QUINN'S POV
Hi!! Hihi. Ako nga pala si Quinn Santiago, magiging kaibigan ni Keith haha.
Wala nakong intro intro!
>__<
Naglalakad kami papunta sa parking lot ng MSA dahil pupunta daw kami sa bahay nila Crexia. Yes po opo! Makikibahay kami.
Medyo maaga pa kasi nung pauwiin kami ng teachers kaya napagdisisyonan naming pumunta sa bahay nila Crexia at manood ng movie, at para narin mas makasama namin si Keith.
Mabait naman siyang tao, at maganda. Hindi ko maipagkakailang bagay talaga sila ni Kiel hihi. Ship ko na talaga sila!!
Nagpunta na kami sa kanya kanya naming sasakyan at umalis. Nakasunod sa kotse ko ang kotse ni Keith dahil hindi niya alam kung saan ang bahay nila Crexia.
Medyo malapit lang naman ang bahay nila kaya hindi malayuan ang byahe, kaya naman andito na agad kami sa tapat nang bahay nila, isa isa naming pinark ang mga kotse namin sa field nila.
Oo ganun kayaman at kalaki ang bahay nila Crexia na pati isang field ay nagkasya! Madami din kasi silang mga kotse kaya kelangan talaga nila nang malawak na parkingan.
"Bahay nyo toh?" tanong ni Keith kay Crexia pagbaba namin.
"Oo hihi, tara pasok!" aya samin ni Crexia at nagsimula nang maglakad. Sinalubong naman kami nang mga maids nila.
"Feel at home guys!" sabi pa niya, dumeretso naman kami sa kwarto niya.
May kalakihan naman ang kuwarto niya kaya kakasya kami. Lahat kasi kaming magkakaibigan ay sumama haha.
"Keith dito ka!" Tawag ko sa kanya. Lumapit naman siya sakin at sabay kaming umupo sa bed ni Crexia.
Yung iba naman ay nasa kabilang kama, dalawa kasi ang kama ni Crexia dito. Sa isang bed ay nandun ang piggy5 kasama sina Amber at Vannah. Dito naman sa pwesto namin ay kasama namin si Crexia, Nash, Joshua, at Prince. Maluwang naman at malapad ang kama ni Crexia kaya kasya kami.
"Quinn! Kwentuhan mo naman ako tungkol sa kanila! Hindi ko sila masyadong kilala ehh." sabi ni Keith kaya nilingon ko siya, bahagya naman siyang nakapout.
"Ohh sige, simulan natin sa piggy5, kilala mo naman si Kiel at Kelvin kaya yung tatlo nalang." Sagot ko naman na agad niyang tinanguan.
"Yun si Ace Ravindra." Saad ko at tinuro pa si Ace na nagtatanggal ng sapatos niya.
"Guwapo, mayaman, mabait at matalino. Pinagkakaguluhan siya ng napakaraming babae. Hindi siya mahirap iapproach, at sa kanilang magkakaibigan siya ang pinakaseryosong tignan. Wala pa siyang naging girlfriend kahit isa, pero nagkakagusto sa kaniya si Sophia, yung isa pa naming kaibigan. Aware siya dun pero hindi siya umiiwas. Wala nang trabaho ang daddy niya, yung mommy naman niya ay nagaasikaso ng mga shop nila at malls. Sa kanila ding apat mahilig din siyang magvolley ball, he's also good at designing exhibitions, he has incredible memory, he never forgets anything, siya din yung tipo ng taong mahinhin, parang maria clara. Kemerot lang HAHA. Malumanay lang ang pananalita at paggalaw, kung hindi lang yan guwapo, napagkamalan ko ng bakla yan dahil sa sobrang hinhin."
YOU ARE READING
ULTIMATE CRUSH
RandomSi Kiel ay isang studyante sa MSA at isang pinakakabaliwan nang mga babaeng studyante, ngunit kahit ganun ay iisa pa rin ang isinisigaw at tinitibok ng puso niya kundi ang matalik niyang kaibigan na si Kimberly Keith. Paano niya kaya maaamin ang nar...