Chapter 16

575 15 0
                                    

Coleen's POV

Apat na buwan na ang lumipas at naging maayos na ang kalagayan ni Yuuta. Kaso wala na akong balita kay Yuan simula noong nagmamadali siyang umalis sa ospital dahil nagkaroon daw ng emergency sa head quarter nila. Iyon na ang huling paguusap at pagkikita naming dalawa.

Kinabukasan ay maaga akong pumasok sa trabaho dahil ayaw ko mahuli. Pagpasok na pagpasok ko pa lamang ay nakikita ko yung ibang empleyado nagmamadali sa kung saan.

"Ano meron?" Tanong ko sa iba.

"Pinapatawag tayo ni sir Yuno sa office niya."

Pinapatawag kami ni tito Yuno? Bakit naman kaya? Hindi ko malalaman kung hindi ako pupunta sa CEO office.

Sumabay na rin ako sa ibang empleyado sa elevator at pinundot ng isa yung palapag kung nasaan ang office ng CEO. Wala silang ideya na si Yuan na ang CEO nila. Ang alam lang nila isang empleyado lamang si Yuan. Eh, bihira nga rin iyon magparamdam dito dahil busy sa pagiging agent niya. Hindi ko siya pinilit na umalis sa pagiging agent dahil ganoong bagay ang gusto ni Yuan. Basta magiingat lang siya sa mga magiging misyon niya.

"Good. Nandito na kayo lahat." Sabi ni tito Yuno na patingin tingin pa sa aming lahat. "Kaya ko kayo pinapatawag ngayon dahil gusto ko pakilala sa inyo ang bago niyong boss."

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Bumalik na ba si Yuan sa loob ng apat na buwan na missing in action siya?

Napalingon kaming lahat na may kumatok sa pinto ng CEO office. Yuan is here.

"Come in." Sabi ni tito Yuno at bumukas na yung pinto.

"Yuan?" Bulong ng ibang kababaihan.

"Kaya pala paborito ni sir Yuno. Anak pala niya si Yuan." Sabi naman ng ibang empleyado.

"This is Yuan Parker, my youngest son and the new CEO."

"Sorry kung hindi ko sinabi na anak ako ni Yuno Parker dahil nirequest ko kay dad na huwag muna sabihin sa inyo ang totoo. Pumasok ako bilang empleyado dahil gusto kong obserban ang mga empleyado dito. Siguro naalala niyo na may dalawang empleyado tinanggal 4 months ago dahil." Hinawakan niya ang kamay ko at dinala sa harapan. "Dahil ayaw kong may umaaway sa girlfriend ko."

Yumuko ako kasi nahihiya at natatakot ako. Baka ano pa isipin ng ibang empleyado na pumatol si Yuan sa kagaya ko.

Tumingin ako kay Yuan noong inangat niya ang mukha ko.

"No one is allow to bully you as long as I am here." Ngumiti ako sa sinabi ni Yuan. Kilala ko ang boyfriend ko dahil sa loob pa namang apat na taon kong boyfriend si Yuan at wala pa rin talaga nagbago sa kanya. Mas inuuna niya ang kalagayan ng ibang tao kaysa sa sarili niya.

Pagkatapos nangyari kanina ay sinundan ko si Yuan sa hallway.

"Yuan." Tawag ko sa kanya na kinalingon niya. "Apat na buwan ka walang paramdam sa akin."

"I'm sorry. Nagising ako ay nasa ospital ako at sabi ng mga kasamahan ko halos dalawang buwan akong walang malay. Nagpahinga ako ng isang buwan. Noong isang araw ako nakauwi sa amin at kinausap ko rin si dad na sabihin sa iba na ako ang boss nila."

Niyakap ko si Yuan at doon na rin ako humagulgol. Sobrang miss ko na siya.

"Hush now. Sabi ko sayo dati nasasaktan ako kapag nakikita kitang umiiyak."

"Kasalanan mo kung bakit ako umiiyak ngayon. Wala kang paramdam sa akin tapos pinagaalala mo pa ako."

"I'm sorry. And thank you dahil hindi mo hinahayaan ang anak natin noong may sakit siya."

"Wala ka na sa tabi ni Yuuta kaya hindi ako pwede wala sa tabi niya. Kailangan niya tayo dahil tayo ang mga magulang niya."

"Kaya nga mas bagay sayo ang maging misis ko."

"Seryoso ako, Yuan."

"I know." Natatawang sambit niya. "At seryoso rin ako na bagay sayo maging misis ko."

"Maya na tayo magusap ulit. Balik na ako sa trabaho ko."

Naging abala ako ngayong araw para rin ito sa pamilya ko at sa pagaaral ng kapatid ko. Kapag nakaipon na ako ay magpapatayo ako ng magiging business namin para sa mga magulang ko. Hindi na sila mahihirapan pumunta pa ng palengke para doon magbenta.

During lunch break, may isang lalaking empleyado ang lumapit sa akin.

"Hi."

"Hello."

"I'm Marc, by the way." Nilahad niya ang kanyang kamay at tinanggap ko iyon.

"Coleen."

"Wala kasi ako noong pinatawag tayo ni sir Yuno... totoo bang girlfriend ka ng bagong boss?" Tanong niya na kinatango ko.

"Girlfriend nga ako ni Yuan." Proud kong sabi.

"Kung may relasyon pala kayo ni Yuan. Bakit ganitong trabaho ang pinasok mo?"

"Noong pumasok ako dito ay wala pa kami ni Yuan."

"Kaya pala palagi bantay-sarado sayo si Yuan. Para bang ayaw niyang may umagaw sayo."

Ganoon talaga ang taong iyon pero hindi ko naman pwedeng sabihin na naging boyfriend ko dati si Yuan at naghiwalay tapos nakipag balikan.

Nakita ko nakatingin sa amin – sa akin si Yuan at lumapit na rin siya sa amin.

"Wala ba kayong gagawing trabaho ngayon?" Tanong niya sa amin.

"Lunch break, Yu–"

"Sir Yuan. Tawagin mo kong sir Yuan dahil ako na ang boss niyo dito." Sabi ni Yuan kay Marc.

"Sorry ho, sir Yuan." Sagot ni Marc bago binaling sa akin. "Sige, balik ba ako sa trabaho ko."

"Ano ang pinaguusapan niyong dalawa?"

"Tinatanong niya sa akin kung totoo bang girlfriend mo ko dahil wala siya noong pinatawag kami ni tito Yuno."

"Tsk. May papagawa akong trabaho sayo. May importanteng kliyente dadating mamaya at kailangan mo linisan ang room 809."

"Okay. Tatapusin ko na muna itong lunch ko." Sabi ko at tumango siya sa akin.

"At humanda ka sa akin mamaya." Aniya bago niya ako iniwanan dito sa pantry.

Kahit ba may restaurant sa hotel na ito ay ayaw ko doon kumain dahil ang mahal ng mga pagkain doon at gagastos pa ako imbes makaipon.

Pagkatapos ko kumain ay pumunta na ako sa sinabing room ni Yuan na kailangan kong linisin. Kahit girlfriend niya ako ay isa pa rin akong empleyado niya.

Maswerte nga ba ako na naging girlfriend ulit ako ni Yuan? I don't know... may umaway sa akin dalawang babae na may gusto kay Yuan. Ang akala ko ay hindi malalaman ni Yuan ang nangyari sa akin pero nakikita niya yung mga pasa sa braso ko at nalaman niya kung sino ang may gawa nito. Nawala sa isip ko may CCTV camera nga pala dito sa bawat palapag.

Pagpasok ko sa room ay namangha ako. Sobrang ganda ng view dito. Kaya siguro ito ang piniling room ng kliyente niya.

Hindi naman ganoon kadumi sa room na ito kaya hindi ko kailangan magwalis. Pinalitan ko na rin ang bedsheet at pillowcase.

Crazy In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon