©2020 Kaye Santos
Aaminin kong ako'y nahihirapan
Aaminin kong ako'y patuloy na nasasaktan
Na sa bawat araw na saki'y dumaraan
Patuloy parin kitang minamasdanSa di ko malaman laman na dahilan
Kahit anong pilit ko'y di kita mabitawan
Kahit na anong sakit at anong hapdi ang aking nararamdaman
Hanggang ngayo'y mga ngiti mo parin ang aking minamasdanAng larawan mong nakatanim na sa aking isipan
Ang iyong tinig at ngiting nagbibigay sa akin ng kasiyahan
Pilit kong binubura at pilit na kinakalimutan
Kahit na ito pa ay nagdudulot sakin ng malubhang kalungkutanPermanenteng paalam nga ba ang dapat kong gawin
Kasabay ng aking paglayo at ika'y tuluyan nang limutin?
Sana nga ay ako'y magkaroon ng lakas at aking kayanin
Hanggang sa muli, ika'y akin nang lilisanin
BINABASA MO ANG
Night Chronicles (Volume One)
RandomThis is a compilation of my "out of the blue" stories and poems that is usually written at night, hence the title.