You Were There

11 1 1
                                    

Inspired by the song: You Were There by Piolo Pascual

Dedicated to: hyrcirce_lose

********************

It's been almost half a decade since the last time I've been to the Philippines, and I can barely remember what it feels like to be there already. But since I received an invitation from my best friend that we will have a reunion/anniversary celebration, I have no choice but to go back. And her exact words were: "Hindi pwedeng hindi ka pumunta. As co-founder and head admin, you should be there. Besides namimiss ka na namin lahat, di mo ba kami namimiss?" Plus a sad emoticon. So sino ako para tumanggi sa nakikiusap na Calista?

But I wonder, how has he been for the past five years. Our farewell did not quite turn out the way I expected it to be; I wonder if he's still upset with me.

"Ms. Santos, the car is here." Tawag sakin ng personal assistant ko, so I looked back at her and said with a bitter smile: "I'll be there in a few."

Honestly, kinakabahan ako sa pagbabalik ko sa Pinas. Pero since namimiss ko na rin si Calista, babalik na ako. Naaalala ko pa noon, lagi kaming nag roroadtrip kasama ang boy bestfriend ko na si Jude, at pumupunta kung saan saan. At nang dahil sa kakatoadtrip namin, nakakarating kami hanggang Ilocos Norte. Pero ang last stop namin, bago ako umalis papuntang Amerika, ay sa Alaminos Pangasinan: sa hundred islands.

Noong araw narin na iyon ko ipinagtapat kay Jude ang totoong nararamdaman ko. At malinaw pa sa akin ang nangyari noong araw na iyon.

-flashback-

"Hindi ka na ba babalik?" Tanong niya sa akin habang nakatingin sa dagat mula sa tuktok ng bundok. "Depende." Malungkot kong sagot habang kagaya niya ay nakatingin din sa karagatan. "Pero, bago ako umalis may gusto lang akong ipagtapat sa iyo." Panimula ko sabay tingin sa kaniya. Hinawakan ko ang kamay niya para mabaling yung atensiyon niya sa akin at hindi sa kaakit-akit na tanawin mula dito sa itaas. Ngunit, walang emosyon siyang tumingin sa akin. Kaya hindi ko mahulaan kung galit ba siya, o nalulungkot o hindi. Ngunit kailangan ko na itong sabihin dahil napakabigat na sa akin ang patuloy ko itong ilihim sa kaniya.

Hindi ko rin alam kung hanggang kailan ako mananatili sa Amerika, at maaaring hindi narin ako makabalik kaya kailangan ko na talaga itong sabihin sa kaniya. "Jude, mahal kita matagal na. Pero dahil alam kong hindi mo masusuklian ang pagmamahal ko sa'yo, mas minabuti kong ilihim ito sa'yo at pilitin kong kalimutan na lamang. Sapat na sa akin  na itinuturing mo akong kaibigan, at hindi na ako hihiling pa ng higit dun. Ngunit, sa tinagal-tagal ng panahon na pinipilit kong kalimutan ang nararamdaman ko para sa'yo ay nabigo ako. Kaya sana mapatawad mo ako, at huwag kang mag alala dahil hindi ako umaasa na maibabalik mo rin ang pagmamahal na ito." Dirediretso kong sabi habang nakayuko ako at patuloy ang pag-agos ng mga luha ko.

"Alam ko." Mahina niyang sabi, kaya mula sa pagkakayuko ay tumingala ako ngunit mas nagulat ako nang makita kong may bahid ng kalungkutan ang mga mata niya, at tulad ko, ay nagbabadya na ring tumulo ang mga luha niya. "Alam kong matagal mo na kong minamahal ng palihim. At kung tatanungin mo kung papaano ko nalaman, isa lang ang masasabi ko: hindi kailanman maitatago ng iyong mga mata at ng iyong mga ngiti ang tunay mong nararamdaman para sa akin." Pagpapatuloy niya sabay hawak sa pisngi ko. "Ngunit tama ka, hindi ko masusuklian ang pagmamahal na yan, kaya sana mapatawad mo 'ko."

Night Chronicles (Volume One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon