NAKANGITI si Jane ng ibigay nito ang bote ng mineral water sa kanya. Pagkatapos ay naupo ito sa tabi niya. Naroon sila sa pinakasulok na bahagi ng isang park malapit sa amusement park na pinuntahan nila. Matapos maglaro at sumakay sa mga rides ay nag-desisyon silang magpahinga muna saglit bago ipagpatuloy ang pamamasyal. Habang naghihintay kay Paolo at Channe na bumili saglit ng makakain, naisip ni Nigella na iyon na ang magandang pagkakataon para usisain si Jane sa totoong damdamin nito sa kaibigan.
"Matagal na kayong magkaibigan ni Paolo?" tanong ni Nigella, habang nakaupo sila sa berderng damuhan.
Napangiti si Jane. Nakita niyang agad na kumislap ang mga mata nito ng marinig ang pangalan ng binata.
"Sobra, wala pa kaming malay sa mundo kaibigan ko na 'yan. Sabi nga ng nanay niya, mas kilala ko pa siya dahil mas madalas na kami ang magkasama," sagot nito.
"That's great," aniya.
"Did you ever thought of putting your relationship on a next level? Ang ibig kong sabihin, have you ever consider of dating him?" tanong pa niya.
Ang kislap sa mga mata nito ay agad napalitan ng lungkot.
"I did, we did actually. Minsan ng binanggit ni Paolo sa akin na kung gusto ko daw mag-date kaming dalawa. Pero tumanggi ako, ang totoo ay nasaktan ako noong niyaya niya ako. Because he asked me out of fun, gaya ng kung paano siya nagyayaya ng iba niyang naging girlfriend or ka-fling. Akala ko espesyal ako sa kanya dahil bestfriend niya ako. Pero nagkamali ako, I realized, gaya ng mga babaeng dinate niya at iniwan pagkatapos, kaya din gawin ni Paolo iyon sa akin. Ang pagkakaiba ko lang sa ibang mga babae. Hindi nakalusot ang kalokohan niya sa akin."
"Ibig sabihin, may feelings ka rin sa kanya na higit pa sa pagkakaibigan," sabi ni Regine.
Maluha-luhang lumingon si Jane sa kanilang dalawa ni Regine.
"Mahal ko si Paolo, pero mukhang may gusto na siyang iba. Nitong mga huling araw, madalas siyang may kinukuwento sa akin na babae. Sinabi niya na seryoso na siya sa pagkakataon na iyon. Minsan, hindi ko rin maiwasan na pagsisihan na tinanggihan ko siya noon, pero kapag naalala ko ang mga babaeng nakita ko na umiyak dahil sa kanya. Hindi ko rin maiwasan matakot, kung naging kami? Paano kung ganoon din ang mangyari sa amin?" kuwento pa nito.
"Hindi mo man lang tinanong kung sino ang babae na iyon?" tanong niya.
"Ayokong malaman, mas mabuti na iyon ganoon,"
"Paano kung ikaw pala ang gusto niya?" tanong din ni Regine.
Matagal bago nakasagot si Jane, mayamaya ay agad na pinahid ng dalaga ang luha ng umagos iyon sa pisngi nito.
"Sana hindi. Dahil ayokong masaktan ulit, ayokong mapasama sa mga babaeng iniwan niya kapag nagsawa siya. Dahil kapag nangyari iyon, tiyak na pati ang pagkakaibigan namin ay mawawala. I'd rather stay beside him hurting, than not having him at all," sagot ni Jane.
Wala ng nasabi si Nigella, napabuntong-hininga na lang siya. Sa mga sandaling iyon, na-realize niya na sa kamay ni Paolo nakasalalay ang lahat, kung talagang totoong seryoso si Paolo sa damdamin para kay Jane. Kailangan nitong mapatunayan na totoong mahal nga nito ang kaibigan, para mawala ang takot ni Jane.
"Alam mo ba? Naiinggit nga ako sa'yo eh," sabi pa ni Jane.
"Bakit naman?"
"Dahil alagang-alaga ka ni Channe. Sa totoo lang, kanina ko pa kayo inoobserbahan. Madalas ko rin siya nahuhuli na madalas sa'yo lang nakatingin. He never keeps his eyes away from you. Kahit hindi niya sabihin, parang kusang mapapanatag ang loob mo. Kasi alam mong nariyan lang siya, kahit na anong mangyari, handa ka niyang ipagtanggol," sagot nito.
BINABASA MO ANG
Love Confessions Society Series 2: Channe Lombredas
Romance"I searched for my freedom and I found that when you came into my life." Teaser: A Fanboy's Confession Hindi ko alam kung saan ko sisimulan ang confession na ito. Gaya ng ibang mga kaibigan ko, mayroon din akong first love, pero ang pagkakaiba nam...