Chapter 9

11 3 0
                                    

KIEL's POV

Dalawang buwan na simula nung nagsimula ang klase. Dalawang buwan na din simula nung bumalik siya.

Yung babaeng first love ko..

Yung babaeng pinapantasya ko...

Yung babaeng naging kaibigan ko...

At yung babaeng gustong gusto ko mga bata palang kami...

At yung babaeng nagngangalang Keith...

^__^

Dalawang buwan na pero parang gulantang parin ako sa pagbalik niya, parang wala ng paglagyanan yung sayang nararamdaman ko...

August ngayon kaya nagpe-prepare na kami para sa Buwan ng Wika. At bilang grade 12 students ay kami ang maghahanda sa lahat, dahil kami ang nakatatanda. Actually kaming section one lang ang magpe prepare.

And ohh! Nakalimutan ko! Si Keith na pala ang bago naming president at ako naman ang vp haha. Pinalitan na kasi yung mga dating officers namin, Hindi naman nagsisisi ang buong class na si Keith ang naging pres. namin.

"Keith, kulang na tayo sa kartulina." rinig kong sabi nung isa naming kaklase kay Keith. Tinignan naman niya yung hawak niyang papel, may sinabi siya dun sa babae kaya agad siyang tumango at umalis.

"Kaya paba miss president?" Napatingin ako dun sa papel na hawak niya. Napatango naman ako dahil nakaayos lahat ng bibilhin namin.

Bilib din ako sa talino niya ehh. Alam niya kasi kung paano iadjust lahat ng kailangan namin sa selebrasyon na paparating. Bilang niya yung mga kakailanganin naming pera. Mas matipid nga siya kaysa kay Quinn ehh, kapag si Quinn kasi halos araw araw ng maningil, pero si Keith isang beses lang tapos kakasiya na. 'Lam mo yun? Ang tipid niya ehh haha!

"Oo naman! Madami pa namang natira sa contribution nating lahat." sa totoo lang Hindi ko alam kung anong paaralan toh, private nga pero students naman ang magpprovide ng gastusin tuwing may okasyon na gaganapin.

"Dapat kasi hindi tayo ang gumagawa dito ehh! Tiyaka dapat kanilang pera yung gamitin." nakapameywang ako sa harap niya tapos ginulo niya yung buhok ko.

"Sira! 'Wag ka nalang magreklamo! Tiyaka ano pang silbi natin bilang grade 12 student's kung hindi tayo tutulong?" nginitian niya ako ng sobrang lawak kaya ginantihan ko din siya ng ngiti.

"Edi ikaw na!" pinisil ko naman yung napaka cute niyang mga pisngi kaya sabay kaming natawa.

"Parang 'di ka naman nasanay!" aniya pa.

"Kambal tuko!" bigla ay sigaw sa amin ni Adrian kaya sabay namin siyang nilingon at sinamaan ng tingin.

"Kailangan po namin ng tulong niyo Mister VP at Miss Pres!" sarkastikong aniya at itinaas pa ang paint brush na hawak.

Lumapit naman kami ni Keith sa kaniya para matulungan namin sila. Tinulungan namin silang gumuhit ng isang babae at ginoo na naka barong at saya tiyaka namin iyon pininturahan.

·•·•·•·

KEITH's POV

"Guys! Sinong gustong umakyat sa ladder? Kailangang mapinturahan yung sumbrero nung magsasaka!" sigaw ni Mika, kaklase kong babae.

"Salamat ha!" sarkastikong dagdag niya ng wala man lang nagsalita para umakyat. Natawa naman ako.

Lalapitan ko na sana siya ng maunahan ako ni Alex, isa sa pinakamaganda sa mga kaklase ko. Maganda si Alexandra, mabait din at matalino. Maganda rin ang katawan niya, bagay sa kaniyang maging model.

ULTIMATE CRUSHWhere stories live. Discover now