NOTE: Maraming salamat po sa nagbabasa ng kwentong ito. Sana po ay mag-iwan kayo ng komento kasi kailangan na kailangan ko lang po ang feedback sa story na ito. Haha! Salamat po :)
CHAPTER THREE
"TOTOO po, Lola Fe! Nakakita po ako ng sirena kanina! Baki ba ayaw niyong maniwala?" nanlalaki ang mga mata na turan ni Andru sa kanyang lola.
"'Ku! Isadang malaki lang iyon, apo. Sa tagal ko na dito sa Quezon ay wala pa akong nakikitang sirena."
"Bakit ba ayaw niyong maniwala, 'la? Totoo po!"
Iwinasiwas ni Lola Fe ang kamay nito sa hangin. "Hay naku kang bata ka! Ang mabuti pa ay matulog ka na at mukhang epekto iyan ng pagod mo sa biyahe. Naayos ko na ang tutulugan mo. Doon ka matulog sa lagi mong tinutulugan kapag napunta ka dito..."
"Pero, Lola-"
"Walang sirena, apo. Gaw-gawa lang iyan ng imahinasyon ng tao. Akala ko ba ay hindi naniniwala ang mga taga-Manila sa ganiyan?"
Bumuntung-hininga si Andru. Siguro nga ay walang mangyayari kung makikipagtalo pa siya dito. "Sige po, aakyat na ako sa itaas. Good night, lola," at ginawaran niya ng halik ang pisngi ng matanda.
"Good night, apo ko!" anito.
-----***-----
HALOS ala-una na ng madaling araw pero bukas na bukas pa rin ang mga mata ni Andru. Nakatingin siya sa kisame habang nakahiga at nakalagay ang isang braso sa noo. Hindi siya namamahay. Wala rin siyang insomnia. Hindi siya makatulog dahil iniisip pa rin niya iyong nakita niya kanina sa dagat.
Sigurado siyang hindi iyon isda. Ang laki ng buntot na iyon at sa pagkakatanda niya ay kulay asul iyon. Isa pa, bago niya makita ang malaking buntot ng isda ay may nakita muna siyang bulto ng isang lalaki doon.
Sirena nga kaya iyon?
Hindi rin naman siya naniniwala sa sirena. Pero mukhang nagbago na ang kanyang paniniwala dahil sa nakita niya sa dagat.
Ah, alam na niya. Mag-iimbestiga siya bukas upang hindi na siya mabagabag.
-----***-----
MATAPOS mag-almusal ng mainit na pandesal, mantikilya, itlog at kape ay agad na nagtungo si Andru sa labas. Mataas na ang araw pero hindi masakit sa balat ang sinag niyon. Iba talaga sa probinsiya. Isang lumang bangka ang kanyang nakita sa gilid ng bahay ni Lola Fe. Sa pagkakatanda niya ay ang bangkang iyon ay pagmamay-ari ng kanyang Lolo Ben na asawa ng lola niya. Palagi siya nitong sinasama sa laot gamit ang bangka na iyon upang maghuli ng isda noong nabubuhay pa ito.
Hanggang sa bigla siyang may naisip...
'Hmm... Pwede kong gamitin ang bangkang ito para pumunta sa dagat. Baka makita ko ulit iyong sirena!'
Talagang ginising ng sirenang iyon ang kanyang kuryusidad kaya gagawin niya talaga ang lahat para makita ulit ito.
"Oh, Andru... anong ginagawa mo diyan?"
Paglingon niya sa kanyang likod ay nakita niya si Lola Fe na may dalang basket. "Tinitingnan ko lang po itong bangka ni Lolo Ben. Pwede ko po bang gamitin?" sabi niya.
"Naku! Magtigil ka nga, Andru. Sira na ang bangkang iyan. Aba, eh, may butas iyan sa ilalim kaya 'wag mong gagamitin at ika'y lulubog sa dagat."
Tumango-tango siya. "Okey po. Teka, saan po kayo pupunta?"
"Sa palengke. Ano nga palang gusto mong ulam?"
"Miss ko na po ang special adobong baboy niyo, 'La!"
BINABASA MO ANG
Ang Asul Na Buntot ni Aquano
Fantasía(COMPLETED/ BOYXBOY STORY!) Si AQUANO ay isang sireno na nabibilang sa Unda-e o mga dugong bughaw sa Aquatika-- isang kaharian sa ilalim ng karagatan. Habang si ANDRU naman ay isang pasaway na lalaki kaya ipinadala siya sa probinsiya ng kanyang momm...