CHAPTER SEVEN

1.8K 57 4
                                    

"PARE, baka naman puwede mong hanapin si Ate? Nag-e-emote na naman eh," sabi ni Aven paglapit sa kanya.

"Bakit? May nangyari na naman ba?" tanong ni Channe.

"Umatake na naman yata 'yong number one basher n'ya, kung anu-ano ang pinagsasabi na masasakit tungkol sa kanya. Kaya ayon biglang umalis ng bahay, hindi naman sinasagot ang tawag namin," paliwanag nito.

Napakunot-noo siya.

"Sinong basher?" tanong ulit niya.

Kinuha nito ang cellphone saka in-open ang IG nito at pumunta sa account ni Nigella. Tiningnan nito ang mga comments.

"'Yan! Si c4n21!" sagot ni Aven sabay abot ng cellphone nito.

"What?!" gulat na tanong niya.

Biglang kinabahan si Channe. Simula ng madalas na silang magkasama si Nigella, hindi na niya ginamit ang secret IG account niyang iyon hanggang sa mga sandaling iyon. Agad siyang napaisip, ibig sabihin ay may nag-hack sa account niya.

"Bakit parang gulat na gulat ka?" nagtatakang tanong ni Aven.

Napakurap siya saka tumingin dito.

"Sige, subukan kong tawagan si Nigella. Balitaan kita kapag nakausap ko na siya," sa halip ay sagot niya.

"Isa pa, eto, tingnan mo?" anang kaibigan, saka inabot sa kanya ang phone nito.

Isang online news na naman ang kumalat na nagpatibay sa hinala ng mga tao tungkol sa totoong estado ng relasyon ni Maceo at Nigella. Nakuhanan silang dalawa ni Channe kahapon ng larawan ng mga photographers na nakatambay sa harap ng University, na sabay pumasok. Maging si Maceo at Regine. Marami tuloy ang nagtatanong kung sino sila at bakit palagi silang kasama ng dalawa.

"Ako na ang bahala kay Nigella," sabi niya kay Aven.

"Okay, thanks pare."

Isang magaan na ngiti at tapik sa braso ang sinagot niya sa kaibigan. Paalis na lang ng muli siyang tawagin ni Aven.

"By the way, sa isang araw na pala ang confession ni Paolo kay Jane. Kami na ang nagpatuloy ng assignment mo, alam namin na naging busy ka dahil sa naging issue n'yo ni Ate," sabi nito.

"May nag-aayos na ba sa hide out ngayon?" tanong pa niya.

"Wala pa," sagot nito.

"Sige, pupunta ako sa hide out bukas," sabi niya.

Tumango lang ito, pagkatapos ay umalis na rin agad siya. Tiningnan niya si Nigella sa university pero wala ito doon. Paglabas niya ng gate ng school ay sinubukan niya itong tawagan. Pero hindi sinasagot ng dalaga ang tawag niya, makalipas ang ilang minuto ay nag-send siya ng mensahe dito.

"Where are you? Tawagan mo ako agad, please. I'm worried."

Habang naghihintay ng tawag ni Nigella, sinubukan niyang i-open ang c4n21 IG account niya. Halos mapamura siya sa inis ng hindi tanggapin ng site ang password niya. Napaisip siya ng malalim, sino kaya ang nag-hack niyon? Bumuntong-hininga siya matapos may maalala, iisang tao lang ang kilala niyang pwedeng mang-hack sa account niya. Si Ava Andrada. Muli niyang tiningnan ang comments ng nagpapanggap na c4n21.

"I know the truth! Aminin n'yo na kasi ang totoo!"

"Hindi ka kagandahan, kaya huwag ka mag-inarte!"

Love Confessions Society Series 2: Channe LombredasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon