Chapter 12

521 17 0
                                    

Napabuntong hininga ako ng makatanggap ako ng tawag galing kay Zion. Ngayon lang ulit niya ako tinawagan. Baka may emergency sa head quarter.

"Hello?" Pagkasagot ko sa tawag.

"Sorry kung tumawag ako sayo, Yuan. Kailangan ko kasi ang tulong mo ngayon."

"Nasaan si Oliver ngayon?" Tanong ko habang tumitingin sa paligid. Nandito kasi ako ngayon sa lobby ng hotel.

"Hindi makakapunta ngayon si Oliver dahil nagkaroon ng sakit si Juno."

"Sige, pupunta na ako diyan." Binaba ko na yung tawag. Mabuti na lang ay wala na akong gagawin ngayon.

"Saan ka pupunta?" Nagulat ako sa nagsalita. Lumingon ako kay Coleen.

"Hindi ko alam kung ano ang pinagsa–" Hindi natapos ang sasabihin ko ng sumingit siya.

"Yuan, umamin ka nga sa akin. Ano ba talaga ang ginagawa mo?"

"Ano ang ginagawa? Nagtatrabaho dito."

"Hindi iyon. Kahapon kasi may nakita akong ba–" Kaagad kong tinakpan ang bibig ni Coleen. Hindi ko inaasahan makikita niya na may baril sa kotse ko. Palagi ako may dalang baril baka magkaroon ng panganib kung saan ako. Kailangan maging handa.

"Shh... Kung ano man ang nakita mo sa kotse ko ay huwag mo na ituloy."

"Ano ka ba talaga?" Bumuntong hinga ako. Hindi ako titigilan ni Coleen kapag hindi ko sinabi sa kanya ang totoo. Kaso ayaw kong manganib ulit siya.

"Sasabihin ko na sayo ang totoo. Isa akong agent kaya may nakita kang baril sa kotse ko."

"A-Age– Hmmph..." Tinakpan ko ulit ang bibig niya.

"Shh... Huwag ka na maingay. Baka may makarinig pa sayo lalo na si dad."

"Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Ang sabi mo sa akin noon ay isa kang navy."

"Yes, I am. Tandaan mo kung bakit nakita mo ko sa Japan?" Tumango siya sa akin. "Ang totoo niyan hindi yung branch namin ang pinunta ko doon. Nasa kalagitnaan ako ng misyon sa mga panahon na iyon. Ayaw ko sana magpakita sayo dahil alam kong magagalit ka sa akin kapag nakita mo ko kaso nakita mo ko."

Ang problema ay hindi ko pwedeng sabihin sa kanya kaya ako nasa Japan dahil nasa panganib ang buhay niya noon. Baka matakot si Coleen at kung anu-ano ang inisipin niya.

"I have to go dahil kailangan ko na pumuntahan ang mga kasamahan ko." Nagmamadali na akong pumunta sa parking para kunin ang kotse ko.

Pagkarating ko sa head quarter ay si Zion lang ang nandito.

"Nasaan yung iba?" Tanong ko.

"Nandito ka na pala, Yuan. Binigyan ko ng misyon sina Jake at Neil pero yung iba ay umuwi na muna."

"I see... Ano ang maitutulong ko sayo?" Umupo na ako kung saan ang pwesto ko lagi.

"I'm sure naririnig mo sa balita ang tungkol sa mga bomb threats. Gusto ko alamin kung saan nila tinago ang mga bomba bago pa ito sumabog."

"Nahuli na ba ang nagtago ng bomba?"

"Oo, nahuli na siya kaso ayon sa pinsan ni Jessa ay hindi daw nagsasalita para sabihin kung saan niya tinago ang mga bomba. Hindi ko ito ginawa para makipag cooperate sa mga pulis. Ginagawa natin ito para walang mapahamak na inosenteng tao."

Ang pagkaalam ko ay ayaw ng pinsan ni Jessa kay Zion sa hindi ko alam ang dahilan kung bakit ayaw niya kay Zion. Mabait naman si Zion. At ang sabi sa amin ni Zion ay alam na niyang isa siyang agent noong tinulungan niya si Miguel sa gustong pumatay sa kanya. Hanggang ngayob ay nasa kulungan pa rin ang nagtangkang pumatay kay Miguel at pumatay sa mama niya. Naglagay pa talaga si Zion ng CCTV camera sa kulungan niya para mabantayan namin ng 24/7.

"Pasensya na kung mawawalan ka muna ng oras sa anak mo ah."

"Ayos lang. Ginagawa naman natin ito para walang pamahamak na ibang tao."

Sa totoo lang noong nasa navy pa ako ay paghahanap rin ng kalaban ang ginagawa ko kaya siguro may alam na ako kung ano ang ginagawa namin noong bago pa lang ako bilang agent.

"Damn it. Inabot na tayo ng madaling araw pero wala pa tayong mahanap kung saan ba talaga tinatago ng gagong iyon ang mga bomba." Rinig kong sambit ni Zion. "Mukhang hindi kakayanin ng dalawang tao ang trabahong ito. Kailangan natin ang tulong ni Oliver. Kung kailan may emergency si Oliver sa kanila ay ngayon pa nangyari ito."

Hindi ko naman pwedeng sabihin kay Zion na magpahinga na muna kami dahil emergency itong ginagawa namin.

"Yuan..."

"Bakit?" Tumingin ako kay Zion.

"Ngayon lang tayo nagusap ng ganito at hindi ito ang tamang panahon para tanungin kita pero curious lang talaga ako."

"Ano yun?"

"Ano ba ang dahilan mo kung bakit ka sumali sa pagiging agent?"

"Gusto ko subukan ang ibang bagay. Tutal pumasok na rin ako noon sa navy."

"Talaga? Sumubok na rin ba sa gyera?"

"Almost. Dahil umalis ako sa navy."

"Bakit ka umalis?"

"Noong nalaman ni mama na pumasok ako sa navy ay kinausap niya ako na umalis dahil ayaw niyang mamatayan ulit ng anak."

"What do you mean?"

"Isang air force ang kuya ko. Sumabog ang sinasakyan niyang eroplano at hindi na siya nakaligtas."

"Mabuti hindi ka kinausap ng mama mo na umalis dito. Kailangan ka kasi ng team."

"Kaya nga wala akong pinagsasabihan sa pamilya ko na isa akong agent dahil sigurado akong papaalisin rin ako ni mama rito."

Inabot na kami ng umaga pero wala pa rin kami mahanap kung nasaan ba ang mga bomba.

"Good morning." Lumingon ako ng makita ko si Rocco. "Nandito ka pala, Yuan."

"Yup, tinutulungan ko si Zion sa paghahanap kung saan nakatago ang mga bomba."

"May nakita na ba kayo?"

"Wala pa, pre. Hindi ganoon kadali ang paghahanap kung hindi nagsasalita yung suspect." Sagot ni Zion.

"Nabanggit sa akin kahapon ni Jace nagsalita na daw yung suspect nasa mall daw ang isang bomba pero sa daming mall rito sa Pilipinas. Alin doon? Kung isa-isahin natin ang mga mall ay mahihirapan tayo."

"Police officer nga pala ang kapatid mo."

"Oo, kahit rin naman ako. I mean, former police officer."

"Pulis ka pala, Rocco." Sabi ko at binaling ang tingin ni Rocco sa akin.

"Oo, pero hindi tayo nandito ngayon para pagusapan ang tungkol sa pagiging pulis ko dati. Kailangan natin mahanap kaagad kung nasaan ang mga bomba."

"Wala bang sinabi kung saang mall, Rocs?"

"Walang binanggit si Jace sa akin kahapon. Basta mall lang."

"Tsk. Mas lalo tayong mahihirapan mahanap ang bomba."

Crazy In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon