Chapter 1

941 25 0
                                    

Ilang araw na ang lumipas at tinawagan ako ni Noah na pumunta sa clinic niya. Baka may nahanap na siya pwede maging surrogate mother.

Kumatok na muna ako sa pinto ng clinic niya bago ko pa iyon binuksan.

"I'm glad you came, Yuan. I have good news." Masayang sabi ni Noah sa akin.

"Siguraduhin mong good news yan." Wala gana kong sabi. Tama daw bang tumawag sa akin sobrang aga kanina para lang papuntahan ako. Ayaw kasi niya sabihin sa akin sa tawag, gusto pa sa personal.

"Of course."

"Ano ba iyon? Sabihin mo na sa akin. Dahil gusto ko na ulit umuwi para matulog."

Ilang araw na rin kasi ako nasa head quarter at wala pa ako masyadong tulog.

"Nakahanap na ako ng babae para maging surrogate mother."

"That's good."

"Wala ka bang balak kung sino itong kinuha ko?"

"Nah, hindi ako interesado malaman kung sino man iyang kinuha mo. Ang kailangan ko lang naman ay anak. Siguro naman hindi mo sinabi sa kanya kung sino ako, diba?"

"Hindi. Wala rin siyang interest malaman kung sino ang ama ng magiging anak niya pero may kondisyon siya."

"Ano? Pera ba? Okay, walang problema sa akin. Magkano ba ang kailangan niya?" Wala talagang problema sa akin kung pera ang kapalit basta ipagbuntis niya lang ang anak ko.

"She needs a million pesos."

"Isang milyon?! Siya ba talaga ang humihingi o baka naman ikaw na, Noah."

"Of course not. Nagtatrabaho ako para kumita. Hindi ang humingi ng pera sa pamilya mo. At ang sabi niya kailangan na kailangan daw niya ng pera ngayon dahil lubog na ang pamilya niya sa utang."

Isang milyon. What the fuck?

"Fine. Ibibigay ko sayo yung isang milyon para ibigay mo sa kanya ah. Siguraduhin mo lang ibibigay mo sa kanya ang pera."

"Oo. Ibibigay ko sa kanya yung pera na binigay mo. Baka sisiraan mo talaga ako sa mga chicks ko."

"Ewan ko sayo. Ikaw na ang bahala. Alam mo naman kung ano ang gagawin mo, eh."

Pagkatapos kong kausapin si Noah ay nagpaalam na ako sa kanya. Imbes na bumalik ako sa bahay ay dumeretso ako sa head quarter. Nawala na kasi ang antok ko noong sinabi ni Noah na kailangan daw nang babae ang isang milyong pesos.

Abala ako sa trabaho dahil tinutulungan ko si Aaron sa misyon niya. Hindi kasi biro itong mafia. Isa sila malalakas na mafia sa buong mundo. Nagulat nga ako na walang alam si Aaron tungkol sa kanila. Alam kong company ang BWG pero mahirap hanapin kung saan makikita iyon at may nahanap akong pangalan ng mafia. Ang Dark Abyssal. Wala nakalagay rito kung sino ang boss nila.

Akala ko matatapos ko na noong nakita ko tungkol sa Dark Abyssal pero hindi pala. Kahit saan ako pumunta ay wala akong makuhang information tungkol sa boss nila. At least may clue na kami kung anong mafia ang hahanapin.

Ang bilis ng takbo ng panahon dahil nalaman ni Aaron kung sino ang hinahanap niyang mafia boss ng Dark Abyssal. Walang iba kundi si Bernard Watson, ang ama ng ex girlfriend niya.

Natuklasan rin ni Zion kung sino ang pumatay sa mga magulang ni Aaron. Pareho tao lang ang hinahanap niyang tao sa misyon niya.

Sinabihan siya ni Zion na huwag padalos dalos sa kilos niya pero as usual hindi talaga marunong makinig si Aaron sa ibang tao. Naalala ko pa kung ilang beses na-suspend si Aaron sa school namin noong high school pa kami.

"Pagpasensyahan mo na lang si Ron. Ganoon talaga iyon kahit noong high school pa kami. Hindi siya marunong makinig sa ibang tao." Sabi ko kay Zion.

Bumuntong hinga si Zion bago siya sumagot.

"Wala na ako magagawa kung iyon ang gusto niyang gawin sa target. Ang sa akin lang ay sana magisip na muna siya bago kumilos dahil ipapahamak rin niya ang buhay niya."

"I know him. Hindi niya gagawin iyon."

Bumalik na ulit ako sa trabaho ng may tumatawag sa akin. Isang unknown number. Baka nagkamali lang yung tawag pero hindi humihinto sa pag-ring ang phone ko.

"Hello?" Pagkasagot ko sa tawag.

"Yuan Parker..."

"Yes? Sino– Hello?" Tiningnan ko ang phone ko at wala na pala akong kausap sa kabilang linya.

"Ano nangyari sayo, Yuan?" Tumingin ako kay Zion.

"May tumawag sa akin kanina pero hindi ko alam kung sino ang tumawag. Bigla niyang binaba ang tawag kanina."

"Baka may secret admirer ka." Ani Neil.

"Lalaki yung tumawag kaya malabong secret admirer iyon."

"Kung tumawag ulit siya sayo ay sabihan mo ko para alamin natin kung sino at hanapin rin kung saan matatagpuan ang caller. May kutob kasi ako na may hindi magandang mangyayari sa mysterious call na yan."

Tama siya. Kailangan maging alerto sa paligid dahil sa panahon ngayon ay wala ng ligtas na lugar. Kahit saan ka pumunta ay manganganib at manganganib ang buhay mo.

Another days passes, heto na naman yung mysterious call at ito ang pangalawang beses na tumawag sa akin. Sinabihan ko kaagad si Zion para alamin niya kung sino ang tumatawag at saan matatagpuan.

"Hello?" Sagot ko sa tawag.

"Hawak ko ang buhay ng mahal mo." Kumunot ang noo ko but at the same time ay bumilis ang tibok ng puso. Sana walang mangyari masama sa mga magulang ko.

"Sino ka–" Tiningnan ko ulit yung tawag pero wala na yung boses sa kabilang linya. "Bullshit!"

"Hindi ko malaman kung sino yung caller." Tumingin ako kay Zion. "Pero nalaman ko kung saan siya pwedeng matagpuan."

"Saan?"

"Japan."

"Japan?" Kumunot ang noo ko. Wala naman akong kilalang taga– Wait.

Si Coleen. Fuck. Her life is in danger!

"Kailangan kong pumunta doon. Ipadala mo ko, Zion." Sabi ko at kailangan ko iligtas si Coleen kahit hindi niya malaman pupunta ako doon.

"May kamag anak ka ba sa Japan?" Tanong ni Jake.

"Wala pero nandoon nakatira ang ex girlfriend ko. Kailangan ko siyang iligtas dahil may kutob akong nasa panganib ang buhay niya ngayon."

"Okay. Ipapadala kita doon para bantayan mo siya. Kung may makita kang kahina-hinala ay tawagan mo ko para makahingi tayo ng tulong sa mga agent doon."

Tumango ako kay Zion.

"Salamat."

Kailangan kong iligtas si Coleen dahil naging parte pa rin siya ng buhay ko at importante siya sa akin kahit matagal na kaming hiwalay.

Crazy In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon