Inspired by the song: Russian Roulette by Rihanna
This chapter is dedicated to my sister Ria Santos
********************
"You only have one chance."
Lahat 'yan nag eecho sa utak ko ngayon sa di ko malamang dahilan. Matagal na panahon na mula nang mangyari 'yon pero bakit parang sariwa parin sakin ang lahat ng nangyari?
Napakapit ako sa lababo habang sapo-sapo ang ulo ko dahil bigla 'tong sumakit, lalo na nang biglang magflash yung mukha niya, pati yung baril sa harapan ko.
"Riesse! Ayos ka lang ba d'yan?!"
Narinig kong tawag ng kaibigan kong si Bianca sa labas. Nagpunta kasi ako ng restroom para magretouch nang bigla nanamang bumalik yung mga alaala ko ng gabing 'yon.
"Oo. Ayos lang ako. Papalabas narin ako." Sagot ko habang sapo sapo ko parin yung ulo ko. Pilit kong binuksan yung purse ko at hinanap yung gamot na nireseta sakin ng psychiatrist ko, at pagkatapos ng ilang minutong pagkalkal buti nalang nahanap ko at nakainom ako kaagad.
"Riesse?" Tawag niya ulit, kaya nagmadali akong ayusin yung gamit ko at lumabas na ng comfort room.
"Bakit ang tagal mo?"
"Tumawag si mama. Tinatanong kung anong oras daw ako makakauwi." Pagsisinungaling ko sabay ngiti. Ilang segundo niya akong tinitigan na para bang pinoprocess niya sa utak niya kung maniniwala ba siya o hindi, pero sa huli ay tumango din siya at siguro'y naniwala sa kasinungalingan ko.
"Halika na, hinahanap na tayo nila Diana." Pag aaya niya sakin, at sabay kaming bumalik sa ballroom.
Reunion namin ngayon. Magkakaklase kami nung elementary at ngayon lang natuloy yung reunion. Karamihan samin successful na. May doktor, may engineer, may certified public accountant na at marami pang iba. Samantalang ako, hindi man nakapagtapos ng pag aaral, isa na akong professional writer sa isang publishing company sa ibang bansa. Bumalik lang ako ngayong buwan dito sa pinas para magbakasyon pagkatapos nung nangyari noong nakaraang buwan.
"Huy! Riesse, tulala ka nanaman?" Sabi sakin ni Marian, yung naging doktor samin.
"Ha?" Wala sa sariling tanong ko sa kanila.
"Tulala ka nanaman daw. Ano bang nangyayari sa'yo?" Natatawang sabi ni Benjie, pero ngumiti lang ako at umiling. Ayokong sabihin sa kanila yung nangyari sakin, dahil ayokong husgahan nila ako ng dahil lang dun. It was already a big mistake as it is, at ayokong mapahiya pa ng dahil dun.
"Kantahan tayo guys! Sino unang kakanta?" Tanong ni Benjie, at sabay sabay kaming nagtinginan sa isa't isa na para bang pinapakiramdaman namin kung sino unang magvovolunteer. Hanggang sa biglang nagsalita si Bianca ng:
"Si Riesse nalang. Tutal, matagal nating di nakita 'to."
Napahilamos ako sa mukha ko nang marinig ko yun at lahat naman sila nag agree. Kaya ang ending, nagpunta ako ng stage at nagsimulang kumanta. Pero bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ko ang isang pamilyar na tugtog. At dahil dun napahinto ako sa kinatatayuan ko. Mga ilang segundo din siguro akong nakatulala bago ako kumanta.
Take a breath, you take it deep
'Calm yourself' he says to me
If you play, you play for keeps
Take the gun, and count to three
BINABASA MO ANG
Night Chronicles (Volume One)
CasualeThis is a compilation of my "out of the blue" stories and poems that is usually written at night, hence the title.