KEITH's POV
It's monday morning again. At sobrang tamlay ko nanaman. Paano ba naman kasi, kagabi pa walang paramdam si Kiel. Huling usap pa namin ay kahapon pa ng three p.m. tapos sa phone pa. Makita ko lang talaga siya lagot siya sa akin! Arghh!
"Keith let's go!" my brother shouted. Inis kong kinuha ang bag ko at bumaba nalang.
"Umagang kaybusangot kapatid." nakangiwing bungad niya sa pagmumukha ko. Inirapan ko lang ito at humalukipkip sa harap niya.
"Ano ba yan! Umagang umaga ang panget mo!" binatukan pa niya ako bago talikuran. Bastos na toh!
"Kitty bilisan mo at kanina ka pa hinihintay ng daddy mo." agad kong pinangunutan ng noo si mommy.
"Ha? Sabay kami ngayon ni Kiel mommy." sagot ko naman pero tinawanan lang niya ako. The hell?
"Oh sweetheart, kakatawag lang ng manliligaw mo at hindi ka raw niya masusundo. So hurry up." agad akong natahimik.
WHAT. THE. HECK?!! Kahapon, kagabi hanggang ngayon wala siyang paramdam! Tapos ngayon naman ay hindi niya ako susunduin at hindi kami magsasabay! Seriously?! What's your problem Kiel?!
Padabog nalang akong lumabas. Narinig ko pang tinawag ako ni mommy to eat breakfast pero wala na akong gana! Sira na ang umaga ko! Ang inaasahan ko pa naman ay makakasabay ko siya sa pagpasok.. Yun yung sinabi niya eh, umasa pa naman ako.. Char.
"Smile Keith. Umagang umaga nakabusangot ang pagmumukha mo. Sige ka baka malasin ka." usal ni daddy pagkapasok ko sa sasakyan.
"Malas na ako ngayon pa lang dad." pairap na sagot ko. Dad chuckled.
"Anyway hindi kita masusundo mamaya. Sumabay ka nalang kay Kiel, wala rin ang driver mo." aniya.
"Magco-commute nalang ako kaysa sumabay sa kaniya." kunot noong sagot ko.
Hindi pala niya ako susunduin mamaya tapos isinabay pa niya ako? Edi sana nagdrive nalang ako diba? Naiinis pa naman ako kay Kiel tapos pasasabayin niya ako dun?!
"Ayaw mong magcommute remember?" nasa mapang-asar pa ang boses ni daddy. Ngumuso nalang ako at nanahimik.
"Wala namang masama kung sasabay ka sa manliligaw mo. Mabait naman si Kiel." wika nanaman niya.
"Mabait? Manliligaw? Kaya pala walang paramdam." sarkastikong sagot ko. Tinawanan lang ako ni daddy kaya mas sumama ang itsura ko.
"Just wait and see." bulong ni daddy pero rinig ko. Kinunutan ko pa siya ng noo at hindi nalang pinansin ang sinabi niya.
·•·•·•·
"Basta sumabay ka sa manliligaw mo." sabi pa niya habang tinatanggal ko ang seatbelt ko.
"Pero dad-"
"No buts! Sumabay ka kay Kiel at hindi ka magco-commute! Period!" seryosong putol niya sa sasabihin ko. Tumango nalang ako at lumabas na.
Lumingon pa ako sa favourite spot ni Kiel dito sa parking lot at ang bwesit andito na! Meron na ang kotse niya kasama kay Kelvin, Ace, Adrian at Kurt!
"Good morning miss Keith!" masiglang bati sa akin nung guard. Ngumiti nalang ako kahit pa medyo naiinis pa rin ako.
"Good morning beautiful Keith!" bati rin sa akin nung isang teacher at bumeso pa. Ehh?! Gaya kanina ganun din ang ginawa ko.
"Hi ate Keith! Good morning po!" lapit sa akin ng isang batang babae. May inilabas siyang puting rosas galing sa bag niya at agad ibinigay sa akin.
YOU ARE READING
ULTIMATE CRUSH
RandomSi Kiel ay isang studyante sa MSA at isang pinakakabaliwan nang mga babaeng studyante, ngunit kahit ganun ay iisa pa rin ang isinisigaw at tinitibok ng puso niya kundi ang matalik niyang kaibigan na si Kimberly Keith. Paano niya kaya maaamin ang nar...