Chapter 22

773 13 1
                                    

Alam ko wala akong karapatan magselos kaya naman kanina ko pa pinipigilan. Kaya ko naman. Kaya lang di ko maiwasan hindi mainggit sa closeness nilang dalawa. Na kahit na magkaaway sila lage parang sweet parin sila tignan.

Ewan.

May tiwala naman ako kay ara. Alam nyo yan. Pero hindi ko lang talaga mapigilan mapaisip.

Nasa harap ko ngayon si Ara. Masaya silang nakikipagtawanan sa lola lola-han nila.

Hindi ko pa nakita si ara naganyan kasaya kapag ako kasama. Haaay naman mika! Wag ka magover think!

Ara: Daks okay ka lang?

Mika: Oo naman. Kain ka na.

Ara: Hmm.

Ara's POV

Pagkatapos namin kumain, nagpaalam lang kami saglit kay nanay at pumunta sa likod ng resto, beach house yon.

Pagkapasok na pagkapasok ko sa loob hindi ko na agad kinaya. Alam ko sa sarili kong hanggang ngayon hindi ko pa tanggap pero nangyari na. Tapos na.

Ramdam kong iiyak na ko, nang biglang may humawak sa balikat ko.

Si thomas.

Alam nya toh. Alam nya kung bakit ako nagkakaganto kasi kahit sya ramdam nya nararamdaman ko.

Hindi ko na kinaya at niyakap ko na sya. Masyadong mabigat nararamdaman ko para hanapin pa si mika.

Thomas: Akala ko kapag bumalik tayo dito mawawala na lahat. Dito lang pala babalik.

Ara: *sobbing* Kasalanan ko lahat yon... Ako nagsimula eh.... *cries*

Thomas: Alam natin parehong walang may kasalanan ara. Ginusto nya din.

FLASHBACK 10 years ago......

Ara: Nayayamot na ko! Laro ulit tayo!

Tricia(kaybigan nila ara): Anong laro?

Ara: Hide and clap! Tricia ikaw na taya!

Thomas: Oo nga tricia! Lagi nalang kami taya eh!

Alyssa: Bilis na! Ako na magpipiring sakanya!

Pagkatapos non agad tumakbo si thomas papuntang kusina, si alyssa sa lobby ako naman umakyat ng 4th floor.

Tricia: First clap ara!

*claps*

Umakyat agad si tricia papunta sa 4th floor. Nasa terrace nako nagtago non. Para di nya ko makita hehe

Tricia: Second clap!!

Nakasunod naman sakanya si thomas.

Nang malapit na si tricia sakin, sabi ni thomas gawin ko daw yung trick.

Tinapat ko yung kamay ko lagpas dun sa terrace para dumiretso sya sa kaliwa at makalabas ako. Nakaharang si thomas sa riles para di sya mahulog pero umalis sya don agad kasi sabi nya alam naman daw ni tricia na riles na yon kaya di nya na dapat sundan yung palakpak.

*claps*

Paglabas ko sigaw nalang narinig ko.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Our Tragic FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon