KIEL's POV
"Hoy piggy5 sali kayo?" excited na tanong sa amin ni Sophia. Nakaform sila ng circle habang pinapalibutan nila ang isang bote.
"Ano ba yan?" tanong naman ni Ace at umupo na sa tabi ni Sophia umupo na rin si Adrian sa tabi ni Zoey, si Kurt naman umupo sa tabi ni Crexia. Umupo nalang ako sa tabi ni Keith.
"Truth or dare!" si Keith ang sumagot. Tumango tango naman sila.
"Yayy! Maganda yan!" ani Kelvin.
Kinuha ni Adrian yung bote at siya ang nagpaikot, at saktong tumama yun kay Joshua.
"Ano bayan! Ako nanaman! Oh truth akin!" nakanguso nalang siya habang naghihintay ng sasabihin ni Adrian para bigyan siya ng tanong.
"May chance kapa bang magpakalalake?!" natatawang tanong ni Adrian kaya napangiwi siya.
"Oo naman, nagaantay lang ako ng babaeng tatanggap sa akin. Kahit naman bakla ako gusto ko paring magkaroon ng pamilya." tumango tango naman ang lahat matapos niyang sumagot.
Sumunod namang nagpaikot si Joshua at tumapat iyon kay Sophia.
"Siyempre truth din!" excited niyang sabi.
"Bakit mo nagustuhan si Ace?" tanong naman ni Joshua tiyaka siya ngumiti nang nakakaloko at lahat kami tinignan lang si Sophia na namumula ang buong mukha.
"E-Ehh k-kasi guwapo siyaa??" parang nagaalangang sagot niya kaya nakatanggap siya ng masamang tingin galing kay Joshua.
"Yun na yun?! Ayusin mo naman ghourl! Kaya ka hindi nacrush back ehh!" napangiwi naman si Sophia tiyaka huminga ng malalim. Ayus din pala tong laro na toh ehh.
"Kasi ano... Mabait siya tiyaka talented. I mean nasa kaniya na lahat nang hinahanap ng isang babae. Tiyaka gusto ko rin yung pagiging caring niya, yung tipong kapag may problema ka andiyan siya palagi tapos bibigyan ka ng payo... Ayon.. Kaya ko siguro siya nagustuhan.. Dahil siguro sobrang bait niya.." sagot niya ng may mga ngiti sa labi at parang nahihiyang tumingin kay Ace.
"Narinig mo yun Ace?! Galaw galaw na!" pangaasar naman ni Quinn kay Ace na parang tangang ngumingiti.
Sumunod namang tumigil ang bote kay Kelvin kaya lahat kami napunta ang atensiyon sa kaniya.
"Dare naman para maiba!" parang proud pa siya dahil siya palang ang nagdare sa amin.
Lahat napatingin kay Sophia na bigla bigla nalang tumawa na parang baliw. Ehh? Hindi naman siguro baliw yung mga kaibigan ko diba?? >__<
"Hahahaha!! Nice choice Kelvin! I dare you... to call Althea and confess your feelings for her.." nakagat ko ang pangiibang labi ko dahil nagpipigil ako nang tawa.
Biglang namula si Kelvin habang naglalakihan ang mga mata niya at nakanganga. Lagot ka ngayon bro!
"Sira kaba ate?! Ayoko nang dare mo! Ibahin mo!!" pasigaw na sagot niya agad. "Hindi ko gagawin yan!" dagdag pa niya dahilan na mapatawa na kami.
"Ang torpe mo naman Kelvin!! Para aamin lang ehh!" pangaasar sa kaniya ni Prince.
"Hindi ako torpe! Ayoko lang talagang malaman niya!" depensa niya
"Ayssuuuuss!! Daming dahilan di nalang magsabi ng totoo!"
Natatawa nalang kami dahil inaasar namin siya tapos bigla nalang siyang mamumula hahaha laptrip din tong kapatid ko ehh. Torpe! (Parang ako -__-)
YOU ARE READING
ULTIMATE CRUSH
RandomSi Kiel ay isang studyante sa MSA at isang pinakakabaliwan nang mga babaeng studyante, ngunit kahit ganun ay iisa pa rin ang isinisigaw at tinitibok ng puso niya kundi ang matalik niyang kaibigan na si Kimberly Keith. Paano niya kaya maaamin ang nar...