NAPANGITI at marahan umiling si Channe ng makita ang reaksiyon ni Nigella mula sa malayo. Tinakpan niya ang bibig para hindi mahalata ang pagpigil niya ng tawa.
"Ano na naman ba kinakagalit mo?" narinig niyang tanong ni Regine dito.
"Ayaw talaga akong lubayan ng c4n21 na 'yan! Lagi na lang niya akong bina-bash," naiinis na sagot ni Nigella, sabay pakita ng cellphone nito sa mga kasama.
"Ano bang sabi?" tanong ni Julianna.
"Ang laki daw ng butas ng ilong ko?" naiiyak na sagot ni Nigella.
Imbes na maki-simpatya ay tinawanan lang ito ng mga kaibigan. Maging si Channe ay hindi na napigilan ang sarili at natawa na rin, pero tinakpan niya ng libro ang mukha para hindi siya mahalata. Pasimple niyang kinuha ang cellphone at pumunta sa IG post ni Nigella, pagkatapos ay nag-type siya ng comment box.
"Pssst, paano ba magpaliit ng butas ng ilong?" sabi niya sa message saka sinend iyon.
Paglingon niya kay Nigella ay lalo itong nagmaktol ng mabasa ang bagong comment ni c4n21. Tumawa na naman ang mga kasama nito.
"Kapag nakita ko lang talaga kung sino 'yan, tatahiin ko butas ng ilong n'yan," inis na komento ni Nigella.
Kinuha niya ang baso na may laman softdrinks, pagkatapos ay uminom siya.
"Naku, huwag mo ng pansinin 'yan. Baka mamaya lalaki 'yan, tapos may gusto lang sa'yo kaya nagpapapansin," sabi naman ni Regine.
Halos maibuga ni Channe ang softdrinks na laman ng bibig niya matapos marinig ang sinabi ni Regine. Napalingon sa kanya ang tatlong babae, mabilis siyang umiwas ng tingin saka nag-sign out sa IG. Mayamaya ay umalis na si Regine at Julianna, at naiwan doon si Nigella. Mula doon sa pwesto niya ay pinagmasdan ni Channe ang dalaga.
Para sa kanya, si Nigella ang nagtataglay ng pinakamagandang pares na mga mata. Parang nililok sa dyamante ang mga mata nito, and she has a perfect nose. Madalas niya itong nakikitang walang make-up, kaya alam niyang sa likod ng lipstick nito ay natural na mapula pa rin ang labi ng dalaga. Minsan, kapag nagkakaroon siya ng pagkakataon, he wants to run his fingers against her soft, long, brown hair. Ngunit ang pinakagusto niyang katangian ni Nigella ay sa tuwing ngumingiti ito. Because everytime she smiles, it gives his heart too much chills. Parang may kung anong humahaplos sa puso niya at nagagawa nitong pabilisin ang pintig niyon.
May mga ilang estudyante na lumalapit kay Nigella, hindi bilang kaibigan kung hindi bilang mga fans na nagpapa-autograph, o gustong magpa-picture. Pero simula ng umalis ang mga kasama nito kanina, Nigella is all alone. Sa kabila ng mga ngiti nito, bakas sa magandang mga mata nito ang lungkot. Bumuntong-hininga si Channe, this is what he hates about himself. Hindi niya magawang tiisin ang dalaga. Sa tuwing naiinis siya dito dahil umiiral ang pagiging self-centered at mahangin nito, sa bandang huli ay natatagpuan niya ang sarili na minamahal pa rin ito.
Nigella Cruz ay isa sa mga pinakasikat na artista sa bansa. She's a certified brilliant actress. Limang taon na ang nakakalipas simula ng aksidente itong mapasama sa audition, sixteen years old lang sila noon at sinamahan nito si Maceo sa audition. Pero nagustuhan din ang dalaga ng mga organizers at pinag-audition din ito. Nagsimula sa mga commercial, hanggang sa sumikat ito ng mapasama sa isang teenage youth drama sa pinaka-malaking tv network sa bansa. Hanggang sa mapasabak si Nigella sa malaking tv dramas at movies. Mula sa supporting roles, naging ito na mismo ang bida. Matapos makita ang angking galing nito.
Hinahangaan ng karamihan, minamahal at patuloy na sinusuportahan. From an ordinary young girl, into a brightest superstar. She is everyone's dream girl, pangarap ng bawat kalalakihan na mapansin at mahalin nito. Parang siya, bago pa man maging artista si Nigella, mahal na niya ang dalaga.
BINABASA MO ANG
Love Confessions Society Series 2: Channe Lombredas
Romance"I searched for my freedom and I found that when you came into my life." Teaser: A Fanboy's Confession Hindi ko alam kung saan ko sisimulan ang confession na ito. Gaya ng ibang mga kaibigan ko, mayroon din akong first love, pero ang pagkakaiba nam...