Prologue
"Yaya! Excited na'ko. Maganda na po ba ako?"Pagtatanong ni Janna sa kanyang Yaya.
"Oo naman iha. Nakuu dalaga na ang alaga ko."Naiiyak na sabi ni Yaya Lourdes.
"Yaya naman. Wag ka umiyak. Kasama pa rin naman po kita hanggang sa pag-tanda ko. Aalagaan din po kita pag matanda ka na. Sabay po na'ting papanuorin ang pag-laki ng mga anak ko."Sabi ni Janna.
"Osya. Tama na ang drama. Labas ka na. Own your day iha."Nginitian ng naluluhang matanda ang dalagang malapit na'ng magka-asawa.
Isang araw, may babaeng ikakasal. Sobrang excited niya. Yung feeling na sasabog na ang puso mo sa sobrang excitement. "Oh my! Hindi ko aakalaing dadating ang araw na ito! Ikakasal ako sa Man of my dreams!" Sumigaw siya sa sobrang tuwa. Suot niya ang kaniyang white gown na gawa sa silk at pinatahi pa sa Vietnam worth 100,000 U.S. dollars. Sa sobrang pagmamahal ito ni Zooey sa kaniya. Si Zooey ang pakakasalan niya, isang engineer matipuno at maganda ang mukha. Siya ang tipo ng lalaking magugustuhan ng mga babae. Dreamboy siya ng halos lahat ng kababaihan except for Nina, ang bestfriend ni Janna na madaldal, makulit, maganda na taga-guwardya ni Janna noong nililigawan pa lang ito ni Zooey, na nagsasabing "If you break my bestfriend's heart, well... I'll crash yours.." Isa din sa kaibigan ni Janna ay si Dino, ang kababata ni Zooey na dating nagka-gusto kay Janna, Pero nag-paraya para kay Zooey. Sila ang mga karakter na bubuo sa ating bida na si Janna Marie Claire Sandoval Madrigal, ang ikakasal. Yoon ang pinaka-masayang araw niya.
Papalakad na siya sa Altar, ka-abay ang kaniyang mga magulang sa magka-bilang panig. What a good day to facilitate a wedding. Umaayon ang panahon sa kasal nila. Napaka-ganda sa Japan noong mga panahong iyon, sa tabi ng Cherryblossoms tree. Dito ginanap ang kasal dahil matagal na nilang pangarap ni Janna at Zooey ang magpakasal sa Catholic Church dito.
Nginitian ni Janna lahat ng kanyang makakasalubong. Hindi maitatago ang excitement sa mukha niya. Mahigpit din ang kapit ni Janna sa kanyang Mom and Dad.
"Okay ka lang anak?"Tanong ng kanyang mapag-mahal na ina.
"Yes Mom. Just a little nervous. Kung ganyan ba ka-guwapo ang mapapangasawa mo. Hindi ka po ba kakabahan?"Sagot ni Janna na nag-dulot ng sabay-sabay nilang pag-tingin kay Zooey.
Malapad din ang ngiti nito.
"Subukan niya lang lokohin ka. Pati mata may latay."May awtoridad na sabi ng kanyang ama.
Nagtawanan silang tatlo.
"Dad, Zooey will never betray me. He loves me. Sa ganda ko rin pong ito. Kabahan na din dapat siya."They all laughed again.
"Pero seriously speaking Dad. We love each other with the bottom of our hearts."Janna gave them an assuring smile. The two parents exchanged glances.
"We know that anak."They both said.
Janna smiled. Alam niyang alam ng mga magulang niya na nagmamahalan silang dalawa. Saksi sila dito.
Nasa harapan na sila ng altar. Iniabot ng Dad ni Janna ang kamay ng dalaga kay Zooey at sinabing, "Please take care of our daughter. She's in your hands."
"Even if you didn't say it Dad. I will. Whole-heartily."They both smiled.
They began the ceremony with the exchanging of vows.
"You may kiss the bride."Malugod na sabi ng pari.
Dahan-dahan nang itinaas ni Zooey ang belo ni Janna. Pinagmasdan muna niya ang makinis na mukha nito, brown eyes, rosy cheeks, mapupulang labi.
Hinawakan na niya ang pisngi nito. Everything is in slow motion. They felt the moment linger.
They slowly slided their nose feeling each other's breath. Until their lips parted.
Hanggang sa..
BOOOOOOOOOOOMM!
Sumabog ang buong lugar. Kumalat sa buong paligid ang kadiliman, at sabay-sabay silang napa-pikit sa sobrang bilis ng mga pangyayari. It is just like a bubble that popped and vanished. Ang inaakala nilang masayang araw at pangyayari ay magiging isa palang trahedya na mapupuno ng kadiliman at iyakan.
Hindi na nila alam ang mga nangyari. Blurred na ang lahat..
----------------
Nang mag-mulat si Zooey, walang alinlangan siya ay bumangon ng kama na hindi ininda ang sandamakmak na sugat at ka-agad na hinanap si Janna.
Hinawi niya lahat ng taong madaraanan. Wala rin siyang pakialam kung may mabunggo man at magalit. Hindi niya alam kung san siya pupunta pero isa lang ang gusto niya. Ang makitang ligtas si Janna. Ang babaeng nag-iisa sa kaniyang buhay na ayaw na niyang mawala pa.
Unti-unting lumapit si Zooey sa puting kurtinang nasa kanyang harapan. Ni hindi niya alam kung bakit siya dinala ng kanyang mga paa sa lugar na iyon. Naramdaman na lang niya na may nanghihila sa kanya papunta doon.
Hinawi niya ang kurtina. Kumabog ang kaniyang dibdib, namutla siya at unti-unting umagos ang luha sa kaniyang mga mata. Wala na ang babaeng anghel sa kaniyang paningin, ang mabangong simoy sa kaniyang hangin, ang ulap sa kaniyang langit, ang koro sa kaniyang awitin, ang kaniyang iisang Janna, ang babaeng huling nag-bigay kulay sa kaniyang buhay.
===================
This is my first story in Wattpad. Please enjoy and stick till the end. Let your mind wander over every word... and may your whole self take place within it.
-----
This entire story is a work of fiction. Names, characters, some places and incidents are products of the author's imagination. Any similarity to a person living or dead is purely coincidential.
©Copyright
No part of this story shall be reproduced in any form or in any electronic and mechanical means including information storage and retrieval systems except if permitted by the law or with the author's written concent. Any violation may result to imprisonment.
Remember.. Stealing is a crime.
All-rights-reserved-2012
BINABASA MO ANG
Driven Angel [Under Revision]
Adventure"True love conquers all." Yan ang madalas na sinasabi ng iba. Is it really true? Well, maybe true. Dahil madalas naman tayong nakakarinig ng mga kuwento na nagsakripisyo at nagtagumpay dahil sa pagmamahal. Pero paano kung langit na mismo ang kailang...