Kami lang muna

55 2 1
                                    

YUUKA'S POV

Ano bang ginagawa ko at andito ako sa hallway at nakatayo dala ang dalawang makakapalna libro sa ulo ko? Well rewind tayo ng 30 minutes para maalala nyo.

Thirty minutes ago.....

"Uy Ms.Landev pwede bang ditto ako sa tabi mo umupo?"

"Sige ba... kaso baka magalit yung friend ko na multo pag umupo ka dyan. Sa kanya kasi yan eh." Sagot ko

"Ah ok lang nagpa-alam naman na ako sa kanya eh."

"Mokong 'to ah makapamilosopo wagas. Bahala ka."

Dumating na si terror prof kaya nanahimik na ang lahat. Anong subject ang tinuturo nya? Eh di history my forte.

"Ms.Landev bakit nga ba walang tumatabi sayo?"

"May nakakahawa kasi akong sakit kaya ayaw nila tumabi. Kaya kung ako sayo tsumupi ka na bago kita mahawaan. Pilosopong sagot sa kanya.

"Ahahaha i like the way you treat other people. Cool." Nakangiting sagot nya.

Pero sandali lang iyon dahil ng tignan ko sya ng masama eh parang nakakita sya ng isang teddy bear ay este ng isang tigre pala.

"Hoy mister makulit kung makikipagdaldalan ka lang sa akin pwede bang humanap ka ng iba. May pera ka naman siguro diba kaya hala alis."

Ay bakit tahimik? Nasa outer space ba ako or baka naman...unti unti akong humarap at nakita ko si terror prof na lumalapit dala ang makakapal na libro.

"Naku po patay kang Landev ka" narinig kong bulong nung isang studyante

"Kasalanan kasi nung katabi nya eh. Masyado makulit." Bulong pa nung isa

"Ahem Ms.Landev even though you're one of the top students you need to be punish upon your actions." Paalala ni terror

"Yes ma'am. I'll take the punishment" sabi ko

At syempre ayun nga nakatayo ako sa hallway na ito habang may dalawang libro sa ulo. Old school magbigay ng parusa si Ms.Terror eh.

"Attention all students 2nd class is now over, you can transfer to your next class"

"Aw buti pa sila nakapag-lecture ng maayos. Lagot sa akin yung lalaking yun."

Unti unting nagsilabasan ang mga student sa bawat room at lahat sila nakatingin sa akin. Dyahe nga naman oo.

"Fuck Landev what the hell? Who did this to you?" tanong ni Rich

Ok si Rich ang bossom buddy ko. Alam nyo naman siguro di ba? Mas matanda sya sa akin kaya kuya ang tawag ko sa kanya.

"Kilala mo yung terror na prof? Sya may gawa nito." Sabi ko sa dakila kong kuya.

Lumingon sya at nakita nya si terror kala ko lalapitan nya yun pala naman iiwanan din ako. Galing lang nya di ba.

'Ms. Landev i hope you learned your lessons." Iyon lang at kinuha nya yung mga books sa ulo ko.

"Of course ma'am, though you should also be lenient about giving sanctions." Sabi ko sa kanya kahit naman na hindi nya ako narinig.

END OF FLASHBACK

"Oh look who's here! Never thought na magkakaron ka ng sanction from her." Malanding pasaring ng mortal kong kaaway.

"Wag mo na sya pansinin Yuuka. Just walk straight to your next class." Paalala ko sa sarili

Whoosh plop

(AN: pasensya na hindi magaling si author sa mga sound effects eh. Gomenasai)

Ok na sana, eh wala na sanang gulong mangyayari kaso sablay talaga. Kalmado na ako kaso hindi nya ako pinatawad kaya sasabog na ang bulkan.

KISMETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon