KIEL's POV
"Sigurado kaba dito kuya?" pagaalinlangan ni Kelvin.
"Baka salubungin naman tayo ni tito Ranz ng baril diyan ehh" nakangiwing dugtong pa niya.
Binatukan ko naman siya at sinamaan ng tingin. Nandito kami sa tapat ng bahay nila Keith para kausapin si tito at tita, pati na rin si kuya Kai.
Kakausapin ko na ngayon ang parents niya para magpaalam na manligaw. Kinuntsaba ko sina Quinn, Crexia, Sophia at Althea na isama si Keith na magshopping para makapaalam ako.
"Ikaq ba manliligaw ha?! Tiyaka anong baril ka diyan! Mabait si tito Ranz! Strikto nga lang.." sigaw ko sa kaniya.
Nagdala pa ako ng cake, flowers para sa mommy niya at chocolates. Nasa tapat palang kami ng bahay nila pero hindi na ako mapirmi. Kanina pa ako pinagpapawisan at kinakabahan.
"Oh siya! Magdoorbell kana!" tumikhim muna ako bago pindutin ang doorbell. Nakatatlong pindot din ako bago ako pagbuksan ng maid nila.
"Andiyan po ba si Mrs. at Mr. Silvenia?" tanong ko sa kaniya.
"Ayy meron po Sir Kiel, pasok po kayo!" masiglang sabi niya at ibinukas ng malawak ang gate para makapasok kami.
"Salamat po ate." nakangiti ko itong tinanguan at pumasok na.
Naabutan ko naman silang tatlo sa garden na nagzu-zumba. Hindi pa halatang may anak na si tita Kaye dahil sa ganda at sexy nito, isa sa mga namana ni Keith. Si tito Ranz naman ay guwapo at macho pa rin, halatang pinahahalagahan at inaalagaan ang mga pangangatawan. Ganun din naman si kuya Kai, guwapo rin ito at matangkad, payat man ay habulin pa rin ng chicks.
"Kiel! Aga natin ahh?" ani kuya Kai nang mapansin niya ako.
"Naku Kiel! Umalis si Keith ehh.." singit din ni tita Kaye. Tumigil na ang mga ito sa pagzu-zumba at lumapit sa amin ni Kelvin.
"It's okay tita, actually kayo po ang pinunta ko.." sagot ko naman. Nagkatinginan naman sila at nginitian ako.
"Okay then! Let's go inside!" anyaya ni tita Kaye at iginaya kami papasok.
Dumeretso kami sa salas nila at naupo sa couch. Inilapag ko naman ang cake at chocolates sa round table nila bago bumaling kay tita.
"Ahh tita for you po.." nahihiyang ani ko at iniabot ang isang bungkos ng rosas. Nangiti naman agad ito at tinanggap iyon
"Aww, thank you Kiel.. Pero, wala namang okasyon para bigyan mo ako ng ganito karaming rosas." malawak ang ngiti niya sa akin.
"Suhol po niya 'yan tita." hirit ni Kelvin kaya sinamaan ko ito ng tingin.
"Suhol?.. Anyway, bakit nga pala andito ka? May sasabihin kaba sa amin?" tanong nalang niya.
"Yes po tita. Andito po ako para sana magpaalam sa inyo.." umusbong ang kaba ko ng mas naituon pa nila sa akin ang atensyon!
Wala pa man din ay natetense na ako! Pakiramdam ko maiihi na ako sa kaba! Lord help me please...
"Magpaalam saan?" sa wakas ay nagsalita si tito. Humugot ako ng malalim na hininga at dahan dahan iyong pinakawalan.
"I-Im planning to court Keith po tito and tita. And I'm here po para personal na magpaalam sa inyong manligaw sa unica iha ninyo.." sa wakas ay nasabi ko! Bigla ay sumeryoso sina tito Ranz at kuya Kai si tita Kaye naman ay mas lalong ngumiti.
"Aww, of course it's okay Kiel!" sagot ni tita Kaye na agad sinuway ni tito.
"Sigurado kaba diyan?" tanong ni tito Ranz, magsasalita palang sana ako ng magsalita rin si kuya Kai.
YOU ARE READING
ULTIMATE CRUSH
RandomSi Kiel ay isang studyante sa MSA at isang pinakakabaliwan nang mga babaeng studyante, ngunit kahit ganun ay iisa pa rin ang isinisigaw at tinitibok ng puso niya kundi ang matalik niyang kaibigan na si Kimberly Keith. Paano niya kaya maaamin ang nar...