Tapos na ang nakaraang kabanata
Panahon ng pag-ibig ay muling magsisimula
Tungkulin ng nakaraa'y nagampanan na
Pangako ng walang hangga'y paparating naPuso ma'y nasugatan ng sakit at delubyo
Dulot ng lahat ng pangako mong napako
Mga luha ma'y pumatak nang dahil sa iyo
Lihim na pag ibig sa iyo'y mananatiling totooPinagkaitan man tayo ng tadhana
Na simulan ang ating kwento ng masasayang ala ala
Wag kang panghinaan ng loob at patuloy na maniwala
Na ang mga susunod na kabanata'y punung-puno ng pag-asaSadyang mapaglaro ang tadhana
Nang mapagdesisyunan nitong pagtagpuin tayong dalawa
Pinagtagpo man sa tamang paraan at maling dahilan
Ang naghihintay para sating dalawa'y pangako ng walang hangganDi ko na pahahabain pa ang tula
Tulang nilikha na magsisilbing simula ng maganda nating ala ala
At gaya rin ng tulang nuo'y binasa ko sayo
Saan man ako dalhin ng hanging mabilis ang takbo
Pag ibig ko sayo'y mananatiling totooAsahan mo sa ngayo'y tutuparin ko ang pangako ko
Na ako'y didistansya't mamahalin ka sa malayo
Maghihintay ako mahal ko
Hanggang dumating ang panahong ako'y piliin mo
BINABASA MO ANG
Night Chronicles (Volume One)
De TodoThis is a compilation of my "out of the blue" stories and poems that is usually written at night, hence the title.