CHAPTER FOUR

2.1K 66 5
                                    

          KAKALABAS lang ni Nigella sa bahay nila ng bigla siyang matigilan. Matapos mapansin ang isang estrangherong sasakyan, at pamilyar iyon sa kanya. Saglit siyang nag-isip matapos rumehistro sa isip kung sino sa mga kilala niya ang may gaya ng kotse nito.

Impossible, paano magagawi si Ava Andrada dito? Tanggi niya sa sarili.

Mas pinili ni Nigella na huwag pansinin, dahil baka bisita lang iyon ng kapitbahay nila. Papunta sana siya sa flower shop nila Regine, pero hindi pa siya nakakarating doon ng bigla siyang mapapitlag matapos bumusina ang kotse. Literal na napahinto siya, saka napalingon. Pero lalo siyang nagtaka ng bumaba ang bintana at makita kung sino ang sakay niyon?

"Ava?"

She smiled sarcastically, pagkatapos ay lumingon ito sa paligid bago sinuot ang dark sunglasses at nagsuot pa ng malapad na hat para walang makakilala dito, saka ito bumaba. Ava Andrada is her greatest rival in show business. Well, not for her. Kahit kailan ay hindi siya nakikipag-kompetensiya dito. Mas ramdam niya na ito ang pilit nakikipag-kompetensiya sa kanya.

"What the... anong masamang hangin ang nagdala sa'yo dito? Hindi ako maniniwala kapag sinabi mo na ako pinunta mo dito?" nakataas pa ang kilay na tanong ni Nigella.

Pilit itong ngumiti saka in-adjust ang salamin na suot.

"Good guess, may kailangan lang akong kausapin na importanteng tao na dito sa malapit nakatira."

"Iyon naman pala eh, sige, maiwan na kita," pormal ang mukha na paalam niya, saka mabilis itong tinalikuran.

"Nigella, wait."

Napahinto siya saka humarap ulit dito.

"Since magkaharap na rin lang tayo, mag-usap na tayo," sabi ni Ava.

"About what?"

"Tungkol sa lead role na pinag-uusapan na multi-million budgeted Fantasy-Romance teleserye. Narinig ko na interesado ka rin daw sa role," anito.

"Yeah, and so?" mataray na tanong niya.

"Give it up," seryosong sagot ni Ava.

"What?" hindi makapaniwalang tanong ni Nigella.

"Narinig mo ako, give up the role," sagot ulit nito.

Sarkastiko siyang tumawa. "Wow, bilib din naman ako sa'yo. You really see me as your greatest rival? Natatakot na baka sa akin mapunta ang role?"

"Mas bagay ako sa role na iyon," giit ni Ava.

Tiningnan niya ito simula ulo hanggang paa.

"Kung totoong confident ka sa kakayahan mo. Hindi mo sasabihin sa akin 'yan," sagot niya.

"Huwag kang mag-alala, marami ako niyan sa katawan. Natatakot lang ako na baka sumipsip ka na naman sa mga big boss," sabi nito.

Muli niyang tinawanan ito. "Hindi tayo pareho, Ava. I don't do dirty tactics, gaya ng ginagawa mo. Sige, aalis na ako. May kailangan pa akong gawin," sagot niya, pagkatapos ay mabilis niya itong iniwan.

Malapit na siya sa flower shop ng makita niyang tumawid mula sa tindaha ni Olay si Regine.

"Sino 'yon?" tanong nito paglapit sa kanya.

"Si Ava," sagot niya.

"Ah 'yong rival mo sa showbiz. In fairness, mukha pala siyang flying carpet," sabi nito.

Love Confessions Society Series 2: Channe LombredasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon