KIEL's POV
"Uwaaahh! Ang ganda dito! Ang yaman niyo talaga Keith!" tili ni Quinn na pumapalakpak pa.
Yes po opo! Mayaman talaga sila Keith! Sa pagkakaalam ko ay meron silang pitong Rest House tapos iba pa yung mansion talaga nila. Apat ang rest house nila dito sa Pangasinan pati yung mansion nila andito din. Tapos yung tatlo naman nasa iba't ibang lugar.
"Hindi naman noh! Sadyang may kaya lang!" pa-humble amputek haha.
Pinagbuksan naman kami ng guard nila. Agad naman kaming sinalubong ng mga maids nila.
"Good evening Ms. Keith.." nag-bow lahat ng maids nila kay Keith habang naka linya. Tumango naman si Keith kaya umalis na din sila maliban lang kay yaya Gemma at yaya Helen.
"Ang alaga namin dalaga na!" sinalubong si Keith ng yakap nung dalawang maids.
Kilala ko sila dahil sila yung nagalaga kay Keith nung bata pa siya. Sila din yung nagbabantay sa amin kapag naglalaro kami. Nakakatuwa nga dahil hanggang ngayon ay nandito parin sila at nagtatrabaho.
"Hala namiss ko po kayo yaya Helen at yaya Gemma!" ani Keith habang nangiti ng matamis sa dalawa.
"Namiss ka din namin iha.." hinaplos haplos ni yaya Gemma yung buhok niya habang nakangiti ng malawak sa kaniya.
"Ang laki mo na talaga Keith. Inalagaan ka talaga ng maayos ng grandma at grandpa mo.." sabi naman ni yaya Helen. Hindi nagsalita si Keith at niyakap lang silang dalawa.
"Ahh guys si yaya Helen at yaya Gemma. Hmm mga friends ko po sa bago kong school."
"Hello po.." kinawayan namin sila. Ganun din ang ginawa nila.
"Ohh Kiel! Andito ka pala!" baling sa akin ni yaya Gemma at nilapitan.
"Kamusta na yaya Gem?"
"Ayos lang naman ako. Ikaw? Kamusta na? Siguro may girlfriend kana ano?" napapahiya naman akong ngumiti tiyaka nagkamot ng batok.
"Ahh okay lang naman po, wala paring jowa hanggang ngayon."
"Nililigawan meron?"
"Wala din po.."
"Wala kang balak ligawan?" binigyan niya ako ng makahulugang ngiti bago sumulyap kay Keith.
Si yaya Gemma lang kasi ang nakakaalam na may gusto ako sa alaga niya. Bata palang talaga kami nahahalata na niya, nagulat nga ako dati nung tanongin niya sa akin kung gusto ko daw ba yung alaga niya.
"Yaya! Alam naman nating dakilang torpe si Kiel noh! 'Wag ka ng magtaka kung wala paring jowa yan!" singit ni Keith at inakbayan ako.
"Ako? Torpe? Ikaw nga wala ding jowa ehh!" asar ko din sa kaniya. Hinarap niya ako tiyaka ako nginitian.
"Ehh kasi po.. May hinihintay akong tao para ligawan ako! Kaso nga lang po, masiyadong torpe! Diba yaya Gem at yaya Helen?" pinisil pa niya yung magkabilaang pisngi ko amputek!
"A- araayy!" inabot ko din yung mukha niya tapos pinisil ko din yung pisngi niya haha.
"Hindi parin kayo nagbabago! Magbestfriend parin hanggang ngayon! At ang kukulit parin!" natatawa naman si yaya Helen sa amin. Tumigil kami ni Keith at nagtawanan.
"Kumain naba kayo? Ano? Gutom naba kayo?" tanong sa amin ni yaya Gemma.
"Naku yaya Gemma, tapos na po kaming kumain kela kuya. Pakihanda nalang po yung guest room.." tumango lang sila bago sila dumeretso sa taas kung asan yung guest room.
YOU ARE READING
ULTIMATE CRUSH
RandomSi Kiel ay isang studyante sa MSA at isang pinakakabaliwan nang mga babaeng studyante, ngunit kahit ganun ay iisa pa rin ang isinisigaw at tinitibok ng puso niya kundi ang matalik niyang kaibigan na si Kimberly Keith. Paano niya kaya maaamin ang nar...