Pag-Amin

17 1 0
                                    

©2020 Kaye Santos

Dedicated to: cyst csombillo16

Ginoo, ako lamang ay may nais sabihin
Ito'y patungkol sa aking tunay na damdamin
Walang nagbago, mula noo'y ganoon parin
Pangako sa sariling ikaw ang iibigin

Alam mo bang ngiti ang dulot mo sa akin sa bawat saglit na ika'y namamasdan
Ang iyong tinig na tila may mga anghel na nagsisiawitan
Ang iyong mga matang nangungusap at sing lalim ng karagatan
Pati narin ang iyong ngiting punong puno ng kahiwagaan

Sa bawat araw na dumaraan, ako'y laging nananalangin
Na ang puso't utak ko'y magkaroon ng lakas na sabihin
At kasabay ng mga panalanging aking sasambitin
Ay ang matanggap ang sakit kung ako man ay mamalasin

Ginoo, alam kong may iba ka nang napupusuan
Ngunit tinig ko sana'y iyo paring pakinggan
Ang boses ko ma'y nanginginig at may kahinaan
Asahan mong ang maririnig mo ay puro katotohanan

Alam kong mahirap ang mabigo at madurog ang iyong puso
Alam kong masakit ang siya'y itulak kang palayo
Ngunit sa bawat oras na sa aki'y nagsasabi ka ng totoo
Wala akong ibang maramdaman kundi ang mahirapa't masaktan para sa iyo

Alam kong batid mo ang tunay kong nararamdaman
At alam ko ring ayaw mong tanggapin itong katotohanan
Ngunit sa bawat sakit na iyong nararamdaman
Ay siya ring sakit sa aking puso at buong kalamnan

Batid ko rin ginoo, na ako'y walang pag asa
Marahil ito ay dulot ng isang mabagsik na sumpa
Sumpa na kailanma'y ako'y hindi na sasaya pa
Sumpa ng habambuhay na ang aking mga mata'y tuluyang luluha

Huwag ka sanang sa aki'y humingi ng paumanhin
Sapagkat ito ay kusa kong naramdaman at sa iyo'y inaamin
Tanggap kong ako'y wala pag asa at uuwi ng luhaan sa amin
Ngunit di ko ni minsan pagsisisihan ang aking pag amin

Ginoo, salamat at ako'y iyong pinakinggan
At hindi ka nagbago at hindi ako pinagtulakan
Ginoo, umasa ka na ngayon at kailanman
Hinding hindi maglalaho at magbabago ang ating pagkakaibigan

Huwag kang mag alala ginoo, pagka't ako'y hindi nasasaktan
Sapagkat ang pag-ibig ko'y matatag at may katapatan
At naniniwala akong ang pagmamahal na may katotohanan
Ay di matitibag ng tadhana o ninuman

Mahirap man sa akin ang sitwasyon kong ito
Ngunit asahan mo ginoo, na ako'y hindi magbabago
At kung saan man ako dalhin ng hanging mabilis ang takbo
Asahan mong pag ibig ko sayo'y mananatiling totoo

Night Chronicles (Volume One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon