Vice's P.O.V
Balisa parin ako dahil sa nangyari kanina. Kaya ito ako ngayon tahimik lang at pinagmamasdan kung paano namin nilalakbay ang daan. Walang may lakas loob na magsalita. Ni hindi ko nga alam kung nasaan na kami. Basta ang gusto ko lang mangyari ay makalayo sa kanya.
"Kanina pa may tumatawag sayo" sabi ni Shanlee ng mapansin nyang kanina pa tumutunog cellphone ko.
"Hayaan mo na. Titigil din yan" matamlay kong sagot.
Lumipas ang ilang minuto bago sya ulit nagsalita.
"Gusto mo bang kumain muna?"
"Sige lang" walang gana ko paring sagot.
"Hey di ako sanay na ganyan ka. Pero since hindi ko pa alam ang nangyari sige titiisin ko na lang muna" dagdag pa nito.
Tumango na lang ako at tinuon na ulit ang atensyon sa bintana. Sorry Shan, maski sarili ko hindi sanay na ganito ako. Pero sana maintindihan mo na paraan ko ito para mawala yung sakit na kinikimkim ko.
Mas dumoble yung sakit na nararamdaman ko nung sya na yung nagsabi. Hindi ko inexpect na sa kanya pa manggagaling ang mga yun. Kaya siguro tama lang yung desisyon na iwasan na sya. Alam kong hindi magiging madali pero yun lang talaga ang nakikita kong paraan para mabawasan ang sakit na nararamdaman ko.
"After natin dito saan mo gustong pumunta?" Tanong saakin ni Shan habang panay parin ang kain nya.
"Nakakahiya man pero gusto ko kasing magbar ulit. You know pampawala lang ng sakit na kinikimkim" nahihiya kong sagot.
"Gusto mo ba dun na lang ulit tayo. Pero this time dun na tayo sa Chill Bar" masaya nitong suggest
"Mukhang maganda naman dun kaya sige goo!"
Pagkatapos ng paguusap naming yun ay bumalik na kami sa pagkain. Siguro naman mawawala na itong pagkirot ng puso ko.
Natapos na kami sa pagkain at napagdesisyunan ng umalis. Mabilis ang byahe namin kaya hindi ko na namalayan na andito na kami sa bar.
And as usual ang dami na namang tao."Misis ko, tara na?" Yaya saakin ni Shan.
At dahil na rin sa pagtawag nyang yun saakin ay nakatikim sya ng malakas na batok.
"Ako tigil-tigilan mo ko sa kakatawag mo ng ganyan saakin ha. Kapag talaga nasanay ako......." Sabi ko rito ng may pagbabanta. Kasi naman masyadong maharottt.
"Kyut mo"
Tingnan nyo ang harot harot. Hindi na ako magtataka kung bakit ang lapit nila ni Buern.
Tuluyan na nga kaming pumasok sa Chill Bar. Grabe ang ganda nga din pala dito. Tanging ang banda lang na tumutugtog ang maririnig mong umiingay. Hindi tulad sa kabila na halo halo na ang ingay.
"Anong order mo?" Sambit nito ng maiupo nya ako. Sobrang gentleman nya talaga. Yung tipong uunahin ka nya sa lahat, mapaupo man o di kaya naman sa pagpasok. Sarap maging jowa nito!
"Jowain mo kaya ako?" Sambit ko rito.
Napatingin ako sa kanya at natawa sa itsura nya. Gulat na gulat si bakla oh!
"Ay chossy naman nito. Dali na kahit ilang linggo lang" dagdag ko pa.
"Nako Viceral huwag mo kong mahamon ng ganyan baka pakasalan na agad kita kung sakali man" sabi nito ng makarecover na sa pagkakagulat nya.
"HAHAHA joke lang naman. Pero pwede naman siguro diba?" Joke ko parin sa kanya.
Aba at tumawa lang ang hayop. Ayaw nya nun mararanasan nyang magkajowa ng panot......
YOU ARE READING
Mrs. Perez
أدب الهواةA gay who has no clue what it feels like to be in love. And a Man who was born with an enormous need for affection and an enormous failure to ever give it. The question is, will they click or not? What's up mga ViceIon fans!!!🧡 Sana suportahan nyo...