ako. Pero mas lalo ata akong nagising ng may iba akong nahawakan.

Kinapa-kapa ko pa ito hanggang sa may narinig na akong ungol.





"Shet di ata to unan!" Napabalikwas naman ako ng tayo ng mapagtanto kung ano yung nahawakan ko.

"Bakit mo tinigil? Mukhang enjoy na enjoy ka pa naman" sabi ni Ion ng nakahiga parin.

"Bastos!" Sigaw ko at pinagbabato sya ng unan.

"Ms. Viceral sa pagkakatanda ko ikaw ang unang nambastos. Hindi mo naman agad sinabi saakin na mga ganung klase pala ang gugustuhin mong hawakan......ay mali kapain pala" asar nito saakin.

"Hindi ko sinasadya! Kita mo namang nakapikit parin ako. Pati malay ko bang yun na ang nahahawakan ko akala ko unan parin!" Giit ko rito habang pinagbabato parin sya.

Tumayo na sya't inawat ako. Napaatras ako hanggang sa napasandal na ako sa dingding. Hinawakan nya ang magkabila kong pulso at tinaas ito. At dahil palapit na ng palapit ang katawan nya ay awtimatikong napapikit ako.










Lord kung may mangyari man po ngayon sana po gabayan nyo ako kasi wala pa po talaga akong experience dito. At sana po magalingan sya saakin. Yun lang po at maraming salamat.







"Anong pinipikit pikit mo dyan? Magmulat ka nga" sabi nito na syang nagpamulat nga saakin.

"Ang sabi ko maligo ka na kasi amoy na dito sa buong kwarto ko ang baho ng hininga mo" sabi nito at binitawan na ang pagkakahawak sa pulso ko.

Napayuko naman ako at dahan dahang chineck ang hininga ko. Nang makumpirma kong totoo nga ang sinabi nya ay patakbo akong pumunta sa cr at nagtoothbrush. Btw ang toothbrush na ginamit ko ung sa sarili ko mismo. Kasama na din kasi ito sa suitcase na dinala nila daddy kaya good to go talaga ako.







"Wala ka na bang lagnat?" masungit kong tanong ng makaupo ako sa sofa.

"Oo" simpleng sagot nya habang patuloy paring nagluluto ng almusal.

"Pasalamat ka naman. Aba naghirap akong magluto ng lugaw para lang sayo" sabat ko sa kanya.

"Salamat sa lugaw mo at nawala ang sakit ko"

"Ganyan dapat! Btw masarap ba?"

"Kaya nga ako nagpapasalamat kasi ang panget ng lasa! Biglang nawala ang sakit ng katawan ko ng matikman ko ang lugaw na gawa mo. Anong klasing lugaw yun ang alat?" Sabat nito na syang kinagalit ko.

"HOI BENIGNO PEREZ AKO NA NGA ANG NAG EFFORT NA LUTUAN KA TAPOS GANYAN PA ISASABAT MO SAAKIN. TSK DI NA LANG MAGPASALAMAT!" Iritang sigaw ko.

"Nagpasalamat naman ako ah? Kailangan pa juliet juliet?"

"Tsk"

"Tumayo ka na dyan para makakain ka na ng masarap. Huwag kang mag alala may ay lasa ito di tulad ng niluto mo kahapon" asar parin nya.

Padabog na akong tumayo at pumunta sa kusina. Nakita ko namang nakahain na ang mga pagkain. May scrambled egg, bacon, hotdog at fried rice.

"Kumakain ka ba ng ganito?" Tanong nya saakin ng makitang nakatingin lang ako dito.

"Maarte ako pero di ako mapili sa pagkain noh" sahi ko at kumuha na ng pagkain.

"Buti naman kasi kung hindi bahala kang magutom"

Mrs. PerezWhere stories live. Discover now