CHAPTER NINE

1.7K 62 2
                                    

          IT IS a multi-million budgeted teleserye. Ang primetime drama na pinaplano pa lang ay inaasam na ng lahat ng young actress na gaya ni Nigella. Gaya ng sinabi ni Joven, ang Manager niya. Ang dramang iyon ay isang fantasy-romance, a time-traveled kind of love story. Pinag-isipan mabuti ng Creative Team ang storya, draft after draft, hanggang sa tuluyan pumasa sa panlasa ng mga producers at big bosses ng TBN Network ang pilot week script ng serye. Maging sa mga castings, ay hindi basta-basta ang kinuha ng mga Executive Producers. Maging ang mga costume ay masusing pinagawa. It really is an ambitious project. Hindi madalas gumawa ng ganitong klase ng fantasy love story na pang-teleserye sa primetime television. Pero dahil gustong gumawa ng kakaibang storya ang home tv network niya, nag-desisyon ang mga ito na sa ituloy ang project kahit na malaki ang kinailangan na budget. At isa si Nigella na nangangarap na mapunta sa kanya ang role na iyon.

Pero nang mag-hiatus siya at mabaling ang atensiyon niya sa pag-aaral, tuluyan na iyon nawala sa kanyang isipan. Matapos ang nangyari nitong mga nakaraan linggo, ang mga tsismis at bashing na natanggap niya, she started seeking for peace, and real freedom. Sa mga sandaling iyon, hindi na sigurado si Nigella kung gusto pa niyang ituloy ang pag-aartista.

"Ano pang hinihintay mo, Nigella? Pumirma ka na," sabi pa ni Joven.

Tuluyan ng naputol ang pag-iisip niya, sabay tingin dito.

"I can't sign this now. Hindi ko pa nasasabi sa parents ko ang offer na ito. Problema ko rin kung paano ko sasabihin, Dad is very firm with his decision, gusto n'ya na bukod sa pg-aaral ay wala na akong ibang aasikasuhin pa," problemadong sagot niya, saka bumuntong-hininga.

Lumipat ng upuan ang manager niya at mas lumapit sa kanya. Kinuha pa nito ang kamay niya.

"Try to convince your parents, kapag hindi sila pumayag. Ako ang kakausap sa kanila," sabi pa ni Joven.

"Sige, update na lang kita," sagot niya, sabay tayo.

"By the way, Nigella. The lead role was first offered to Ava Andrada, dahil sa issue sa inyo ni Yoon, sa kanya sana ibibigay ang role pero may nakarating na balita kay Mister David na nagkaroon ng problema si Ava sa NBI. May nag-file ng case sa kanya, blackmailing at my inutusan itong IT na i-hack ang account ng isang netizen," sabi pa ni Joven.

"Talaga? Nagawa ni Ava 'yon? Bakit daw niya ginawa 'yon?" gulat na reaksiyon niya.

"Oo, at hindi ko alam kung bakit, kaya nga binawi na sa kanya ang offer at binigay sa'yo. This is your chance to redeem yourself as well pagkatapos ng issue sa inyo ni Maceo. At kung matutuloy na ilabas ang press release, magandang comeback project ito para sa'yo. Imagine those high-rated teleseryes, iyong multi-million pesos worth of movies. Malaki ang naging pakinabang nila sa'yo, kaya maraming viewers ang lumipat sa network na ito. Isa pa, ikaw ang mas gusto ng mga big boss para sa lead role. Mas nagagalingan sila sa'yo," paliwanag ng manager niya.

Flattered siya sa mga sinabi nito. Dapat ay excited din siya, pero sa halip ay magulo ang isip niya. Hndi niya alam kung ano ang gagawin.

"Eh bakit parang wala naman nababalita sa TV tungkol sa case ni Ava? Sa tinik ng media, dapat nakalabas na 'yan," nagtatakang tanong niya.

"Ewan ko, iyon nga rin ang pinagtataka ko. Pero sabi sa akin ni Mister David, naka-media blackout daw ang balita. Iyon daw mismo ang request ng nag-demanda," kuwento pa nito.

"Oh, ibig sabihin ma-impluwensiya ang nag-demanda. May idea ka ba kung sino?" tanong pa niya.

Nagkibit-balikat ito. "Wala e," sagot ni Joven.

Love Confessions Society Series 2: Channe LombredasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon