Sa bawat salitang lumalabas sa'king bibig
Sa bawat luhang pumapatak sa'king mga mata
Ni ultimo ang bakas ng takot at pighati saking mukha
Wala ni isa man lang na nilalang ang makahalataAng pananahimik na sadyang nakasanayan na
Ang paglayo sa mga kaibigang pabiniwalang kailangan
Pati narin ang pagtago sa kasuluksulukan ng tahanan
Hanggang ngayon ba'y di parin maiiwasan?Ang katotohanan sa likod ng walang emosyong mukha
Nananatili parin sa kadiliman ng kalooban
Ang boses na noo'y malakas at may kalinawan
Unti-unti nang nawala at nabalot ng katahimikanHanggang kailan mananatili itong sakit?
Hanggang kailan kailangang manahimik?
Kailangan ba itong dalhin hanggang sa huling saglit?
O maging hanggang sa hukay ay kailanga'y bitbit-bitbit?
BINABASA MO ANG
Night Chronicles (Volume One)
De TodoThis is a compilation of my "out of the blue" stories and poems that is usually written at night, hence the title.