Chapter 5

656 21 0
                                    

Ilang buwan na ang lumipas ay may nahanap ako kung saan ang hideout ng target. Kinausap ko ang ibang agents para tulungan nila kami ni Aaron.

Pagkarating namin sa hideout ng kalaban. Kamuntikan na kami mahulog sa patibong nila at mabuti na lang ay nakakagawa ako ng plano bago pa kami pumunta rito kaya sila ang nahulog sa patibong namin. Laking tanga rin pala itong target at mga tauhan niya.

Ngayon ay tapos na ang misyon kaya makakauwi na kami ni Aaron sa Pilipinas.

"Finally, tapos na rin itong misyon. Hindi na ako papayag na mauudlot ang plano kong magpropose kay Brit." Humalaklak pa ako kasi naman halatang naiinis siya sa nangyari at parang kasalanan ko pa talaga. "Seryoso ako, Yuan."

"I know, bro. Baka magbago pa ang isip mo at hindi mo na ko kunin maging best man mo."

Desido na talaga itong si Aaron pakasalan agad si Britney kahit hindi pa nila ganoon kakilala ang isa't isa. Ang alam pa lang niya kay Britney ay anak siya ng pumatay sa mga magulang niya. Iyon lang.

Tinawagan ako ni Aaron dahil pinapupunta niya ako sa bachelor party niya. Bukas na kasi ang kasal nila Britney.

No choice ako at ayaw ko maging killjoy.

"Nandito na pala si Yuan." Sabi ni Aaron pagkarating ko sa lugar.

Inabutan ako ng alak ni Jake.

"Sinabi sa amin ni Aaron kanina na hindi ka daw umiinom pero para sa groom. Uminom ka."

Ayaw ko nga maging killjoy. Kinuha ko na yung baso na inabot sa akin ni Jake at ininom ko yung alak. Shit. Ang sama ng lasa.

"Sa una lang iyan. Hindi ka pa kasi sanay uminom." Ani Neil.

Wala akong balak sanayin ang sarili ko uminom ng alak, no! Hindi sa malalagot ako kapag uminom ako pero ayaw ko talaga ang amoy ng alak. Pero pagbibigyan ko si Aaron dahil bukas na ang kasal niya.

Hindi ko na nga mabilang kung ilang alak na ba ang nainom ko ngayon habang naglalaro kami ng truth or dare. Walang kasamang babae dahil kasal na silang lahat maliban sa akin at si Aaron ay bukas na ang kasal.

"Yuan, truth or dare?" Tanong ni Neil.

"Para maiba naman. Puro truth ang ginagawa natin kaya dare na ako."

"Aba, lakas ng loob mag-dare ah." Sabi ni Aaron.

"Siyempre. Wala akong kinakatakutan."

"Sige, walang bawian. Tawagan mo ang ex girlfriend mo tapos sabihin mo sa kanya na mahal mo pa rin siya."

Nanigas ang buong katawan ko sa narinig. Parang nawala ang kalasingan ko. Shit. Totoong mahal ko pa rin si Coleen hanggang ngayon. That's the reason why I don't have a girlfriend until now.

"Dapat naka loudspeak para marinig naming lahat." Dagdag pa ni Neil.

I have no other choice kahit ayaw ko mas lalong magalit sa akin si Coleen.

Nilabas ko na ang phone ko at tinawagan ko na ang number niya. Naging stalker ako ni Coleen ever since. Niresearch ko ang tungkol sa kanya at kinuha ko rin ang contact number niya.

"Hello? Who's this?" Hindi ko mabuka ang bibig ko noong marinig ko ang boses niya. "Kung isa itong prank caller wala akong oras para sayo."

"Wait."

"Dickhead?" Napasapo ako ng noo dahil sa dami pwede niyang itawag sa akin. Bakit iyon pa?

Narinig ko ang pagtawa ni Neil. Mukhang pinagtatawanan niya yung tawag sa akin ni Coleen na dickhead kanina kaso pinapatahimik siya ng iba.

"Coleen, listen to me first. I love you." Walang paligoy ligoy kong ginawa ang dare sa akin. Kahit dare lang ito ay galing talaga sa puso ko iyon at sana marealize ni Coleen na mahal ko pa rin siya.

Kaso wala akong narinig na sagot mula sa kabilang linya. Nahimatay yata sa sobrang kilig.

Ha ha! Sino ba ang niloloko mo, Yuan? Hindi ka na niya mahal.

Imbes na hintayin ko ang sagot ni Coleen ay binaba ko na lang ang tawag kaysa may marinig pa ang iba na hindi maganda.

"Ayan, nagawa ko na yung dare ah." Sabi ko kaso nakita ko ang pag-iling ni Aaron. Sabagay, pinsan ng fiancee niya si Coleen.

Nagpaalam na yung iba pagkatapos namin maglaro ng truth or dare.

"Hatid na kita sa inyo." Tumingin ako kay Aaron. "Hindi ka pwede magmaneho na lasing at kunin mo na yung kotse mo bukas."

"Okay. Thanks, man."

Sinandal ko ang likuran ko pagkasakay ko sa passenger's seat at sa driver's seat naman si Aaron.

"Bakit mo ginawa iyon?"

"Ang alin?"

"Yung binigay na dare ni Neil sayo? Pwede mo sabihin sa kanya na hindi mo kayang gawin ang dare."

"Ron, sinabi ko na sayo mahal ko pa rin si Coleen kaso hindi kami pwede. Galit siya sa akin at ako na mismo ang lumalayo sa kanya dahil ayaw ko ng gulo. Tahimik na ang mga buhay namin."

"Masaya ka ba sa ginawa mo kanina?"

"Masaya. Kahit isang dare lang iyon ay nagawa kong sabihin kay Coleen kung gaano ko siya kamahal. Kahit sabihin natin na hindi niya iniisip ang ganoong bagay."

"Bakit kasi hindi ka na lang maghanap ng ibang babae. Marami diyan pwede mo maging girlfriend."

"Nah. Ayaw ko na pumasok sa isang relasyon kung hindi si Coleen ang girlfriend ko. She's the reason why I don't have a girlfriend until now. Pero sa ngayon ay anak na muna ang gusto ko."

"Ilang buwan na lang ba ang hihintayin mo bago manganak yung ina?" Tanong ni Aaron.

"I don't know. Maybe, 3 turning 4 months." Sagot ko habang nakapikit ang mga mata ko. Nakaramdam kasi ako ng hilo kanina.

"Paano pala kung si Coleen ang kinuhang surrogate mother ng family doctor niyo?"

"Psh. Huwag mo ko paasahin diyan, bro. Malabong si Coleen ang kinuha ni Noah dahil pareho natin alam busy iyon sa Japan."

Kung mangyari iyon ay ako na ang pinakamasayang lalaki sa buong mundo. Magkakaroon kami ng anak ni Coleen. Damn.

Bumaba na ako sa kotse ni Aaron noong nandito na kami sa tapat ng bahay. Pumasok na ako kaso nakita ko si kuya Yusuke nakatayo sa may sala. Mukhang hinihintay ang paguwi ko.

"May bisita ka– lasing ka ba, lil bro? Kailan ka pa natutong uminom ah?"

"Kanina lang. Pinagbigyan ko lang yung mga kaibigan ko ngayon. Promise ngayon lang ito."

"Pumasok ka na nga sa banyo para maligo. Amoy alak ka."

Palakad na sana ako ng maalala ko para bang may gustong sabihin si kuya Yusuke kanina.

"Ano nga pala ang gusto mong sabihin sa akin?"

"Ah, right! May bisita ka dito kanina pero ang sabi ko wala ka kaya umalis na rin siya."

"Sino?" Kunot noo kong tanong.

"Hindi niya sinabi ang pangalan niya. Basta magandang babae."

Magandang babae? Wala akong maalala na may nakausap akong babae.

"Ikaw ah. Ang sinabi mo sa amin ni Yukio dati ay hindi ka na pumapasok sa isang relasyon."

"Shut up. Diyan ka na nga. Maliligo na ako."

Crazy In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon