Vice's P.O.VNgayon ang tapos ng pang tatlo naming meeting. Meaning makapaggala na ako!
Malalim ang isip ki ng bigla akong tinabig ni Ion.
"Ano na naman ba?" Inis na tanong ko.
"Kanina pa ako salita ng salita dito di ka naman nakikinig"
"Eh ano ba kasi yun?"
"Ang sabi ko saan mo balak gumala mamaya?" Tanong nito saakin
"Eh ano naman sayo?" Maarte kong sabat.
"Baka lang naman naalala mo na kaya ako nandito ay para mabantayan ka. Kaya siguro naman karapatan ko kung saan ka pupunta" Matapang nitong sagot.
Ay oo nga pala pinasama sya para mabantayan ako.
"Hindi ko pa alam" honest kong sabi. Hindi kasi ako mahilig magtravel kaya wala akong kaalam alam sa mga ganito.
"Sumama ka na lang kaya saakin?" Suggest saakin ni Ion.
"No thank you. I can handle myself. Pati hindi ba mas maeenjoy natin parehas kung hindi natin makakasama ang isa't isa?"
"Okay kung yan ang gusto mo. Pero ipaalam mo saakin kung nasaan ka para kung may mangyari man sayo alam ko kung saan ka pupuntahan"
"Yern! Concern si kyah!" Asara ko rito.
"Hindi ako concern sayo. Ayaw ko lang mapagalitan ng mga magulang mo. At huwag kang masyadong feeling di ka maganda para alalaanin" Sabi nito at umalis na.
Ang kapal ng mukha! Maganda ako!
MAGANDA AKO!
(Pag may make up lang.....)
Char!😂
Nakabalik na kami sa hotel at nagsimula na ngang mag ayos. Nauna na syang umalis kasi hindi naman sya ganoong nag ayos. Pansin ko nagpalit lang sya ng damit.
Nagtext sya saakin kung asan sya pero hindi ako nagreply.
Tsk!
Masasayang lang load ko sayo.
Nagtanong ako kila Anning kung saan magandang pumunta at sinabi nyang sa Harajuku daw. Kaya hindi na ako nagdalwang isip at doon na nga pumunta.
Gosh! Ang dami palang tao dito!
Kanan, kaliwa, kanan, kaliwa,diretsyo.
Pabalik balik lang ako kasi hindi ko na maintindihan kung ano ba talaga ang gusto kong bilhin. Sa sobrang daming pwedeng mabili halos lahat gusto ko ng bilhin.
Naglakad pa ako ng mga ilang minuto. Bago napagdesisyon na umuwi na. Like I said I'm not a fan of traveling kaya hindi rin ako masyadong nag eenjoy sa ganito. Plus mag isa pa ako kaya hindi talaga.
Kumaliwa ako tapos kumanan ulit. Tanda ko ito yung dinaan ko kanina pero bumalik balik lang ako sa kinatatanuan ko ngayon.
Sinubukan kong magtanong pero pare parehas lang sila ng sinasabi. Kesyo bago lang din daw sila here. Hindi marunong mag eng. At syempre meron ding naliligaw.
Napagod ako sa kakaikot kaya pumunta na muna ako sa isang gilid. Tiningnan ko ang orasan at napagtantong magdadalwang oras na pala akong naliligaw.
Nakaupo lang ako dito sa may gilid. Nararamdaman kong ilang segundo na lang ay tutulo na ang luhang nagbabadyang pumatak ng biglang may nagsalita sa likod ko.
"Diba ang usapan magtetext kung nasaan. Tsk tsk tsk!" Sabi nung boses sa likod ko.
Pumunta sya sa harapan ko kaya hindi ko na napigilan sarili ko at napayakap ako bigla ng wala sa oras.
YOU ARE READING
Mrs. Perez
FanfictionA gay who has no clue what it feels like to be in love. And a Man who was born with an enormous need for affection and an enormous failure to ever give it. The question is, will they click or not? What's up mga ViceIon fans!!!🧡 Sana suportahan nyo...