CHAPTER SIX

1.9K 62 1
                                    

"AT LAST, we're here," sabi ni Channe pagparada niya ng kotse sa tapat ng bahay ni Nigella.

Noon lang siya napanatag, gayundin ang dalaga. Nang mga sandaling iyon, na-realize ni Channe kung gaano kahirap ang buhay nito bilang isang celebrity. And it was his first time to see her frightened like that. Ang Nigella na kilala niya ay gusto ng maraming atensiyon. Iyong gusto palaging ito ang bida, pero hindi niya nakita iyon sa dalaga.

Mula sa pinagtataguan nila, sumakay sila ng taxi at nagpahatid sa parking lot ng mall. Pagdating doon, matapos magbayad ay nagmamadali silang bumaba at mabilis na sumakay sa kotse ni Channe at agad na umalis. Napalingon siya dito ng mahalata na wala itong kibo, nakita niya sa mga mata nito ang lalim ng iniisip.

"Hey, are you okay?" tanong pa niya.

Bigla itong tumingin sa kanya saka pilit na ngumiti.

"Yeah, I'm fine," sagot nito.

"Sige na, magpahinga ka na," aniya.

"Can I ask you something?" tanong ni Channe.

"Oo naman," sagot nito

"Are you disappointed?"

"Saan?"

"Na ako ang kasama mo kanina at hindi si Maceo," sagot niya.

Napangiti si Nigella, saka marahan umiling. "Nope. In fact, mas napanatag ako noong makita ko na ikaw pala ang may hawak sa kamay ko. Nagulat lang ako ng makita kita dahil ang usapan noong una ay kay Maceo ako sasama," paliwanag ng dalaga.

Gustong tumalon sa tuwa ni Channe sa narinig na sagot ni Nigella. Ang totoo ay kanina pa niya iniisip iyon.

"Really?" hindi makapaniwalang tanong niya.

"Really," nakangiting sagot nito.

Hindi magawang itago ni Channe ang saya na naramdaman. He felt much closer to her this time.

"That's great," nahihiya pang sagot niya.

Marahan itong tumango. "Sige, papasok na ako. Goodnight, Channe."

"Goodnight," sagot niya.

Pagbaba nito ng kotse ay agad itong lumapit sa gate, pero mayamaya ay parang natigilan ito sabay muling lumapit sa kotse at kumatok sa bintana sa side niya. Nagtataka na bumaba si Channe.

"Bakit? May nakalimutan ka ba?" tanong pa niya.

Nigella smiled at him. Pero sa pagkakataon na iyon ay nakita niya sa mga mata nito ang sinseridad ng pagngiti nito sa kanya. Agad na kumabog ng malakas ang dibdib niya sa sumunod na ginawa ni Nigella. Wala siyang narinig na salita mula dito, basta bigla na lang itong yumakap ng mahigpit sa kanya. Her head is resting on his chest, while his heart is beating so fast. Literal na nablangko ang isipan ni Channe, ni hindi niya alam kung gaganti ba siya ng yakap. Basta ang alam lang niya ng mga sandaling iyon ay damdamin niyang tila sasabog na yata sa sobrang saya.

"Thank you, Channe."

It's just a simple set of words. Ngunit parang bomba ang lakas ng dating niyon at umabot sa kanyang puso.

"Yo... you're... welcome," nagkandautal na sagot niya.

"See you, tomorrow," sabi pa ni Nigella, pagkatapos ay tuluyan na itong pumasok sa loob ng bahay.

Hindi alam ni Channe kung gaano katagal siyang naiwan doon at nakatulala lang. Wala na si Nigella sa harapan niya pero ayaw pa rin kumalma ng puso niya. Napasandal siya sa kotse, mayamaya ay gumuhit ang magandang ngiti sa kanyang labi. Iyon ang unang pagkakataon na nakita ni Nigella ang ginawa niya para dito. Isang simpleng pasasalamat, pero labis ang sayang binigay niyon sa kanya.

Love Confessions Society Series 2: Channe LombredasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon