Chapter 15

556 15 2
                                    

Ilang araw na hanggang hindi pa rin bumaba ang lagnat ni Yuuta tapos tumawag pa sa akin kanina si Zion na pinapupunta na ako sa head quarter. Damn. Hindi ko na alam ang gagawin ko ngayon. Kailangan ako doon pero mas kailangan ako ng anak ko.

Nakita ko si Noah nakatayo lamang malapit sa amin kaya ako na ang lumapit sa kanya.

"Noah, kamusta na ang kalagayan ni Yuuta ngayon?" Nagaalala na talaga ako sa anak ko. He is only 1 year old for pete's sake.

"Kumalma ka na muna, Yuan."

"Kumalma? Paano ako kakalma? Hindi ko nga alam kung ano na ang kalagayan ni Yuuta ngayon at hanggang ngayon hindi pa bumaba ang lagnat niya. He is only 1 year old and you know that."

"Ginagawa naman namin ang lahat na makakaya para alamin kung ano nangyari sa anak mo. Naghihintay lang ako ng resulta at agad kita sasabihan kapag nakuha ko na ang resulta ni Yuuta."

Umupo na ako sa may waiting area at hindi ko na talaga ang gagawin ko para mailigtas ang anak ko.

"Yuan." Tumingala ako sa tumawag sa akin. "Ano na ang balita kay Yuuta?"

"Wala pa ring balita. Wala pang resulta kung ano ba talaga ang nangyari kay Yuuta. Kung bakit hindi bumaba ang lagnat niya."

Damn. Tumatawag na naman sa akin si Zion kaya nag-excuse na muna ako kay Coleen para sagutin ang tawag.

"Hello?"

"Kailangan mo na pumunta sa head quarter ngayon para sa huling bomba, Yuan."

"Okay, pupunta ba ako diyan."

Ako lang kasi ang maasahan sa ganitong bagay sa team namin. Ako lang ang may alam kung paano i-defuse ang bomba.

Bumalik na ako kung nasaan si Coleen.

"Coleen." Tumingin siya sa akin. "Ikaw na muna ang bahala rito ah. Tawagan mo na lang ako kung bumalik si Noah at kung dumating sila mama ay sabihin mo may inaasikaso ako."

"Saan ka pupunta?"

"May emergency sa head quarter. Hindi ako pwede hindi pumunta ngayon doon kahit ayaw ko."

"Okay. Basta magiingat ka ah." Hinalikan ako ni Coleen sa labi.

Ilang araw rin noong inamin niya sa akin na hanggang ngayon ay mahal pa rin niya ako. Noong araw na iyon ay nabawasan ang pagiisip ko sa kalagayan ni Yuuta dahil mahal pa rin pala ako ng mommy niya. Now, she is my girlfriend. Ang bilis ng pangyayari. Wala tayo magagawa. May anak na kami ni Coleen pero hindi kami nagmamadali magpakasal. Ang importante ay kasama ko ang mag-ina ko.

Mag-ina ko... Damn.

At nalaman ko na rin kung sino ang umaway kay Coleen kaya kinausap ko si dad na tanggalin sila sa hotel. Hindi sila kailangan sa hotel namin. Hanggang ngayon ay wala pa nakakaalam ako na yung bagong boss nila pero inuutusan ko si dad. Ang alam kasi ng mga staffs sa hotel ay si dad pa rin ang CEO.

Pagkarating ko sa head quarter ay nagmamadali akong puntahan yung mga kasamahan ko.

"Nandito na si Yuan." Sabi ni Neil pagkakita niya sa akin.

"Nasaan yung location ng bomba para matapos na ito. Kailangan ko bumalik kaagad sa ospital."

"Sino ang nasa ospital?" Tanong ni Miguel sa akin.

"Anak ko."

Yung iba ay napatingin kay Jake.

"What? Bakit kayo nakatingin sa akin?"

"Hindi ba specialize mo ang mang gamot sa mga bata?" Tanong ni Neil sa kanya.

"Oo." Bumaling naman si Jake sa akin. "Ano ba ang sakit ng anak mo?"

"Ilang araw na kasi hindi bumaba ang lagnat niya."

"Kung ganoon ay may posibilidad na magkaroon siya ng dengue pero hindi pa ako sigurado hanggat hindi ko pa nakikita ng resulta ng test niya. Saang ospital ba ang anak mo?"

Sinabi ko kay Jake kung saang ospital dinala si Yuuta.

"Okay, pupunta din ako doon. Kakausapin ko na muna si Trixie na hindi ako makakabalik sa resort ngayon."

"Pero may family doctor kami na tumitingin kay Yuuta."

"Okay, tutulong lang ako sa kanya."

Napatingin ako kay Zion noong tumikhim siya.

"Sorry about your son, Yuan. Pero kailangan na natin asikasuhin ang huling bomba." Sabi niya. Nawala na sa isip ko ang tungkol sa bomba.

"Okay. Saan ba makikita ang huling bomba?"

"Sa mall rin makikita yung bomba. Ang problema ay medyo malayo yung mall." Ani Zion.

"At wala sa loob ng mall yung bomba. Hindi ako sigurado kung sa likod ba ng mall nakabaon ang bomba." Sabi naman ni Oliver.

"Okay. Pupuntahan na namin agad ng ibang agent para matapos na ito kaagad."

Medyo malayo nga yung mall na pupuntahan namin at mas malaki pa ito kumpara sa isang mall na may bomba rin. Marami ring tao ang mapapahamak rito kung hindi kaagad nalaman kung nasaan ang bomba.

"Kayo na ang bahala sa mga tao para mag-evacuate na sila dito." Utos ko sa ibang agent na kasama ko.

"Okay, sir."

Pumunta na ako sa likod ng mall para alamin kung saan ba nakabaon ang bomba. Mahirap alamin ang huling ito. Hindi ko alam kung saan banda nakabaon ang bomba.

Nakita ko ang ibang agent na lumalapit kung nasaan ako nakatayo.

"Kailangan ko ang tulong niyo. Hindi mahahanap ang bomba kung ako lang magisa." Binigyan ko na sila ng shovel para magsimula na maghukay.

"Sir, may nahukay akong kakaiba dito." Sabi noong isang agent. Agad ako lumapit sa kanya.

Kinuha ko na yung nakabaong briefcase at binuksan na iyon.

Shit.

"Lumayo kayo dito." Sabi ko sa kanila at sinunod naman nila ako. Hindi ako sigurado kung kaya ko bang pahintuin itong bomba. Ibang klase ito kumpara sa naunang bomba. At may 30 seconds pa.

Shit. 20 seconds left.

Hindi ko alam kung paano ko ba papahintuin itong bomba.

"Shit, shit, shit." Mahinang sambit ko.

15 seconds.

Kapag hindi ko ito mapahinto ay mamatay ako rito. Hindi ako pwede mamatay. Kailangan pa ako ng anak ko.

10 seconds.

5 seconds.

3 seconds.

"Yuuta, sana patawarin mo si daddy."

Sinarado ko na yung briefcase at tumakbo palayo ng mall. Hindi ko na nga pinansin ang tawag sa akin ng ibang agent dahil kahit anong oras ay sasabog na yung bomba.

Crazy In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon