Kung ang mga pangako'y patuloy na mapapako
Ano pang silbi ng mga salitang binitawan mo?
Pagka't alam kong kahit sa iyo'y ipaalala ko
Pipiliin mo parin ang saki'y lumayo at tuluyang iwan akoSa kung gaano kadaling ako'y minahal mo
Ganoon rin kadali nang ako'y iwanan mo
Sinabi mo noo'y pag ibig mo'y matatag at totoo
Ngunit ngayo'y puso mo na ay nagiging batoAno pang saysay ng mga pakiusap kong di mo pinakinggan
Para saan pa ang pangako ng pagibig na walang hanggan
Ano pang silbi ng pag aalay ko ng aking puso't isipan
Kung ikaw rin pala'y magbabago at tuluyang lilisanHindi ko lubusang maisip na tayo'y hahantong sa ganito
Ang mga pangarap kong ibinahagi ko sa'yo
Ngayo'y nararamdaman kong tuluyang naglalaho
Kasabay ng paglakad mo sa akin palayoSalamat na lamang sa lahat ng alaalang iyong iniwan
Pinapangako kong ito'y di ko malilimutan
Sana lamang ay sa taong pinili mo'y magi kang masaya ng tuluyan
Kahit na ako'y nanunuod sa malayo at isang luhaan
BINABASA MO ANG
Night Chronicles (Volume One)
RandomThis is a compilation of my "out of the blue" stories and poems that is usually written at night, hence the title.