Chapter 34

890 43 80
                                    

Vice's P.O.V

"Vice, naka-gayak na ang lahat. Ikaw na lang hinihintay!" Rinig kong sigaw ni Ion mula sa labas.

"Wait. Patapos na!" sagot ko matapos maisara ang huling bag na dadalhin ko. Nahuli kasi ako sa pagiimpake kasi inuna ko pa ang paglamon. 

Pati di naman ako sinabihan na uso pala sa pamilya nya ang biglaang swimming. Binanggit lang ng kanyang isang pamangkin na gusto nitong magswimming ay bigla na lamang nagsi takbuhan at nagsi gayakan. 

Mabilis lumipas ang araw at naka ilang araw na agad ako rito sa Tarlac (4 days to be exact). Kung ikukumpara ang trabaho dito at sa Manila. Parang mas pipiliin ko na lamang dito. Bukod sa mabibilis silang magtrabaho ay may kung anong kaginhawaan akong nararamdaman. Siguro ganito talaga ang pakiramdam kapag walang hipon na nakikita.

"Wala ka na bang nakalimutan?" Tanong nya ng maiabot ko na sa kanya ang mga dadalhin kong gamit. Tumango na lamang ako at sumakay na sa Van.

"Tita Vice, dito na lang po kayo umupo" sambit ng pamangkin ni Ion na si Ayumi. Tumango lang din ako at tumabi na rito. 

"Sure ka bang wala na tayong kailangan gawin? Kasi kung meron pa pwede naman na mag paiwan na lang ako" tanong ko kay Ion ng makitang sya ang tumabi sa  kanan ko.

"Huwag ng madaming tanong. Andito tayo para magsaya hindi para magbangayan" sagot nya at natulog na.

Hindi naman daw ganoong kalayo ang pupuntahan namin kaya nagtataka ako kung bakit itong si kupal ay tutulog pa. 

"Napuyat ata itong si noi-noi" pagsambit ng nakakatanda nyang kapatid 

"Nakita ko kasi madaling araw na gising pa rin sya tapos nakatutok sa laptop. Mukhang tinapos na ang kailangan nyong gawin" dagdag nya pa.

Napatingin naman ako sa katabi ko at napangiti. Akala mo talaga anghel. Hayystt sana lagi ka na lang tulog.

*RedDoorz StarHomes*

"Ang ganda po dito Tito!"

"Oo nga po Tito! Tapos ang laki po!'

Iilan lamang yan sa mga narinig kong papuri magmula ng marating kami dito. Hindi ko sila masisisi kasi miski ako gandang-ganda dito. Infairness kay Ion magaling pumili ng location.

"Ibaba muna natin ang mga gamit natin bago tayo magswimming" Sabi ni Gian

Dumerestyo kami sa front desk para makuha ang mga susi sa gagamitin naming room. 3 days kasi ang stay namin dito para naman daw masulit na ang pagpunta ko rito sa Tarlac.

"Bali 5 na room lang ang kinuha namin kasi yun na lang ang available.Ang dalwang room ay magagamit na ng mga pamangkin ni Ion. Tapos ang isa pa ay para sa driver nila. So.....ang natitira na lang ay kaming tatlo nila Ion at Vice. Kaya I suggest magshare na lang kayo ng room kasi ang sama naman tingnan kung magkasama kami ni Ion at maiwan lang si Vice mag isa. At lalong mas masama kapag kami pa ni Vice ang magsama. Baka mamaya may magselos......" Paliwanag ni Gian.

"Hmmmm...kaya ko naman mag isa. Ion pwede ka ng-----"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang nyang binitbit ang mga gamit namin at umuna na. Bastos talaga kahit kailan.



"Hoi apakabastos mo talaga kahit kailan. Hindi mo ba narinig kinakausap pa kita tapos tatalikuran mo agad ako" Sabi ko rito ng makapasok na ako sa kwarto namin.

"Ang dami mong sabi. Ang mabuti pa ay magbihis ka na at kakain na tayo" sagot nito at binalik na ang atensyon sa paggamit ng cellphone.

"Tsk"

Mrs. PerezWhere stories live. Discover now