Vice's P.O.V
Maaga pa lang ay bihis na ako. Base kasi sa sinabi nung kupal na Ion na yun ay dapat maaga daw kami.
Kaya naman ito ako ngayon, hinihintay na lang sya para sunduin ako.Naghintay pa ako ng ilang minuto bago sya nakarating. Pumasok na ako sa kotse nya ng walang naganap na batian. Sanay na ako sa kanya.
Naging tahimik lang kami sa buong byahe. Hindi ko na din naisip na magpatugtog kaya mahahalata mo talaga pagiging tahimik naming dalwa.
Pagkarating namin sa kumpanya ay nakita ko na agad sila Daddy na kasama sila Tita Zeny. Kakapasok pa lang nila sa building kaya nakapampante akong hindi pa kami late sa meeting.
Ng magkaharap harap na kami ay wala na silang sinayang na oras at nagsalita na agad sila.
"We have to postpone this project for 1 week" Pasimula ni daddy.
"What?! Why?!" Inis ko na agad na sagot. Aba naman ayaw ko na ngang patagalin pa ito tapos ipapa postpone pa nila.
"Calm down 'nak. Patapusin mo muna daddy mo" sabi naman ni mommy.
Kaya tumango na lang ako bilang tugon.
"Gaya nga ng sinabi ko kanina. Postpone muna ito. It is because your flying to Japan for a very important seminar"
"Seminar? Para saan pa?" Takang tanong ko. May paseminar pang nalalaman.
"You need to attend this seminar. 'Cause it will tackle on how to improve handling business. And we all knew you na kailangan mo yun lalo pa't kakasimula mo pa lang"
Anong kakasimula pa lang? Diba nga pinagtrabaho nyo din ako dito ng ilang taon?
Pero gaya nga ng sinabi ko. Wala naman akong magagawa. Si daddy yan e.
"Okay, I accept your offer. But in 1 condition" Taas kilay kong sabi.
Tinaasan lang din ako ng kilay ni daddy. Na nagpapahiwatig na ituloy ko lang, kaya ginawa ko.
"I'm not going if my secretary is going with me. Meaning hindi dapat sya kasama. And don't worry about me being lost. I can handle myself" Sabi ko sa kanila. Nakita ko naman sa mga mukha nila na okay lang sila dun.
Weird.
"Actually, in the first place hindi naman talaga kasama si Isabell. And we're not worry about you being lost. 'Cause, Ion will be there" Ngiting ngiti na sabi ni Tita Zeny.
Aba teka lang naman ho! Wala namang ganun!
"Hmm...you know what. Okay lang po pala na makasama ko si Isabell. I mean mas magiging panatag po ako kung si Isabell ang kasama ko" Nag aalanganin kong sabi.
"Ayaw mo bang makasama si Ion iha?" Tanong saakin ng daddy ni Ion.
"Hindi naman po sa ganun Tito ang saakin lang po----"
"Oh okay naman pala sayo. Sige na iha para naman malibang din tong anak namin. Masyado din kasing focus ito" pagkukumbinsi saakin ni Tita Zeny.
Haysstttt. Wala na akong nagawa kundi tanggapin na lang ito.
Umuwi na din kami pagkatapos nilang sabihin saamiin yun. Kailangan na din kasi naming mag empake kasi mamayang madaling araw ang alis namin.
Pagkatapos kong mag empake ay natulog na ako. Baka kasi mahuli ako ng gising hindi ko pa maabutan flight ko.
*Airport*
Tahimik lang ako habang nakikinig ng music sa inuupuan ko habang itong katabi ko nakikipaglandian dun sa F.A na nasa harapan namin.
YOU ARE READING
Mrs. Perez
FanficA gay who has no clue what it feels like to be in love. And a Man who was born with an enormous need for affection and an enormous failure to ever give it. The question is, will they click or not? What's up mga ViceIon fans!!!🧡 Sana suportahan nyo...