Wagas

8 1 0
                                    

©2020 Kaye Santos

Kung ako man ay maagang mamamatay
Alaala mo sa aki'y dadalhin ko hanggang sa kabilang buhay
At kahit na ako sa iyo ay nawalay
Pagmamahal ko naman sa iyo ay matatag at tunay

Hindi mo kailangang lumuha at masaktan
Hindi natin pareho ginustong ika'y maaga kong naiwan
Ngunit wala nang mas sasakit pa sa imahe mong luhaan
Pakiusap aking sinta ako rin ay nasasaktan

Alam mo naman noong ako'y nabubuhay pa
Pangako sa iyo'y pilit na pinapaalala
Ang bawat saglit na kita'y kasama
Aking tunay na pagmamahal ang pinapakita

Patawad mahal ko kung hindi na kita nahintay pa
Patawad kung ang pangakong habambuhay ay tuluyan nang nawala
Patawad dahil sa aking pagkawala'y ika'y nag iisa
Patawad dahil muli ikaw ay lumuluha

Ang mga pangako man ay laging napapako
Ngunit nais ko lamang na laging tandaan mo
Ang pag ibig ko'y walang hanggan at sadyang totoo
Maging kabilang buhay ito'y babaunin ko

Night Chronicles (Volume One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon