Chapter XX

6.5K 202 5
                                    

Jennie's POV

Kasalukuyan kaming nagkaklase nung biglang may kumatok sa pintuan ng classroom namin. It's already our third day in school.

"Hi, Ma'am. Good morning. May I excuse Ms. Kim Jennie for a moment?" She said as she entered our room. She's like a year below us. She's skinny and has a long black hair. Maganda naman siya.

Our teacher smiled to her and looked for me. "Yes, you may. Ah, Ms. Kim, someone's looking for you." She smiled at me so I smiled back kahit nagtataka ako kung sino ang nagpapatawag sa akin.

Tumayo ako at nagbow sa teacher namin nung napadaan ako sa kanya saka ako lumapit sa babaeng tumawag sakin.

"Ikaw ba si Jennie?" Tanong niya.

Nag-aalangan man ay sumagot pa din ako. "O-Oo. Sino nagpapatawag sakin?" I asked back to her habang naglalakad kami sa hallway.

"Mamaya mo malalaman." She grinned that made me nervous.

She isn't planning something bad, right? Jeez.

Tahimik lang siya habang naglalakad, minsan titingin sa phone niya tapos magtitipa. Hindi naman ako makapagtanong ng maayos dahil medyo kinakabahan na ko.

Lalo pa akong kinabahan nung nakita ko kung saan kami papunta. It's the abandon building of this university. Walang naglalakas loob na magpunta dito dahil may mga multo raw.

Huminto ako kaya napatingin siya sakin. "Bakit po, Ms. Kim?" Inosenteng tanong niya.

Tinaas ko ang daliri ko at tinuro ang abandon building. "A-anong gagawin natin dyan?" Tanong ko.

She smiled at me innocently. "Nasa garden po ng building na yan yung nagpapatawag sa inyo. Wag po kayong matakot, you're in good hands." Sagot niya sakin ng nakangiti saka na naglakad ulit.

Tumitingin lang ako sa paligid, minsan sa likod habang naglalakad kami sa loob ng building. It really giving shivers all over my body knowing that this building was the first one built in this university. Pero inabandona nung nasunog.

"Antayin niyo lang daw po siya dito sa garden." Sabi niya sabay alis na.

"W-wait! Teka sandali!" Pigil ko sa kanya pero nginitian niya lang ako sabay takbo paalis.

"WAIT!" Sigaw ko pa pero malayo na siya.

I looked around the garden. This garden is so beautiful. All plants and flowers ay naaalagaan ng mabuti. It's perfect place to have a peace of mind or kung kailangan mo ng tahimik na lugar. Pero shempre, nawawala ang ganda ng garden pag naunahan ka na ng takot dahil horror muna ang makikita mo bago yung kagandahan. Itong garden na to ang pinakamaganda at pinakamalaki sa lahat ng garden sa buong campus.

My eyes found a blanket na nakalatag sa bermuda grass malapit sa fountain na hindi na naglalabas ng tubig kaya tuyo na. May picnic box din sa gilid.

Nakakunot ang noong lumapit ako saka tinignan ito. Kahit nanlalamig na ang buong katawan ko sa takot at kaba, mas nanaig pa rin ang kuryosidad sa isip ko. May note na nakalagay sa lapag. Saying:

Don't be afraid, I'm here to hold you.

Hindi ko na pinulot ang note. Maya maya pa, I heard a strum of guitar galing sa likod ko.

Siya yung babae kanina!

Agad kong nakilala ang babaeng sumundo sakin sa room kanina. She's holding and strumming the guitar. She's smiling at me that made me frowned.

What is she up to? Tanong ko sa sarili ko.

Maya maya pa, gumilid siya para paraanin ang taong nasa likod niya.

Only You ✔️Where stories live. Discover now