CHAPTER SIX

10.5K 338 55
                                    

UNEDITED. Pasensiya na po sa typo errors...

CHAPTER SIX

MABILIS na dinala ni Andru si Aquano sa kanyang silid. Ini-lock niya ang pinto dahil baka dumating agad ang kanyang Lola Fe. Siguradong maeeskandalo ito kapag nakakita ito ng lalaking walang saplot sa kanyang kwarto.

"Ito ba ang iyong tahanan, Andru? Kakaiba ang tahanan niyo kumpara sa tahanan ko sa Aquatika!" sabi ni Aquano sa kanya. Inupo muna niya ito sa kanyang kama.

"Diyan ka lang, ha. 'W-wag ka munang gagalaw. Ihahanap kita ng damit!" natataranta niyang sabi. Tumalikod na siya dito at naglakad papunta sa clost niya.

Sa totoo lang ay kanina pa siya wala sa sarili dahil hanggang ngayon ay umaalingawngaw pa rin sa tenga niya ang sinabi sa kanya kanina ni Andru. Bakit siya sinasabihan nito ng ganoong bagay? Pangarap pala nito na siya ang makasabay nito sa una nitong paglalakad.

Hinalughog niya agad ang kanyang closet. Medyo malaki ang katawan sa kanya ni Andru kaya kinuha niya ang malalaki niyang t-shirt. Humugot na rin siya ng isang brief at basketball shorts. Pagharap niya kay Andru ay impit siyang napasigaw nang makita niyang nakatayo na ito at nasa sahig ang damit na nakatakip kanina sa pagkalalaki nito.

"Andru!"

"Bakit?"

Nanginginig ang buong katawan niya nang lapitan niya ito. Pinagpapawisan na rin siya dahil sa ayos ng lalaking kaharap. "Hindi mo dapat hinahayaan na may ibang makakita sa buong katawan mo. Magbihis ka. 'Eto!" sabay abot niya dito ng mga damit.

"Anong gagawin ko sa mga ito?"

"Isuot mo."

"Paano?"

Naisapo ni Andru ang kanyang palad sa noo. Oo nga pala, hindi ito marunong magsuot ng damit dahil buong buhay nito ay hindi ito gumamit ng ganoon.

"Akin na nga 'yan!" Hinablot niya dito ang mga damit. Lumuhod siya sa harapan nito at iniladlad niya ang brief. "Isuot mo ang paa mo sa butas. Isa-isa lang, ha..." Pagbibigay niya ng instruction kay Aquano. Agad naman nitong nagawa ang inutos niya. Ngunit nang itinaas na niya ang brief papunta sa beywang nito ay hindi sinasadya na nasagi ng kanyang kamay ang pagkalalaki nito.

Parang nakuryente na napaigtad si Andru. Pinunasan niya ng kamay ang pawis niya sa noo.

"May problema ba, Andru?" inosenteng tanong ni Aquano.

"W-wala!" Huminga muna siya nang malalim at saka niya pinasuot kay Aquano ang shorts at damit. Mabuti na lamang at madaling makakuha ito ng mga sinasabi niya.

"Pakiramdam ko ay isa na akong tunay na tao sa aking kasuotan!" natutuwang turan ni Aquano nang mabihisan niya ito.

"Teka nga, pa'no ka nagkaroon ng paa?"

"Hindi ba't sinabi ko na sa iyo na nakuha ko na ang Obus-ang kwintas na may kapangyarihang bigyan ng paa ang isang Unda-e na katulad ko. 'Eto ang Obus..." at hinawakan nito ang suot nitong kakaibang kuwintas.

"Ibig sabihin, dito ka na sa lupa maninirahan?"

Tumango si Aquano. "Iyon ang nais ko. Hindi mo naman ako papabayaan, 'di ba? Isa pa kaya ko gutong magkaroon ng paa ay dahil sa'yo, Andru!"

Kumurap-kurap si Andru sa sinabing iyon ni Aquano. Unti-unti itong lumapit sa kanya kaya napaatras siya hanggang sa mapasandal na siya sa dingding. Na-corner na siya nito. "B-bakit naman dahil sa akin?" Kaylakas ng kabog ng kanyang dibdib ng mga oras na iyon. Pakiramdam niya ay may nagliliparang mga paru-paro sa kanyang sikmura.

Isang simpatikong ngiti ang pinakawalan ni Aquano. "Dahil mahal kita, Andru!" Walang gatol na sagot nito.

Nanlaki ang mata niya. "A-ako?"

Ang Asul Na Buntot ni AquanoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon