Prologue

2.5K 47 0
                                    

Yuan's POV

Nag asikaso na ako pagpasok ko. Kahit pa paano ay umuuwi pa rin ako sa bahay kahit marami akong ginagawa sa head quarter.

My reason why I joined? I don't have any reason.

Dati akong navy pero umalis ako dahil pinakausapan ako ni mama na umalis ako sa pagiging navy ko kaya ito ako ngayon CEO ng hotel namin sa Pilipinas at Japan. Pero kapag nalaman ni mama na pumasok ako sa pagiging agent ay paniguradong papaalisin rin niya ako. Ayaw niya kasi na ganito ang trabaho ko. Sobrang delikado.

I have older brother, isa siyang air force at sumabog ang sinasasakyan niyang eroplano habang nasa kalagitnaan siya ng gyera noon. Naiintindihan ko si mama kung bakit ayaw niya ako pumasok sa isang delikadong bagay na pwedeng ipahamak ko.

"Yuan." Tumingin ako kay mama noong tawagin niya ako. "Come here, honey. I made your favorite crème brûlée."

"Ma, hindi ko po paborito ang crème brûlée. Baka si kuya." Sabi ko. Hindi ko naman talaga paborito ang crème brûlée. Unang una hindi ako mahilig sa sweets. Si kuya Yuuta ang mahilig sa crème brûlée.

"I know. Palagi ka kasi busy diyan sa trabaho mo at wala ka masyadong oras sa akin. Kaya gusto ko ng–"

"Ma, stop!"

Naiinis na ako kay mama dahil palagi na lang niya sinasabi sa akin na gusto niya ng apo. Paano naman ako magpapakasal kung wala naman akong girlfriend at wala akong interest pumasok sa isang relasyon after what happened to my last relationship. Kung wala rin pala tiwala sa akin at ang masaklap pa ay hindi naman ako binigyan ng pagkakataon na magpaliwanag.

Kaya nga sinabi ko rin kay Aaron ang lahat problema ko sa bahay at sinuggest niya ay maghanap daw ako ng surrogate mother para mabigyan ko ng apo si mama. Kung maghahanap ako ay paniguradong marami ang willing magpabuntis sa akin. Mayaman kaya ang pamilya ko at kilala ang Parker sa buong Pilipinas pero gusto ko yung matinong babae. Ilang araw ko rin inisip ang sinabi ni Aaron sa akin bago ako napapayag. Pumunta pa ako sa clinic ng family doctor namin para kausapin siya kung kilala ba siyang willing maging surrogate mother. Ang dami nga niya tinanong sa akin dahil kilala na niya ako simulang bata pa lang ako. Tinuring ko na rin kasi siyang katatandang kapatid.

"Basta sabihan mo na lang ako kung may nahanap ka na ah." Sabi ko sa kanya.

"Oo."

"Siguraduhin mong matino iyang nahanap mo. Makakalimutan kong mas matanda ka sa akin, Noah."

"Ano ang gagawin mo sa akin kapag hindi matino ang mahanap ko?"

"Sisiraan kita sa mga babaeng nililigawan mo. Sasabihin ko sa kanila sinasabay mo silang lahat."

"Gago ito. Alam mo naman wala akong balak pumasok sa isang relasyon."

Noah is a player. Ilang babae na nga ang pinaiyak ng taong ito, eh. Umabot na nga ang edad niya sa cuarenta ay wala pa rin siya naging girlfriend. Wala na yata balak umalis sa pagiging bachelor.

Ganoon ka rin naman, Yuan. Treinta ka na at ayaw mo ngang umalis sa pagiging bachelor.

Hindi ka pa kasi naka move on sa kanya.

"I have to go. Kailangan ko pang puntahan ang hotel at kausapin rin dad."

Pagbukas ko ng pinto ng clinic ni Noah ay may isang lalaki akong nakita. Nagulat pa nga siya pagkakita niya sa akin.

Nang dumating na ako sa hotel ay wala kahit sino sa mga staffs nakakilala sa akin bilang CEO nila. Inoorserbahan ko silang lahat kung nararapat ba talaga sila magtrabaho sa hotel natin. Wala nga rin silang alam na anak ako ni Yuno Parker.

"Good afternoon, Yuan." Bati sa akin ng security guard.

"Good afternoon rin, manong."

Pagkapasok na pagkapasok ko sa loob ng hotel ay tili ng mga babaeng staffs ang naririninig ko pagkakita nila sa akin. Napapailing na lamang ako. Mas inuuna pa nila ang landi kaysa trabaho. Ang daming customers ngayon.

Pumunta na ako sa VIP suite. Dito kasi si dad ngayon dahil hindi maganda ang samahan nila mama simulang namatay si kuya Yuuta. Sinisi kasi ni mama si dad sa pagkamatay ni kuya Yuuta. Kung hindi kinumbinse ni dad si mama noon na pumasok si kuya Yuuta sa air force ay sana kasama pa rin namin siya.

Kumatok na ako sa pinto nang makarating sa suite ni dad. Binuksan niya agad ang pinto.

"Yuan." Inakbayan ako ni dad papasok ng suite.

"Dad." Mahina kong sabi sa salitang dad dahil ayaw ko may makaalam. "Alam niyo naman na ayaw kong may makaalam kung sino talaga ako."

"Sorry, son. Masaya lang ako na makita kita ulit." Ginugulo ni dad ang buhok ko like the old days.

"Ano ba yung gusto niyong pagusapan?" Tanong ko pagkasara ko ng pinto.

"How's your mom?"

"She's fine but she always asked me to give her a grandchild."

"Bakit hindi mo kami bigyan ng apo? Iyon lang naman ang kahilingan ng mama mo kung ayaw mo talaga magpakasal at sa panahon ngayon ay hindi na uso ang kasal muna bago anak."

"Dad..." Singhal ko. Grabe talaga si dad, oh! Bibigyan ko naman sila ng apo kapag may nahanap na si Noah maging surrogate mother ng anak ko. "Alam niyo naman na ayaw ko ng pumasok sa isang relasyon pagkatapos nangyari sa amin ni Coleen. Bakit pa ako makikipag relasyon kung walang tiwala sa akin ang magiging girlfriend ko at ayaw ako bigyan ng pagkataon magpaliwanag?"

"Is this all about Coleen again, Yuan? Do you still love her?"

"Dad, she's my first love and my first girlfriend. Kaya siguro hindi ganoon-ganoon kadali makalimutan ang lahat na pinagsamahan namin."

Nahuli ako ni Coleen noon na hinalikan ako ng babae. I admit it, it's my fault because I let my guard down. Kahit anong pilit kong magpaliwanag sa kanya ay hindi niya ako pinapakinggan that's why I gave her space. Tapos malalaman ko sa kaibigan niya na may balak siyang makipag hiwalay sa akin. Gusto ko siyang kausapin noon kaya pumunta ako sa kanila kaso  pagkarating ko sa kanila ay wala na si Coleen doon at hindi ko na siya muli nakita.

Nakipag hiwalay sa akin ang babaeng iyon sa isang sulat na iniwanan niya.

Pwede ko siyang kulitin kung gugustuhin ko pero alam kong mas lalo siyang magagalit sa akin. Wala kaming closure.

Crazy In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon