Munting Pakiusap

5 1 0
                                    


Alam kong wala ako sa lugar upang humiling sa'yo pero sana pakinggan mo ang mga munting pakiusap ko. 

Mahal ko, pakiusap, umiyak ka 

Ilabas mo lahat ng hinanakit dyan sa puso mo 

Mahal ko, pakiusap, umiyak kaIpakita mo saaking nasasaktan ka 

Alam kong nanghihina ka kahit na itago mo pa 

Ngunit mahal ko, alam kong matapang ka 

Mahal ko, pakiusap, ngumiti ka 

'Wag mong isipin na ang mundo'y sinukuan ka na 

Mahal ko, pakiusap, ngumiti kaDahil kaming mga nagmamahal sa'yo ay naniniwalang may pag-asa pa 

Alam kong ika'y napapagod na 

Ngunit mahal ko, pakiusap, lumaban ka 

Lumaban ka para sa nanay at tatay mong mahal na mahal ka. 

Lumaban ka para sa mga kapatid mong naghihintay sa'yong pag-uwi.Lumaban ka para sa mga kaibigan mong araw-araw ipinagdarasal ang pag galing mo. 

Lumaban ka para sa mga doktor na ginagawa ang lahat ng makakaya nila upang mas mapahaba pa ang bahay mo, para sa mga nurse na maya't-maya kang kinakamusta at nagtatanong kung may kailangan ka pa hindi dahil ito ay trabaho nila kundi dahil may pakialam sila. 

At higit sa lahat, mahal ko, lumaban ka para sa sarili mo, para sa kinabukasang pinapangako kong hindi mo haharapin ng mag-isa. 

Alam kong ika'y napapagod na 

Ngunit mahal ko, 'wag ka munang bumitaw 

 Alam kong wala ako sa lugar upang humiling sa'yo pero sana pakinggan mo ang mga munting pakiusap ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 23, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Random Entries (Binibining Sab)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon