KEITH's POV
"Keith, iha.." napamulat ako ng mata dahil nakaramdam ako ng pagyugyog sa katawan ko.
Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko at nakita ko si yaya Belinda.
"Nasa labas ang mommy at daddy mo.." mahinhin niyang saad kaya napabalikwas ako sa higaan ko.
"Dumating na sila?!" tanong ko at hindi maiwasang ngumiti nang napakalawak.
"Oo." sagot din niya nang nakangiti habang tumatango tango pa.
Hindi na ako nagdalawang isip pa na tumayo at bumaba galing sa kwarto ko, pagbaba ko andun sa sila mom at dad na nagkakape kasama si kuya Kai.
"Mom! Dad!" sigaw ko agad at tumakbo papunta sa kanila.
"Keith! We missed you so much baby girl!" sagot ni mommy
"Yaah! I missed you too mom!"
"Kamusta naman ang pagaaral mo? Balita ko nagsimula kana kahapon?" seryosong tanong agad ni daddy.
"Okay lang naman dad, madami na ring friends." sagot ko.
Napalunok naman ako nang biglang ibinaba ni daddy ang tasa niya at tumingin sakin.
"Baka mamaya, iyang mga kaibigan mo nanaman ang maging dahilan ng pagbagsak mo." deretsong saad niya. "Ayoko nang maulit pa kung anong nangyari dati. Understand?" dugtong pa niya.
"Y-yes dad.." napapatungong sagot ko nalang tyaka yumuko.
"Ano kaba naman hon, wag ka ngang ganyan sa anak mo." sabat ni mommy.
Napalingon ako kay kuya at nakatingin siya sakin, agad naman siyang tumango at ngumiti, gumanti lang ako ng pilit na ngiti.
"Sinasabi ko lang Kaye." sagot nanaman ni daddy kay mommy.
"Hindi na po mauulit kung ano mang nangyari dati dad. I promise." sabi ko nalang nang nakatingin sa kanya.
"Siguraduhin mo lang yan Keith, dahil once na maulit yan. Hindi kana ulit magaaral. Wakari masu ka?" saad pa niya.
Napalunok nalang ako, patay tayo diyan T^T
"W-Wakari masu, dad." sagot ko nalang.
"Eat your breakfast, sweetie.." saad naman ni mommy sakin na tinanguan ko lang.
Akala ko naman magandang andito sila mommy at daddy. Kaso, para mas maistress lang ako. Ngayon KAILANGAN KO NA TALAGANG MAG-ARAL NG MABUTI!!
Matapos kong kumain nang breakfast ay nagpaalam nakong magaayos dahil papasok na ako sa school.
Inayos ko muna yung higaan ko tyaka ako pumasok sa cr, nagtanggal ako ng saplot at agad binuksan ang shower. Binuksan para may lumabas na tubig ha? Hindi binuksan na as in binuksan yung shower. Hanudaw?!
"Keith! Bilisan mo!" rinig kong sigaw ni kuya mula sa baba.
"Opo! Saglit lang!" sigaw ko pabalik at agad nagsuot nang plain white t-shirt at jeans, nagrubber na din ako tyaka kinuha ang mga gamit ko.
Meron na akong uniform pero may palugit ang school naming pwedeng mag-civilian ng isang buwan.
"Is that your uniform?" taas kilay na tanong ni daddy sakin.
"No dad."
"Then, bakit hindi ka maguniform?"
"Dad, malelate na po si Keith, kailangan ko na po siyang ihatid." singit agad ni kuya.
YOU ARE READING
ULTIMATE CRUSH
RandomSi Kiel ay isang studyante sa MSA at isang pinakakabaliwan nang mga babaeng studyante, ngunit kahit ganun ay iisa pa rin ang isinisigaw at tinitibok ng puso niya kundi ang matalik niyang kaibigan na si Kimberly Keith. Paano niya kaya maaamin ang nar...