MULA doon sa isang sulok ay napapanood ni Nigella ang nagaganap na confession sa hide out ng Love Confessions Society. Ang lahat ng miyembro ng LCS ay pawang mga nakasuot ng white mask. Binigyan naman siya ng isang mask na may design, sabi ni Channe ay ginagamit daw iyon ni Regine minsan kapag kailangan ito doon sa loob. Sinisikap niyang mag-concentrate sa pinapanood niyang confession, kahit na minsan ay nadi-distract siya sa tuwing dumidikit ang kamay ni Channe sa kanya, na tahimik na nakatayo lang sa likod niya. Alam kaya ng lalaking ito kung anong klaseng panggugulo ang ginagawa nito sa puso niya. Nawala na kay Channe ng tuluyan ang atensiyon niya ng sumampa si Paolo sa bilog na stage, pagkatapos ay huminga ito ng malalim.
"Wait lang, paano nga pala si Jane? Paano siya makakapasok dito? Eh di nakita niya 'yong mga sumalubong sa kanya. Eh di nakita niya kung paano pumasok dito?" tanong pa ni Nigella.
"Nope. Bukod sa amin, I mean sa atin, wala ng iba pang puwedeng makaalam ng daan papunta dito. Ang magko-confess ang tumatawag sa kanila, sila ang magsasabi na pumasok sa loob ng flower shop. Sila mismo ang magsasabi na pagdating sa loob, makikita nila ang kulay pula na panyo, and they will instruct them to blind fold themselves, at may susundo sa kanila papunta dito. Kapag kasi bigla kaming sumulpot doon sa labas na nakaganito, baka matakot sila at tumakbo," paliwanag ni Channe.
Nawala na sa pinag-uusapan nila ang atensiyon niya ng marinig na magsalita si Ren. Hanggang ngayon ay wala pa rin ideya si Paolo kung sino ang mga nasa likod ng puting maskara na iyon.
"Ready ka na?" tanong ni Ren.
Hinimas pa nito ang dibdib saka pinuno ng lakas-loob ang puso.
"Kinakabahan ako eh," sagot nito.
Tinapik ni Adam ang balikat nito saka ngumiti. "Relax pare," natatawang sabi nito.
"Paano kung hindi ako tanggapin ni Jane?" kinakabahan tanong pa nito.
"Paolo, magtiwala ka lang kay Jane. Magtiwala ka sa nararamdaman mo, if what you feel for her is true, then, you just have to trust it. Make her feel your sincerity, sa tingin ko iyon ang hinihintay niya sa'yo," payo ni Dawson.
Nakita niya kung paano umaliwalas ang mukha nito at tila nabawasan ang kaba.
"Salamat, hindi ko alam kung sino kayo. Pero malaking bagay ito para sa akin," sagot nito.
Mayamaya ay biglang bumukas ang pinto. Pumasok doon si Hajime kasama si Steven habang inaalalayan nito si Jane na nakapiring ng mga sandaling iyon. Nagmamadaling nagtago ang mga nag-aayos ng design ng stage na sila Aven, Maceo, Page at Dawson.
"Nasaan ba ako? Nasaan na si Paolo? Sabi n'yo gusto niya ako makausap?" tanong ni Jane.
"Nandito ako, Jane."
Ilang sandali pa ang lumipas, biglang pinatay ni Makaio ang ilaw sa buong paligid at tanging ang kulay puti na ilaw lamang na nakatutok sa bilog na stage ang nagbibigay liwanag sa lahat. Pagkatapos alisin ni Hajime ang piring sa mga mata ni Jane, ay agad na rin itong nagtago.
Parang tinulos sa kinatatayuan si Jane ng makita nito si Paolo na nakatayo sa gitna ng bilog na stage.
"Paolo, ano 'to?" tanong ni Jane, sabay lingon sa paligid.
Walang masyadong design ang stage, maliban na lang sa malaking heart na pinuno ng mga pictures ng dalawa simula pa pagkabata. Bumaba si Paolo at hinawakan ito sa kamay. Pagkatapos ay inalalayan ito sa gitna ng stage.
"May gusto akong sabihin," sagot nito.
Hindi sumagot si Jane, pero bakas sa mukha nito ang kaba. Napatingin ito sa gawi niya. Ngumiti si Nigella saka marahan itong tinanguan, pagkatapos ay muli itong tumingin kay Paolo ng iabot ng binata ang isang bungkos ng assorted na fresh flowers.
BINABASA MO ANG
Love Confessions Society Series 2: Channe Lombredas
Romance"I searched for my freedom and I found that when you came into my life." Teaser: A Fanboy's Confession Hindi ko alam kung saan ko sisimulan ang confession na ito. Gaya ng ibang mga kaibigan ko, mayroon din akong first love, pero ang pagkakaiba nam...