Chapter 2

777 24 0
                                    

Ngayon ang alis ko papuntang Japan para alamin ang kalagayan ni Coleen. Kahit sa malayo ko siya makita. At least alam kong ligtas siya sa panganib.

Halos gabi-gabi ko kinakausap si Aaron sa video call pero ni minsan ay hindi ko tinatawagan si Zion para mag-report sa kanya. Pero noong isang araw ay may nakita akong kahina-hinalang tao na sinusundan si Coleen. Katabi lang ang bahay namin rito sa Osaka ang bahay ni Coleen. Kinausap ko si dad noon na ito ang bilihing bahay at hindi ko inaasahan na magiging girlfriend ko dati si Coleen na kapit bahay lang namin.

Palihim kong sinusundan sila. Mas lalo na si Coleen dahil hindi niya alam nandito ako ngayon sa Japan para bantayan siya. Kaso sa kalagitnaan ng pagsunod ko ay  biglang nawala yung lalaki na sumunod sa kanya.

Nagulat na lamang ako noong biglang tumakbo si Coleen na pumasok sa isang restaurant at dumeretso sa female comfort room.

"Ah. Shit." Tumalikod ako baka kasi biglang lumabas ng comfort room si Coleen ay makita pa niya ako. Hindi ako pwedeng magpakita sa kanya dahil paniguradong gagawa iyon ng scene dito. Walang hiya kasi ang babaeng iyon.

Naramdaman kong lumabas na siya kaya muli ko siyang sinundan pero umupo siya sa isang bakanteng table – wait! Dito kami madalas kumakain noon ah. Umupo na rin ako malapit sa pwesto ni Coleen at lumilingon sa direksyon niya. Kaso napansin kong may waiter na lumapit sa akin at wala na akong choice kaya umorder na rin. My as usual order.

Muli akong lumingon kay Coleen na abala sa phone niya. Sino kaya ang katext niya? Baka may boyfriend na siya ngayon. Magdadalawang taon na kaming hiwalay, eh.

Dumating na yung order ko kaya nagsimula na ako kumain. Kahit kailan talaga ang sarap ng mga pagkain nila dito. Nakakamiss. Isa ito nakakamiss pero mas nakakamiss ay si Coleen.

Ilang araw ang lumipas ay hindi ako hinahayaan lumayo sa akin si Coleen. Kahit saan siya pumunta ay sinusundan ko siya kaso napapansin ko lang ni minsan ay hindi siya pumapasok sa trabaho niya. Ang balita kasi sa akin ng isang kaibigan ko ay flight attendant na si Coleen noong grumaduate siya ng college. Nauna lang ako grumaduate sa kanya dahil tatlong taon ang tanda ko kay Coleen. Bago ako grumaduate ay doon niya ako nahuli na hinalikan ako ng isang babae na batchmate ko.

Kumunot ang noo ko noong may kumatok sa pinto ng bahay kaya agad kong binuksan at laking gulat ko ng makita si Aaron.

"Ron?" Kunot noo pa rin ako but at the same time ay naguguluhan. "Ano ang ginagawa mo rito?"

"Are you fucking kidding me, Yuan? Gabi-gabi mo ko kausap sa video call pero ni minsan ay hindi mo binabanggit sa akin ang tungkol sa misyon mo! Nagaalala na sayo sila Zion kaya pinadala nila ako rito."

"Paano mo ko nahanap?"

"Pagkarating ko sa airport ay sinabihan na ni Zion ang ibang agent dito na sunduin ako doon at dumeretso kami sa head quarter nila. Inalaman nila kung saan ka matatagpuan. Wait lang. Tatawagan ko lang si Zion para hindi na sila magaalala sa Pilipinas ngayon."

Nakita kong tinatawagan na nga ni Aaron si Zion.

"Hello, Zion."

"Yep, kasama ko na ngayon si Yuan."

"Yes, he's safe."

"Okay..." Binaba na niya ang tawag bago tumingin sa akin. "Ano na ang balita sa misyon mo?"

"Noong isang araw ay may nakita akong kahina-hinalang tao."

"Sinusundan ka ba niya?"

"Huh? Hindi. Ang ex girlfriend ko ang sinusundan niya. Sa tingin ko ay nasa panganib ang buhay niya ngayon kaya kailangan ko kumilos para hindi siya napahamak."

"Nagaalala ka sa kanya."

"Siyempre, naging parte na rin ng buhay ko si Coleen."

"Ano ba ang buong pangalan niyang ex girlfriend mo?" Tumingin ako kay Aaron nang tanungin niya ako. May Britney na siya.

"Coleen Arisato. Bakit?"

"Are you kidding me?! Hindi ko inaasahan naging girlfriend mo pala ang pinsan ni Brit."

Namilog ang mga mata ko sa narinig.

"Weh? Magpinsan sila? Ibig sabihin... may alam si Coleen na isang mafia ang tito niya?" Hindi ako makapaniwala na may alam rin si Coleen kung ano ang ginagawa ni Bernard Watson na iyon.

"I don't know, bro. Pero tangina kung tumawag ka lang sana kay Zion ay hindi na niya ako pinadala dito ngayon."

"Bakit?"

"Balak ko na sana magpropose kay Brit ngayon!"

"Agad-agad? Hindi ka naman siguro atat na magpakasal sa kanya, no?"

"You know my answer, Yuan. Bukas na nga pala natin pagusapan ang tungkol sa misyon mo. Gusto ko na kasi ang magpahinga."

"Doon ka na sa guest room matulog para maging kumportable ka."

Habang nandito pa ako sa Japan ay pumunta na muna ako sa hotel namin. May katiwala kami rito na siya muna ang bahala at kung magkaroon ng problema ay tinatawagan niya ako. Siya lang kasi nakakaalam na CEO ako ng dalawang hotel namin.

"Sir Yuan?!" Nagulat pa siya ng nakita ako.

"Shh... Huwag ka maingay. Ayaw kong may makaalam kung sino ako."

"Sorry po. Hindi niyo naman sinabi sa akin na pupunta kayo ng Japan."

"May ibang bagay ako kailangan gawin kaya nandito ako ngayon. Ano na pala ang balita?"

"Okay naman po, sir. Wala naging problema simulang nangyari dati."

"Good." Mabuti naman wala na nangyaring masama sa hotel namin dito. Last time kasi may magnanakaw na pumasok rito. Hindi ko alam kung paano siya nakalusot sa mga security guard. Wala kaming choice ni dad na tanggalin ang lahat na security guard dahil nalulusutan sila ng magnanakaw at pinalitan namin yung security guard na dapat ginagawa ng maayos ang trabaho.

"Pero minsan ay pumupunta rito si sir Yuno." Kumunot ang noo ko. Walang sinasabi si dad na pumupunta pala siya rito. "Para tingnan ang hotel."

"Sige, iyon lang ang pinunta ko. Tawagan mo ko kung nagkaroon ng problema dito. Habang nandito pa ako ay tutulungan kita."

"Okay po."

Train ako ni dad kung paano mag-manage ng hotel namin. Ayaw ko naman masayang ang hirap ni dad sa dalawang hotel. Kung nabubuhay lang sana si kuya Yuuta ay sa kanya yung branch namin sa Pilipinas at akin yung branch dito. Dito sana ako nakatira hanggang ngayon.

Crazy In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon