Chapter XXIX

4.8K 144 3
                                    

Seulgi's POV

"Ano, bud? Pauwi na tayo pero parang di ka mapakali dyan? Natatae ka ba?" Tanong ni Jisoo na nakakunot ang noong nakatingin sakin.

Tapos na kasi kaming mag-ayos ng gamit. We were about to leave, inaantay nalang namin si bebe ko Irene. Kasalukuyan kaming nakaupo sa may garden nila Irene. Sa may bench.

Iniwas ko ang tingin ko sa kanila nung napansin ko na nakatingin silang lahat sakin dahil sa sinabi ni Jisoo.

"Seul, what's wrong? Any problem?" Lisa asked. Englishera talaga tong babaeng to kahit kailan.

Umiling lang ako saka sila binigyan ng tipid na ngiti.

Pota, sino ba naman kasi ang hindi kakabahan? Sinabi sakin ni Irene kaninang umaga nung ginising niya ko na aamin na kami sa grandparents niya bago kami bumalik sa Seoul. Jusko! Kabang kaba ko! Hindi ko alam kung tama ba tong desisyon namin o baka magkaproblema pa kami pagkatapos.

"SEULGI!"

"OH HALA BAKIT?" Natatarantang tanong ko pero nagulat nalang ako nung sabay sabay silang tumawa. Gago talaga mga to eh.

Naiinis na umupo ako ulit. "Seul naman kasi. Bakit ba parang kabado ka? Inaantay nalang naman natin jowa mo ha?" Tanong ni Dahyun.

Kahit kasi sila hindi pa sinasabi kina grandma at grandpa na jowa nila yang mga kasama nila. Ang alam lang ng dalawang matanda, magkakaibigan kami.

"Seulgi, sabihin mo na samin kung ano yang iniisip mo. Malay mo, baka makatulong kami." Mahinahong salita ni Rosé.

Huminga ako ng malalim bago magsalita. Nagsalita na anghel samin kaya kailangan sundin.

Tumingin muna ako sa bahay ng lola ni Irene. Baka sakaling may lumabas, marinig pa ako.

"Balak na kasi naming umamin ni Irene sa grandparents niya bago tayo umalis." Anunsyo ko.

"And what's the problem with that?" Lisa asked with a frown face.

"Bud, you know naman na homophobic yung grandparents niya. Ayoko naman na lumayo ang loob nila kay Irene after nito." Pag aalala ko.

Paborito nilang apo si Irene. For sure, masasaktan silang malaman na babae rin pala ang gusto ng apo nila.

"Seul, they love Irene so much. I know they will accept the both of you. Just be yourself when you talk to them. They should see how sincere you are for Irene." Lisa smiled to me after she said that.

Minsan talaga may nadudulot na maganda tong babaeng to eh.

I nodded my head to her and smiled to them.

I felt Jisoo's hand on my shoulder, patting me. "Alam mo, Seul, gago ka eh. Pero nawawala ang pagkagago mo dahil kay Irene. Bud, kailangan mo lang ipakita sa kanila na talagang pursigido ka at dedikado ka sa pagmamahal mo kay Irene. Dapat ipakita mo sa kanila na kahit babae ka, you can make Irene the happiest person she can be."

"Right! Dude, ipakita mo sa kanila na confident ka. Wag kang magpakita na kinakabahan ka. Kailangan ipakita mo na malakas ka. You know, not physically but mentally and emotionally. You need to assure them na Irene is safe with you. That they don't need to worry about her when she's with you." Dahyun console me.

Naiiyak na ko. Hindi ko alam na yung mga lapastangan kong mga kaibigan may maidudulot din palang maganda sa akin. Huhu.

Maya maya pa, nakita naman na naglalakad papalapit samin si Irene. Nag-alala ako bigla nung napansin ko yung ekspresyon ng mukha niya. It was unreadable.

Only You ✔️Where stories live. Discover now